ARALIN 11: KABIHASNANG MINOAN AT MYCENAEAN

Ang Kabihasnag  Minoan

Larawan ng kabihasnamg minoan:

Fresco of bull-leaping from Knossos

Fresco of bull-leaping from Knossos (Photo credit: Wikipedia)

Ang unang sibilisasyon ng bansang Gresya ay lumitaw sa isla  ng Crete sa pagitan ng 3000 at 2000 b.k.

Ang sibilisasyong ito ay tinawag na Minoan sa karangalan ni haring minos na sinasabing naghari noon doon.

 

Sa Knossos, ang kabisera ng Crete, natagpuan ng mga arkeologo ang magarang palasyong Minoan nang maghukay sila noong 1900.

Pagsapit ng mga banding 1600 b.k, naglitawan naman sa may Mycenae ang mga manggagaya sa maluho at      maunlad na pamumuhay ng mga taga-knossos.

Sa loob ng ilang panahon, kapwa nagpaligsahan ang mga sibilisasyong Minoan atMycenaean upang masolo ang pangangalakal sa silangang bahagi ng dagat mediteraneo.

Naputol lamang ang paligsahang ito nang sinamangpalad na mawasak ang isla ng crete ng malalaking along gawa ng pagsabog ng bulkan sa karatig-isla ng Thera.

Matapos mawasak ang crete, nagsimula namang mamayani ang mga taong siyang tinawag na mga Griyego sa mga baying nakapalibot sa dagat Aegean.

Mula noong 2000 hanggang 1200 b.k., nagdatingan sila sa mga isla sa dagat Aegean at doon na nanirahan.

Kasama ang mga taga-mycenae, maraming pananalakay na ginawa ang mga ito sa halos lahat ng parte ng baybay-dagat ng mediteraneo.

Ang egipto ay ilang beses din nilang sinalakay bago sila tinalo at napatigil ng mga egipcio.

Makaraan ang 1200 b.k., ang mga dorian naman, na gumagamit ng wikang griyego, ang dumayo at tumalo sa mga pinunong Mycenae.

Marunong nang gumamit ng a mga aristokratang naghahari sa Mycenae.

Pati ang siyudad ng Troy na nasa gawing hilagang-kanluran ng asya minor ay kanilang sinalakay at sinakop.

 

Kabihasnang Mycenaean

Larawan ng kabihasnamg mycenaean:

 Ang Mycenae o Misenas (Griyego: Μυκῆναι Mykēnai o Μυκήνη MykēnēKastila:Micenas) ay isang lugar na pang-arkeolohiya sa Gresya, na tinatayang nasa 90 km timog-kanluran ng Athens, sa loob ng hilaga-silangan ng Peloponnese. Ang Argos ay 11 km papunta sa timog; ang Argolid hanggang sa Tangway na Saroniko.

Noong ika-2 milenyong BC, ang Mycenae ay isa sa pangunahing mga sentro ng kabihasnang Griyego, isang matibay na tanggulang pangmilitar (kuta) na nangibabaw sa katimugang Gresya. Ang kapanahunan ng kasaysayan ng Gresya magmula sa tinatayang 1600 BC magpahanggang sa 1100 BC ay tinatawag na Gresyang Miseno bilang pagtukoy sa Mycenae.

 Ginawa ni:

Lynsay Casinsinan

About these ads

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Follow

Get every new post delivered to your Inbox.

%d bloggers like this: