ARALIN 6: ANG KABIHASNANG INDUS SA TIMOG ASYA

ANG KABIHASNANG INDUS SA TIMOG ASYA

 Ang Timog Asya ay isang malawak na tangway na hugis tatsulok. Sa sinaunang panahon, ang Timog Asya ay tumutukoy sa subkontinente ng India.
Sa ngayon, binubuo ito ng maraming bansa, kabilang ang
·       India
·       Pakistan
·       Bangladesh
·       Afghanistan
·       Bhutan
·       Sri Lanka
·       Nepal at
·       Maldives
Ang rehiyong ito ay kakaiba sa aspetong heograpikal at kultural kung ihahambing sa ibang panig ng Asya. Dahil dito, madalas ding tawagin ang lugar na ito bilang subkontinente ng India. Kahit pa ang rehiyong ito ay nahihiwalay sa Silangang Asya dahil sa Himalayas.
   Sinasabing mahirap lubusang mabatid ang matandang kasaysayan ng India lalo pa’t ang malaking bahagi nito ay hindi itinala ng mga sinaunang Indian. Maaaring makahukay ang mga arkeologo ng mga kasangkapang ginamit ng mga sinaunang Indian subalit hanggang sa kasalukuyan ay hindi pa rin nauunawaan ng mga iskolar ang mga naiwang sistema ng pagsulat ng matandang kabihasnan ng India.

HEOGRAPIYA NG LAMBAK NG INDUS

  Ang mga lungsod sa lambak ng Indus ang pinakabagong tuklas na mga sinaunang sentrong kabihasnan sa kasalukuyang panahon. Ang mga labi ng dalawang lungsod sa Indus River ay natagpuan ng mga arkeologo noong dekada 1920, ang lungsod na Mohenjo-Daro at Harappa. Ang mga lugar na ito, gayundin ang lipunang nabuo rito, ay kasabay halos ng pag-usbong ng Sumer noong 3000 B.C.E.
   Ang lupain sa Indus ay mas malawak kung ihahambing sa sinaunang Egypt at Mesopotamia sapagkat sakop nito ang malaking bahagi ng hilagang-kanluran ng dating India at ang lupain kung saan matatagpuan ang Pakistan sa kasalukuyan. Sa kasalukuyan, tinatayang mahigit sa 1000 lungsod at pamayanan ang natatagpuan dito, particular sa rehiyon ngIndus River sa Pakistan.
Indus River – sa baybayin na ito umusbong ang kabihasnan sa
India.
   Ang tubig ng ilog dito ay nagmumula sa malayelong kabundukan ng Himalayas sa katimugang Tibet. Ito ay may habang 1000 milya na bumabagtas sa Kashmir patungong kapatagan ng Pakistan.
   Katulad sa Mesopotamia, ang pagkakaroon ng matabang lupa ay nagging mahalaga sa pagsisimula ng mga lipunan at estado sa sinaunang India. Sa pagitan ng Hunyo at Setyembre bawat taon, ang pag-apaw ng ilog ay nagdudulot ng pataba sa lupa at nagbibigay-daan upang malinang ang lupain.
   Daang-daang pamayanan ang matatagpuan sa lambak-kapatagan ng Indus sa pagsapit ng 3000 B.C.E. ang karamihan sa mga ito ay maliliit na pamayanang may tanggulan at may maayos na mga kalsada. Sa sumunod na limang siglo, nagkaroon din ng mga kanal pang-irigasyon at mgaistrukturang pumipigil sa mga pagbaha.
Pari – ang mga pangunahing namumuno sa lipunan at
nagsisilbing tagapamagitan sa tao at kanilang mga diyos.
   Kapuna-punang wala ni isa mang pinuno mula sa sinaunang kabihasnang Indus ang kilala sa kasalukuyan. Ito ay dahil sa wala itong iniwang mga tala at larawan at tila hindi nangailangang ipagmalaki ang kanilang mga ginawa. Isa pang katakataka ay ang kawalan ng mga naiwang monument o istruktura mula sa sinaunang India na maaaring maihalintulad sa zigurrat ng Mesopotamia at pyramid ng Egypt.
   Sa kasalukuyan, ang India ay isa lamang sa mga bansa sa Timog Asya. Subalit kung susuriin, ang buong tangway ay tahanan at pinag-usbungan ng sinaunang kabihasnang namumukod-tangi sa iba.

ANG KABIHASNANG INDUS

ANG PANAHON VEDIC

Ang mga Aryan ay nagtungo pakanluran sa Europa at patimog-silangan sa Persia at India. Sa mga rehiyong ito nila dinala ang wikang ngayon ay tinatawag na
Indo-European – ang makabagong wika tulad ng Hindi at
Bengali ay nag-ugat dito.
Samantala, dinala nila sa India ang
Sanskrit – ang wikang klasikal ng panitikang Indian.
Arya – ang salitang ito ay isang terminong linguistic.
              Sa kalaunan, ang katagang ito ay ginamit upang
tukuyin ang mga pangkat ng tao o lahi.
           – ay nangangahulugang “marangal” o “puro” sa wikang
              Sanskrit.
   Ang kaalaman ukol sa unang milenyong pamamalagi at pamamayani ng mga Aryan sa hilaga at hilagang-kanlurang India ay hango sa apat na sagradong aklat na tinatawag naVedas.
Vedas – ay isang tinipong akda ng mga himnong pandigma,
mga sagradong ritwal, mga sawikain at salaysay.
   Masasaksihan sa Vedas kung paano namuhay ang mga Aryan mula sa pagitan ng 1500 B.C.E. hanggang 500 B.C.E.. Ang mga panahong ito ay tinatawag din bilang Panahong Vedic.
   Dinala ng mga Aryan ang kanilang mga diyos (na kadalasa’y mga lalaki at mapandigma) at kulturang pinangingibawan ng mga lalaki. Ang kanilang kaparaanan ay unti-unting umangkop sa mga diyosa at kultura ng sinaunang India. Sa pagsapit ng1100 B.C.E., tuluyang nasakop ng mga Aryan ang hilagang bahagi ng India.
   Ang lipunan ng mga sinaunang Aryan ay mayroon lamang tatlong antas;
·       ang mga maharlikang mandirigma
·       mga pari; at
·       mga pangkaraniwang mamamayan
   Kapansin-pansing ang bawat kasapi ay maaaring makalipat patungo sa ibang antas ng lipunan. Ang isang mandirigma ay pinipili upang pamunuan at pangasiwaan ang pang-araw-araw na pamumuhay ng mga tao.
   Subalit ang kanilang pagsakop sa lambak ng Indus ay nagdulot ng malaking pagbabago sa kanilang pamumuhay. Ang kanilang lipunan ay naging mahigpit at masalimuot nang lumaon. Nagkaroon ng pagtatatag ng maliliit na imperyo samantalang ang pagiging pinuno ay nagsimulang mamana.
   Sa pagtatapos ng Panahong Vedic, naging mas makapangyarihan din ang mga kaparian kung ihahambing sa mga mandirigma. Ito ay dahil sa naging mahalaga ang kaayusang itinuturo ng kanilang paniniwala ukol sa mga tao at mga diyos. Mahalaga ang mga ritwal at sakripisyo upang hindi mawasak ang kaayusan sa kalawakan.
   Nang lumaon, nabuo ang tinatawag na sistemang caste sa India. Ang katagang ito ay unang ginamit ng mga Portuguese na nakarating sa India noong ika-16 na siglo.
Caste – ang terminong ito ay hango sa salitang casta na
                nangangahulugang “angkan”.
Antas ng tao sa lipunan
1.    Brahmin (brak’-min) – mga kaparian
2.    Kshatriya (ksha-tri-yaz) – mga mandirigma
3.    Vaisya (vi-shyas) – ang mga pangkaraniwang mamamayan na
                                      maaaring mga mangangalakal, artisano,
                                        magsasaka  at iba pa;
4.    Sudra (shoo’-draz) – pinakamababang uri sa lipunan na
                                        maaaring ang mga nasakop na mga
Indian at maging ang mga inanak o
inapo ng Aryan na nakapag-asawa ng
hindi Aryan.
   Maliban pa rito, meron din isang antas na tinatawag na
outcaste o mga untouchable – isang malaking pangkat ng mga
tao na tinuturing  nilang hindi
kabilang sa lipunan.
                                                     - Sila ang pinakamababa sa mga
      antas ng tao.
-         Ilan sa mga Gawain ng mga taong kasapi rito ay angpaglilinis ng kalsada, pagsusunog ng mga patay at pagbitay sa mga kriminal.
-         Ang mga trabahong ito ay itinuturing nilang pinakamababa sa lipunan.
 
About these ads

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Follow

Get every new post delivered to your Inbox.

%d bloggers like this: