Aralin 12: Kabihasnang Greek

Image

ANG KABIHASNANG GREEK

Ang kabihasnang Greek ay ang una sa napatanyag na kabihasnang klasika. Ang Greece ay nasa timog na dulo ng Balkan Peninsula sa Timog Silangang Europe. Mabundok ang Greece kung kaya ang nabuong kabihasnan nito ay pawang watak watak na mga lungsod-estado o city state. Ang klima ng Greece ay angkop sa pagtatanim ng ubas, olive, trigo, at barley. Liko-liko ang baybaying-dagat ng Greece at marami itong magagandang daungan.

Image

ANG PANAHONG HELLENIC (800-338 B.C.E)

Ang tawag ng mga Greek sa kanilang sarili ay Hellenes. Ito ay hango sa salitang Hellas na tumutukoy sa kabuuang lupain ng sinaunang Greece.  Ang hudyat ng simula ng pamamayagpag ng kanilang kabihasnan ay ang unang pagtatanghal ng palighasan ng mga laro bilang parangal kay Zeus. Ang sinaunang Olympics ng mga Greek ang nagsilbing inspirasyon sa makabagong Olympic Games na nagsimula noong 1896.

ANG POLIS

Ang tawag sa mga unang pamayanan sa Greece ay  polis. Ang mga polis ay mga lungsod-estado o city state. Tinawag itong lungsod-estado dahil malaya at may sariling pamahalaan ang bawat isang polis at ang pamumuhay ng mga tao rito ay nakasentro sa isang lungsod. Mahigpit na ipinagtatangool ng mga polis ang kanilang kalayaan sa isa’t isa. Madalas ay hindi nagtutulungan ang mga polis maliban na lamang kung may banta sa kanilang kaligtasan. Ang gitna ng lungsod ay isnag bukas na lugar kung saan maaaring magtinda o magtipon-tipon ang mga tao. Ang tawag dito ay agora.

Image

ATHENS: ISANG DEMOKRATIKONG POLIS

Hindi naglaon, dalawang malakas na lungsod-estado ang naging tanyag – ang Athens at Sparta. Naging sentro ng kalakalan at kultura sa Greece ang Athens. Samantalang, sinakop ng Sparta ang mga karatig na rehiyon nito. Pinuwersa nito ang mga nasakop na lupain na manilbihan bilang helot o trabahador sa bukid.

Mula 594 B.C.E, pinalawig nina Solon, Pisistratus, Cleisthenes, at Pericles ang pamahalaan ng nakararami o democracy.  Direct democracy ang ipinatupad sa Athens dahil tuwirang nakibahagi ang mga mamamayan sa pamamahala. Subalit hindi kabahagi sa demokrasya  ng Athens ang mga babae at banyaga.

Image

SPARTA: ISANG MANDIRIGMANG POLIS

Kaiba naman ang mga pangyayari sa Sparta. Nanatili itong isang oligarkiya at isang estadong militar. Ang pangunahing layunin ng Sparta ay lumikha ng magagaling na sundalo. Lahat ng mahihinang bata o yaong may kapansanan ay pinapatay. Tanging ang malalakas at malulusog lamang ang pinapayagang mabuhay.

persia.big

ANG BANTA NG PERSIA

Hangarin ng Persia na palawakin ang imperyo nito sa kanluran. Noong 546 B.C.E, sinalakay ni Cyrus the Great ang Lydia sa Asia Minor. Ipinagpatuloy ito ni Darius I, ang nagmana sa trono ni Cyrus the Great, ang hangaring ito.

ANG DIGMAANG GRAECO-PERSIA (499-479 B.C.E)

Ang unang pagsalakay ng Persia sa Greece ay naganap noong 490 B.C.E sa ilalim ni Darius. Tinawid ng plota ng Persia ang Aegean Sea at bumaba sa Marathon, isang kapatagan sa hilagang-silangan ng Athens.Tinalo ng 10, 000 pwersa ng Athens ang humigit kumulang 25, 000 puwersa ng Persia.

Sinalakay at sinakop ni Xerxes  ang Athens. Nahirapang iwasan ng malalaking barko ni Xerxes ang maliliit na barko ng Athens na pilit na binabangga ang mga ito hanggang sa mabutas. Isa-isang lumubog ang plota ng Persia.

iperice001p1

PANAHON NI PERICLES

Pinuno ng Athens si Periclesmula 461 hanggang 429 B.C.E. Nangibabaw ang kanyang impluwensya sa buhay ng Athens sa loob ng 32 taon kung kaya ang panahong ito ay tinawag na Panahon ni Pericles.

Naniwala si Pericles na nararapat ang partispasyon ng mga mamamayan sa pamahalaan. Namayagpag ang demokrasya sa Athens sa panahon ni Pericles. Pinaganda rin ni Pericles ang Athens sa pamamagitan ng pagpapatayo ng magagandang gusali, isa na rito ang Parthenon.

ANG DIGMAANG PELOPONNESIAN (431-404 B.C.E)

Sinikap ni Pericles ang pagbubuklod ng mga lungsod-estado ss isang malawak na pederasyon na tinawag na Delian League. Ginamit ng Athens ang salapi ng Delian League sa pagtatatag ng malakas nitong plota at pagpapatayo ng magagandang gusali.

Sa pagiging imperyo ng Athens, nangamba ang ibang mga lungsod-estado. Nagsama-sama ang mga lungsod-estado sa Peloponnesus at itinatag ang Peleponnesian League upang labanan ang Athens. Kasapi nito ang Sparta, Argos, Corinth, Delphi, Thebes at Chaeronea.

IMPERYONG MACEDONIAN (336-263 B.C.E)

Hinangad ni Philip, hari ng Macedonia, na pag isahin ang mga lungsod-estado sa Greece sa ilalim ng kanyang pamamahala. Upang matupad ang kanyang hangarin, bumuo siya ng isang hukbo at sinanay sa pinakamabisang paraan ng pakikipagdigma. Bilang pagtatanggol ng kanilang kalayaan, sinalakay ng magkasanib na puwersa ng Athens at ng Thebes ang Macedonia noong 338 B.C.E. Madaling tinalo ni Philip ang hukbo ng dalawang lungsod-estado.

KABIHASNANG GREEK

Umunlad ang kabihasnang Greek sa dalawang yugto. Tumutukoy ang Panahong Hellenic sa dakilang panahon ng pamamayagpag ng kabihasnang Greek. Ang ikalawang yugto ay ang Panahon ng Hellenistic . Ang paghahalo ng kultutrang Silangan at Kanluran ay nagbunga sa bagong kultura na tinawag na Hellenistic.

tumblr_limcm9NeEo1qgk6jxo1_500

PANANAMPALATAYA

Ang tradisyunal na pananampalataya sa Greece ay ang pagsamba sa iba’t ibang diyos sa pangunguna ni Zeus. Ang iba pang diyos at diyosa ng mga Greek ay ang mga sumusunod:

  • Hera - diyosa ng pag-aasawa;
  • Hestia – diyosa ng Hearth;
  • Hephaestus – diyos ng apoy, bakal at pagpapanday;
  • Hades – diyos ng underworld at mga patay;
  • Poseidon – diyos ng karagatan;
  • Apollo – diyos ng araw;
  • Aphrodite – diyosa ng pag-ibig;
  • Ares – diyos ng digmaan;
  • Artemis – diyosa ng buwan, pangangaso at panganganak;
  • Athena – diyosa ng karunungan, digmaan at tagumpay;
  • Demeter – diyosa ng butil at ng ani;
  • Dionysus – diyos ng alak at ng ubas; at
  • Hermes – tagapaghatid ng balita ng mga diyos.

Athens-ancient-greece-585514_1278_958

ARKITEKTURA

Layunin ng arkitektura ng Greek na parangalan ang mga diyos. Ang pinakamagandang gusali na itinayo ng mga Greek ay ang ang mga templo. Ang mga ito  ay gawa sa marmol na karaniwang kulay puti. Isa sa pinakatanyag na templong Greek ay ang Parthenon na itinayo sa pagitan ng 447 B.C.E at 432 B.C.E.

ESKULTURA

Hangad ng mga eskultor ng Greece na lumikha ng mga pigura na ganap at eskskto ang hubog, ang mga mukha ay hindi nagpapakita ng galit o pagtawa, tanging katiwasayan lamang. Ang pinakatanyag ay si Phidias.

PAGPIPINTA

Ipinakita ng mga Greek ang kanilang kahusayan sa pagpipinta sa magaganda nilang palayok. Ang karaniwang disenyo nito ay pang-araw-araw na gawain tulad ng pagkanta, pagsayaw, pagtugtog ng instrumentong pangmusika, pagligo at iba pa.

DULA AT PANITIKAN

Ang drama ay isang uri ng palabas sa entablado. Ito ay bahagi ng mga ritwal sa pista alay kay Dionysus, ang diyos ng alak. Ang drama ay itinatanghal sa mga teatro kung saan ang mga manonood ay nakaupo sa mga upuang bato na walang sandalan. Ang tragedy ay isnag uri ng drama na naglalarawan ng pagbagsak ng tao dahil sa pagiging mapagmataas o mapagmalaki.  Ang comedy ay isa pang uri ng drama na karaniwang ukol sa politika na inilalahad sa nakatatawang pamamaraan. Naging tanyag din ang mga Greek sa larangan ng tula. Sumulat si Pindar ng mga tula alay sa mga nagwagi sa mga palaro sa Olympia. Ang mga kwento ng mga labanan ay pinagsama-sama at hinabi sa mga epiko o epic, mahahabang tula na naglalarawan ng mga ginawa ng mga bayani.

PILOSOPIYA

Ang tatlong pinakamagaling na pilosopo ng kabihasnang Greek ay sina Socrates, Plato, at Aristotle.

Ayon kay Socrates, “The unexamined life is not worth living.”

Si Plato ang nagsulat ng akdang The Republic, dito inilarawan niya ang isnag ideyal na estado.  Sa paniniwala niya, tanging mga pilosopo lamang ang maaaring maging matalino at magaling na pinuno.

Pinag aralan naman ni Aristotle ang mga hayop, halaman, astronomiya at pisika.

PAGSULAT NG KASAYSAYAN

Ang salitang history ay unang ginamit ni Herodotus nang sinulat niya noong 440 B.C.E ang History of the Persian Wars bilang isang ulat ng mga kaganapansa digmaan ng Greece at Persia.. Si Herodtus ay kinilala bilang “Ama ng Kasaysayan.”

AGHAM

Magaling ang mga Greek sa matematika. Pinaunlad ni Pythagoras ang prinsipyo ng geometry na taglay ang kanyang pangalan, ang Pythagorean Theorem. Tinantiya ni Archimedes ang paraan ng pagsukat ng circumference ng isang bilog. Natuklasan din niya ang prinsipyo ng specific gravity. Si Euclid ang kinilalang “Ama ng Geometry.” Si Aristarchus ang nakatuklas na umiikot ang daigdig sa araw habang umiikot ito sa sarili niyang axis. Nakagawa si Eratosthenes ng halos tumpak na tantiya ng circumference ng daigdig.

MEDISINA

Itinatag ni Hippocrates ang isang paaralan para sa pag-aaral ng medisina. Gumamit siya ng siyentipikong pamamaraan sa pagkilala at paggamot ng sakit. Ayon kay Hippocrates, ang bawat sakit ay may likas na sanhi. Ang kaalaman tungkol sa katawan ay pinaunlad nina Herophilus, “Ama ng Anatomy” at Erasistratus, ang “Ama ng Physiology.”

Ginawa nina:

Noreen Edelynn V. Masinsin

Mayeth P. Benavidez

 

About these ads

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Follow

Get every new post delivered to your Inbox.

%d bloggers like this: