ARALIN 17: PAGPASOK NG MIDDLE AGES

“PAGPASOK NG MIDDLE AGES”

Ang pagbagsak ng Imperyong Roman ang naghudyat sa pagtatapos ng sinaunang panahon sa kasaysayan ng Europe.Ang sumunod na molento ay tinawag na Middle Ages o Gitnang Panahon (500-1500 C.E) na nauugnay sasinauna at makabagong panahon. Nang maglaon, isang bagong huwaran ng pamumuhay ang nabuo na tinatawag na medieval.
Ang panahon mula 500 hanggang 1000 ay tinituring ng mga unang historyador bilang Dark Ages dahil bumaba ang karunungan at kabihasnan. Wala ring malakas at matatag na kapangyarihang political sa Europe.
Sa ngayon, hindi na katanggap-tanggap ang terminong Dark Ages. Ito ay dahil may negatibong konotasyon o pakahulugan ito. Bukod dito, may mga katibayan na may kaalaman at pag-unlad na naganap sa panahong ito, halimbawa ay sa Imperyong Byzantine. Higit na angkop na tawagin ang panahong ito na Early Middle Ages.
Ang Middle Ages ay nahahati sa Early Middle Ages (500-1050 C.E), High Middle Ages (1050-1270 C.E), at Late o End of Middle Ages (1270-1500 C.E).
Isang bagong uri ng lipunan angnabuo noong Middle Ages. Tatlo ang ugat nito:
1) Ang pamanang klasikal mula sa Rome
2) Ang paniniwala ng Simbahang Katoliko
3) Ang mga kaugalian ng mga tribong Germanic
Nagsilang ang paghahalo ng mga elementong ito ng isang malakas at masiglang kabihasnan.

PAGHINA NG IMPERYONG ROMAN
Sa pagsapit ng Ikalawang siglo C.E., naging madalas ang mga pagsalakay sa mga hangganan ng Imperyong Roman. Dinagdagan ang bilang ng mga sundalo upang harapin ang ganitong mga banta. Subali nagdulot ng krisis sa salapi ang pagpapalaki ng hukbo. Laganap ang kahirapan at marami ang walang trabaho.
Sa pamahalaan, nagging mahina ang pamumuno. Walang tunay na kapangyarihan ang Senate at Assembly. Madalang ang mapayapang pagpapalit ng emperador. Ang kamatayan ng isang emperador ay hudyat ng agawan para sa posisyon.
SI DIOCLETIAN AT SI CONSTANTINE
Pagkatapos ng halos isang siglo ng kaguluhang sibil, matagumpay na pinigil nina Diocletian (284-305 C.E) at Constantine (306-337 C.E) ang tuluyang pagkasira ng imperyo. Hinati ni Diocletian ang imperyo sa dalawa noong 285 C.E. Kumuha siya ng isang emperador upang pamunuan ang kanlurang bahagi samantalang pinangasiwaan niya ang silangang bahagi.
Ang despotism ay nangangahulugang ang kapangyarihan ng pinuno ay walang limitasyon.
Noong 324 C.E, muling pinag-isa ni Constantine ang imperyo. Ipinagpatuloy niya ang pamahalaang despotic at gumawa ng higit na mahigpit na mga batas upang palakasin ang ekonomiya. Batid niya na ang kanlurang bahagi ng imperyo ay nakasalalay sa mga lalawigan sa silangan. Dahil dito, inilipat ni Constantine ang kabisera ng imperyo sa Byzantium na binigyan niya ng bagong pangalan, Constantinople, alinsunod sa kanyang pangalan. Ang Byzantium o Constantinople ay ang kasulukuyang Istanbul sa Turkey.
Pansamantalang napigilan ng magkasunod na panunungkulan nina Diocletian at Constantine ang digmaang sibil at paghina ng ekonomiya. Subalit ang despotism na isang oagmamalabis sa kapangyarihan ay hindi nagging mabuti para sa imperyo. Pinatay ng mahigpit na pamamalakad ng pamahalaan ang pagkukusa ng karaniwang tao. Huminto ang kalakalan sa maraming lugar. Bumaba ang halaga ng buwis na ibinabayad ng mamamayan. Ang huling emperador ng ngakakaisang imperyo ay si Theodosius I (382-395 C.E) Sa pagkamatay niya noong 395 C.E., ang imperyo ay nahati sa dalawa niyang anak na sina Honorius at Arcadius.

PAGBAGSAK NG KANLURANG IMPERYONG ROMAN
Sa loob ng maraming daang taon, nagsagawa ng panggigipit ang mga tribong Germanic sa hangganan ng Imperyong Roman. Noong 105 B.C.E., binigyan ng mga mandirigmangGermanic ng isang kakila-kilabot na pagkatalo ang hukbong Roman. Noong 9 C.E., tuluyang winasak ng mga tribong Germanic ang tatlong legion o hukbo ng Rome. Mula noon, napanatili ng hukbong Roman ang hangganan ng imperyo sa Rhine River at sa Danube River.
Sa panahon ng pamumuno ni Marcus Aurelius mula 161 hanggang 180 C.E., lubhang nagging mahirap para sa Imperyong Roman na pigilin ang mga tribong Germanic. Nagpatuloy ang panggigipit ngmga ito sa sumunod na 120 taon. Sa Labanan sa Adrianople noong 378 C.E., tinalo ng hukbong Visgoth ang hukbo ni emperador Flavius Valens (364-378 C.E.,) na ikinagulat ng lahat. Noong 410 C.E.. sa pangunguna ng kanilang pinuno na si Alaric, pinasok ng mga visigoth ang rome at dinambong ang lungsod.
Noong 476 C.E tinalo ni Odoacer si Romulus Augustulus, ang huling emperador ng Imperyong Roman. Sakanyang pagkapanalo, tinanghal si Odoacer bilang kauna unahang pinunong Germanic ng Rome. Kinilala ang petsang ito bilang pagbagsak ng Kanlurang Imperyong Roman.
Mga sanhi ng pagbagsak ng Kanlurang Imperyong Roman
Maraming sanhi ang pagbagsak ng Kanlurang Imperyong Roman. Ang paglusob ng mga tribong Germanic ang karaniwang itinuturing na dahilan. Subalit bago pa ang mga paglusob na ito, may ibapang dahilanna nagpahina sa Imperyong Roman. Isa rito ang kawalan ng katatagang political at ang maayos na batayan ng pagpapalit ng Emperador. Matindi ang tunggalianat madugo ang pagpapalit ng emperador. Ang pag upon g mahihinangemperador ay nagpadagdag sa kawalan ng katatagang political.
Upang labanan ang mga tribong Germanic napilitan ang Imperyo na gugulin ang malaking bahagi ng pera nito sa pagpapatayo ng dipensa nagtaas ng buwis, sapilitang kinumpiska ang mga Butil pagkain at pag-aari ng mamamayan at sapilitang pinagtrabaho ang mga tao para sa imperyo.
Mahina rin ang pundasyon ng ekonomiya ng Imperyo kung kaya’y bumagsak ito, walang masyadong industriya at walang pagbabago sa teknolohiya. Mataas ang bahagdan ng mga taong walang trabaho. Ang mababang antas ng teknolohiya at ang mataas na bahagdan ng walang trabaho ay dahil na rin sa dami ng bilang ng alipin. Umasa na lamang ang imperyo sa mga alipin kaysa tumuklas ng teknolohiya na magpapabilis at magpapabuti ng produksyon.
PAGSALAKAY NG MGA TRIBONG GERMANIC
Sa pagtatapos ng ikalimang siglo, napasakamay ng mga tribong Germanic ang kanlurang bahagi ng Imperyong Roman.
ANG MGA TRIBONG GERMANIC
Noong ikaapat na siglo C.E., ang karamihan sa mga tribong Germanic sa Europe ay nanirahan sa silangan ng Rhine River at sa hilaga ng Danube River. Ang mga Ostrogoth o Eastern Goth At Visigoth o Western Goth ay nanirahan sa silangan at hilaga ng Black Sea. Ang mga tribong nanirahan sa kanluran ng mga Ostrogoth at Visigoth ay ang mga Vandal, Lombard, Alemani, Burgundian, at Frank.
Ang mga tribong Germanic ay nagbubungkal ng lupa at nagpapastol ng mga hayop. Nangangaso at nangingisda rin sila. Gumagamit sila ng bakal para sa sandata nila.Yari sa balahibo ng hayop at lana ang mga damit nila. Sila ay malalaki at masisiglang tao. Pinahahalagahan nila ang lakas at tapang sa labanan.
Tinawag ng mga Roman na barbaro ang mga tribong Germanic dahil sa mga paniniwala na ang mga ito ay walang nasusulat na batas, panitikan, at pilosopiya. Subalit mayrooon naman silang sariling kultura, batas, at kaugalian. Sinasamba nila ang ibat-ibang diyos tulad ni Tiw, ang diyos ng digmaan; si Wotan, ang pinakamahalaga sa lahat ng mga diyos; si Thor, ang diyos ng kulog; at si Freya , ang diyosa ng pagyayabong. Ang pangalan ng mga Diyos ay napapanatili sa mga salitang Tuesday, Wednesday, Thursday, at Friday. Ang yunit ng uganayang panlipunan ay ang pamilya. Mataas ang pagtingin nila sa kababaihan. Katapatan sa pamilya at sa pinuno ang bumubigkis sa kanila.Wala silang konsepto ng pagiging mamamayan ng isang estado.
Namamayani ang mga tribong Germanic sa pagbagsak ng Kanlurang Imperyong Roman. Hawak ng mga Visigoth ang Spain, pinamumunuan ng mga Ostrogoth ang Italy, kontrolado ng mga Frank ang France, at namayani ang mga Vandal sa Hilagang Africa. Sinalakay ng tatlong tribo — Angeles, Sexons, at Jutes — ang Britannia (kasalukuyang Great Britain), ang pinakamalayong lalawigan ng imperyo.

Mga Pangyayari Matapos ang Pagbagsak ng Kanlurang Imperyong Roman
Sa pagbagsak ng Imperyong Roman, naputol ang ugnayan ng Kanlurang Europe sa mayamang kalakalan ng mga Byzantine at Muslim. Nawalan ng saysay ang mga lungsod bilang sentro ng kalakalan. Humina ang kalakalan dahil sa nagging mapanganib ang paglalakbaydala ng takot sa mga pirata sa karagatan at mga tulisan sa mga daanan. Namulubi ang mga naninirahan samga lungsod.
Bumaba ang antas ng karunungan. Hindi marunong bumasa at sumulat ang mgatribong Germanic. Samantala, nilisan ng karamihan sa mga mamamayan ang mga lungsod at nanirahan sa mga bukid. Sa pagsapit ng 600 C.E, tanging mga parina lamang ang marunong bumasa at sumulat.
Nawalan ng lingua franca o iisang wika ang Europe. Dati-rati nagkakaintindihan ang mga tao dahil wikang Latin ang ginagamit nila kahit saan sa Imperyong Roman. Nang maging bahagi ng populasyon ang mga bagong salita sa pang araw-araw na pag-uusap. Sa pagsapit ng 800 C.E, sumibol ang wikang French, Italian, Spanish At iba pa mula sa Latin.
PAGTATATAG NG KRISTIYANISMO
Ang kristyanismo at ang simbahan ang nagging pinakamatatag na institusyon sa panahon ng Middle ages.
Noong unang suglo C.E., kakaunti lamang ang bilang ng mga Kristyano o mga taga sunod ni Hesus ng Nazareth. Halos walang pag-asang lumago ang pananampalatayang ito dahil sa kinapootan at pinahirapan silang ilang mga emperador na Roman. Sabalit habang humihina ang kapang-yarihan ng Imperyong Roman, Lum-lakas ang pananampalatayang ito sa sa iba’t ibang bahagi ng Europe. Sina-sabing ang paglakas ng Kristyanismo ay isang salik na nakapagbagsak sa Imperyong Roman.
Ang Mga Aral ni Hesus
Umusbong ang Kristiyanismo mula sa mga turo ni Hesus. Si Hesus ay ipinanganak sa Bethlehemat lumaki sa Nazareth. Pagsapit niya ng 30 taong gulang bilang karpintero at nagsimulang maglakbay sa iba’t ibang bahagi ng Palestine. Itinuro niya ang mga Doktrina ng kanyang pananampalataya.
Tulad ng Judaism, Tinuligsa ni Hesus ang karahasan at karamutan. Ang kanyang mga aral ay nakabatay sa kapatiran. Subalit hindi tinanggap ng mga Jew ang pagpapakilala ni Hesus na siya ang Messiah, Ang pinuno na pinili ng Diyos sa sasagip sa sangkatauhan. Hindi rin naibigan ng Imperyong Roman ang malawak na pagtanggap ng mga tao kay Hesus. Inihambing ang kanyang mga aral sa pamahalaan. Ito ay dahil sa isinusulong Diyos. Kung susuriin, Ito ay tumu-tutol sa katayuan ngemperador ng Imperyong Roman na ipinakikilala ang sarili bilang diyos. Sa pagkamatay ni Agustus, isinabatas ng Roman Senate na Sambahin siya bilang diyos. Simula noon, lahat ng emperador ay taningala bilang diyos.
Noong 33 C.E., ipinapatay si Hesus sa pamamagitan ng pagpako sa krus sa utos ni Pontio Pilato, ang gobernador ng lalawigan ng Judea. Matapos siyang ilibing, pinaniniwalaang nabuhay siyang muli at nagpakita sa kanyang mga tagasunod. Pinatunayan niya ang kanyang mga aral tungkol sa buhay sa kanyang mga tagasunod ang balita tungkol sa kanyang muling pagka-buhay at inalay ang kanilang buhay bilang mga misyonero ng bagong pananampalataya. Tinawag silang “Kristiyano” at ang pananampalataya
Pablo: Disipulo ni Hesus
Ang pinakamahalaga sa mga misyonerong Kristiyano ay si Paul o Pablo, Isang Jew mula sa Tarsus, isang lungsod sa Asira Minor. Noong una, isa sya sa mga umusig sa mga Krisyano. Minsan, habang siya ay patungo sa pagdakip ng mga Kristiyano si Pablo. Mula 37 C.E. Hanggang 67 C.E., ang taon ng kanyang kamatayan, naglakbay si Pablo sa iba’t ibang lungsod sa Silangang Mediterranean upang ibahagi ang mga aral ni Hesus. Lumaganap ang Kristiyanismo sa kanyang tulong.
Pagpapahirap sa mga Kristiyano
Pinayagan ng Imperyong Roman ang iba’t ibang pananampalataya sa kondisyong tatanggapin ng mga tao ang kapangyarihan ng pamahalaan. Subalit hindi tanggap ng mga Kristiyano ang batas tungkol sa pagsamba ng emperador. Dahil dito, ang mga Kristiyano ay inakusahan bilang mga kalaban ng pamahalaan.
Si Nero (54-68 C.E) ay isa sa mga emperador nag alit sa mga Kristiyano. Pinagbintangan niya ang mga Kristiyano na sumunog sa Rome noong 64 C.E. Dahil dito, Pinarusahan niya ang mga Kristiyano. Katulad ni Nero, ginamit ng ibang emperador ang mga Kristiayano bilang dahilan sa iba’t ibang sakuna at masasamang kaganapan. Ipinako sa krus, ipinakain sa mababangis na hayop, at ipinasunog nang buhay ang mga Kristiyano.
Ang malawakang pagpapahirap sa mga Kristiyano ay nagap sa panahon ni Emperador Decius noong 349 hanggang 251 C.E. Sa panahon ng kasagsagan ng mga pagpapahirap, ang buhay ng mga Kristiyano ay lagging nasa panganib. Subalit hindi naglaho ang Kristiyanismo tulad ng akala ng marami.
Noong 311 C.E., ang Kristiyanismo ay ginawang pananampalataya na naaayon sa batas ng Silangang Imperyong Roman. Pagkatapos ng dalang taon, sa pamamagitan ng Edict of Milan, ininakda ni Emperador Constantine ang Kristiyanismo bilang pananampalataya na naaayon sa batas ng buong Imperyong Roman. Noong 395 C.E., idineklara ni Emperador Theodosius ang Kristiyanismo bilang opisyal na pananampalataya.
PAGLAGANAP NG KRISTIYANISMO
Dinala ng mga misyonero ng Simbahan ang Kristiyanong pananampalataya at kabihasnang Roman sa mga paganong tribo ng hilaga at silangang Europe.
Mula sa France, pumunta si St. Patrick sa Ireland noong unang bahagi ng ikaapat ng siglo. Nagtagumpay siya sa pagpapalaganap ng Kristiyanismo sa mga Irish. Si Clovis, hari ng mga Frank, ay nag-aasawa ng isang Kristiyano at bininyagan sa katedral ng Reims noong 496 C.E. Pumayag siyang maging Kristiyano matapos magtagumpay sa isang labanan kung saan nagdasal siya at humingi ng tulong sa Diyos. Hindi lamang si Clovis ang nagging Kristiyano. Lahat ng kanyang mga sundalo ay nagging Kristiyano rin at lumaganap ang relihiyon sa kanyang nasasakupan.
Noong 587 C.E., ipinadala ni Papa Gregory the Great si Augustine sa England. Siya ay tinanggap ng hari ng Kent sa Canterbury. Mula noon, ang Canterbury ang nagging sentro ng Kristiyanismo sa England. Si St. Boniface naman ang kinikilalang Apostle of Germany. Dalawang mag-kapatid, sina Cyril at methadius, ang nagpakilala ng Kristiyanismo sa mga Slav o mga tao sa Balkan peninsula.
Lumaganap din ang Kristiyanismo sa iba pang bahagi ng Europe tulad ng Spain, Poland, Denmark. Norway, Sweden, at Hangary. Mula sa pagkakatatag nito hanggang sa ika-11 sjg,k Ang Kristiyanismo ay lumaganap sa Europe.
Ilarawan ang ilan sa mga taumpay ng mga misyonero sa pagpalaganap ng kristiyanismo
Ang Monatisismo
Noong panahon ng pagpapahirap sa mga Kristiyano, ilan sa kanla ay nanirahan sa mga liblib na lugar, tuluyang iniwan ang makamundong buhay at makabuhay at nanirahang mag isa.Sila ay naging monk o monghe na namuhay alinsunod sa tatlong panata na karalitaan (poverty), kalinisan (chastity), at pagsunod (obedience).
Ang monastisismo ay ang pagtalikod sa material na bagay sa daigdig upang makamit ang higit na mataas na antas ng pananalig sa Diyos. Ito ay lumaganap sa Europe noong 520C.E., nang itatag ni St. Benedict ang isang monastery sa Monte casssino, Italy. Gumawa siya ng mga alituntunin para sa isang payak at makabuluhang buhay ng mga monghe. Ang kanilang pang araw- araw na gawain ay binubuo ng limang oras na pisikal na gawain, at iba’t- ibang uri ng gawain para sa ikauunlad ng monastery at ng mga taong naninirahansa paligid ng monasteryo.
Ang Pamilyang Merovingian (486-751 C.E)
Ang tribo ng mga Frank ay nagging makapangyarihan sa Gaul ( kasalukuyang France at ilang bahagi ng Belgium). Kumampi sila sa simbahan sa Rome.
Si Clovis ay nagsimula bilang pinuno ng isa sa maliliit na kaharian na itinatag ng mga Frank. Unti-unti niyang pinalawak ang lupaing sakop ng mga Frank. Noong 486 C.E ,nilupig niya ang kahariang Visigoth sa timog gaul.s

 

MGA LARAWAN

 

 

GINAWA NILA:
GENE ROSE PASAMBA
JHEN JAIRES PATENA

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Follow

Get every new post delivered to your Inbox.

%d bloggers like this: