Aralin 13: Ang Republic ng Rome at ang Imperyong Roman

romeAng Republic ng Rome at ang Imperyong Roman

Ang Rome ay itinatag sa kalagitnaan ng ikawalong siglo B.C.E. ng mga unang Roman na nagsasalita ng Latin, isang sangay ng wikang nabibilang sa Indo-Europeo. Sila ay lumipat sa gitnang Italy at nagtayo ng mga sakahang pamayanan sa Lithium Plain sa Timog ng Tiber River. Ang lugar na napili nila ay ang Palatine, isa sa pitong burol malapit sa Tiber River.

Nagsimula ang lahat kay Remus at Romulus na sinasabing nag tatag ng Sibilisasyon ng Romano sa tabi ng Ilog Tiber sa Tangway ng Italya. Ayon kay Plutarch at Livy si Romulus ang nag silbing kauna-unahang hari nito.
Sinakop nila ang kaharian ng Etruscans, Gauls, Greyego at nabuo ang Repulika ng Romano. lahat na nasakop na lupain ay ginawang pagaari at ang mga mamamayan roon ay ginawang mga kasapi ng pamahalaan.
Binubuo ang pamahalaan ng Senate, Consuls, at Praetors. Sila ay itinalaga ng mga tao upang mamahala sa Republika. Sa panahon ng problemang Militar, namimili sila ng isang diktador na mamumuno sa loob ng anim na buwan.
Pagkalipas ng anim na buwan at natapos na rin ang problema ay ibabalik ang constitutional government ng Roma.
Masasabing isang aksidente ang pagiging Emperyo ang Republika nang tulungan nila ng Sicily laban sa Chartage na Tinawag na Mga Digmaag Punic. Ito ay nag simula nuong 264 hangang146 BK at masasabing ang pinaka mahapabang digmaan sa kasaysayan ng Matandang Panahon.
Pag katapos ng mga digmaang Punic ay napalitan ng Militar na pamamahala ang dating Republikang pamahalaan. Naging maluho at iniwan ang dating simpleng buhay na nagsasaka lang sa sakahan.
Dahil sa pag aaway ng Senado ay nabuo at naitatag ang Unang Triumvitrate na kinabibilangan ng Julius Ceazar, Pomey the Great at Marcus Crasus. Ngunit sila mismo ay hindi nag kasundo-sundo at ang patayan din.
Nang mabuwang ang Unag Triamvirate ay nabuo ang ikalawa nakinabibilangan nina Octavian (Augstus Ceasar), Marcus Lepidus at Anthony. Sumama si Mark Anthony ka Cleopatra VII at nag karoon ng anak. Datapwat, si Anthony ay kasal sa kapatid ni Octavius kaya pinaslang nito ang buhay ni Anthony at sumunod namang nag pakamatay si Cleopatra. At Sumiklab ang digmaan ng Senado.
Nag retiro si Marcus Lepidus sa Katungkulan at naiwan si Octavian na iprinoklama ang sarili na kauna-unahang Emperador ng Emperyong Romano, at tinawag siyang Augusts Ceasar.
Konklusyon: Kung hindi tinulung ng Republika ang Sicily laban sa mga Charthaginian marahil sila ay nanatiling simple, malayo sa karangyaan at simpleng magsasaka.

Pagtatatag ng Republic

  Natamo ng mga Romano ang kasanayan sa pamamahala sa ilalim ng mga Etruscan. Ang Rome ay nagsimula bilang isang siyudad-estado na pinamumunuan ng isang hari. Noong 509 B.C.E, inalis sa pwesto ng mga Romano si Tarquinius Superbus,ang hari ng Etruscan, at nagtatag sila ng isang Republika, ang pamahalaan. Naghalal sila ng dalawang konsul na puno ng hukbo upang magsilbi bilang punong mahistrado sa loob ng isang taon, ang bawat isa ay nagsilbing tagasubaybay ng bawat isa. Sa mga panahon ng kagipitan, ang senado na binubuo ng mga patrician na nanunungkulan habang buhay, ay patuloy na humahawak ng iba’t-ibang pwesto. Sila’y nagpatibay ng mga batas at Humirang ng mga kandidato para sa mga katungkulan. Ang kapangyarihan sa pagpapataw ng buwis, ang deklarasyon ng patakarang panlabas at iba pang pakikipag-ugnayan ay kasama rito. Sa kabilang panig, ang Asemblea na binubuo ng lahat ng mamamayan ay may maliliit lamang na kapangyarihan. Bagamat sila’y nakaboto, ang bilang ng kanilang boto ay hindi gaanong pinahahalagahan kaysa sa mga patrician. Sa paglipas ng panahon maraming tanggapan ang nalikha. Gayunman, ang mga plebeian ay Hindi parin gaanong nakalalahok sa pamumuhay pulitikal at sosyal sa Rome. Sila’y humihingi ng mga pagbabago. Noong 500 B.C.E. ang mga plebeian ay umalis sa syudad at nagtungo sa Mons Sacer at sila’y tumatangging bumalik hanggat hindi ibinibigay ang kanilang mga kahilingan. Ang mga patrician, sa wakas, ay sumuko at kanilang pinahintulutan ang mga plebeian na maghalal ng dalawang tribune.

Pakikibaka ng mga Plebian para sa Pantay na Karapatan

    Isang assembly na nilikha upang kumatawan sa mga karaniwang tao. Nilikha upang pangalagaan ang karapatan ng mga plebeian laban sa mga mapang-abusong opisyal. Maaari nilang ipawalang-bisa ang anumang batas na mapang-api sa mahihirap. Hanggang Ten Tribune ang ihalal ng mga tao.

Ang mga Plebeian at Patrician

Di tulad ng Athens na isang demokratiko, sa Republikang Romano ang namuno

ay mga aristokrata. Lahat sila ay nagmula sa mga mayayamang may-ari ng mga lupa na tinatawag na patrician. Bagamat sampung porsiyento lamang ng kabuuang

populasyon ang mga patrician, nasa kamay nila ang halos lahat ng pangunahing

posisyon sa pamahalaan at nagtamasa sila ng mas maraming karapatan. Karamihan naman sa mga Romano ay mga plebeians. Sila ay mga karaniwang tao na angmula sa mayamang mamamayan, negosyante, artisano, magsasaka hanggang sa mga manggagagawa. Bilang mamamayan sila ay nagbabayad ng buwis at naglilingkod sa sandatahan ngunit hindi kapantay ng mga tinamasang karapatan ng mga patrician ang kanilang tinaasang karapatan.

May maayos na takbo ng pamamahala ang pamahalaang Romano. May

tagapagpaganap (Executive) at tagapagbatas (Legislative). May dalawang patrician na tumatayong tagapagpaganap. Sila ang nagangasiwa sa pamahalaan at sa hukbong sandatahan. Sila ay inihalal sa tungkulin at may terminong isang taon upang makapaglingkod. Sa mga kamay nila nakasalalay ang kapangyarihan ng buong Roma. Maaari rin nilang i-veto o di tanggapin ang desisyon ng bawat isa. Kinakailangang magkasundo sila sa mga pangunahin at kritikal na desisyon. Sa panahon ng krisis, maaari silang pumili ng diktador mula sa mga pinagkakatiwalaang opisyal ng pamahalaan. May anim na buwan lamang na termino ang mga diktador o hanggang di natatapos ang krisis. Sa ganitong pamamaraan, napipigilan ang ganap na kapangyarihan ng mga diktador at napangangalagaan ang demokrasya. Ang tagapagbatas ay bumubuo ng 300 kinatawan. Ang pinakamakapangyarihan ay ang senado. Ang 300 kinatawan ay mula sa mga patrician. Sila ay inihalal at may terminong panghabambuhay. Tinatawag silang senador. Ang pangunahing gawain nila ay ang magbigay ng payo sa consul, maghain ng batas, at magtalakay ng mga patakarang panlabas.

Hindi lahat ay sumang-ayon sa ganitong pamamahala. Noong 471 BC, ang mga

Plebeians ay nagdesisyon na hindi na sila maglilingkod sa hukbong sandatahan ng

Roma, bagkus ay magtatatag ng sarili nilang lungsod-estado. Ito ay upang maiwasan ang digmaang sibil at mapanatili ang kapayapaan. Sumang-ayon ang mga patrician sa ilang nais ng mga Plebeian. Isa na rito ay karapatang pumili ng sampung pinuno nila sa kanilang hanay na tatawaging tribunes na siyang magsusulong ng kanilang interes sa pamahalaan. Ang mga tribunes ay maaaring mag-veto ng ano mang desisyon ng consul o ng iba pang namumuno. Dahilan sa karapatang mag-veto, napangangalagaan ng mga Plebeian ang kanilang sariling interes laban sa mga patrician. Nagkaroon din ang mga Plebeian ng kanilang sariling asembleya na kinilala bilang Assembly of Tribes. Pagsapit ng 287 BC, isa na itong pangunahing tagapagbatas sa Roma.

Sa simula ng Republika, ang mga batas ng Roma ay di nakasulat. Ang mgapatrician ang may kontrol sa batas at ipinaalam lamang ito sa mga Plebeians. Pagsapit ng 451 BC, pinagbigyan ng mga patrician ang kanilang hiling. Ang mga batas ng Roma ay inukit sa mga tabletang tanso at inilagay sa forum upang mabasa ng lahat. Ito ay tinawag na Twelve Tables na siyang naging batayan ng iba pang batas sa Roma noong mga sumunod na panahon. Kasabay nito, bumuti rin ang katayuan ng mga plebeian. Pinayagan na silang makapag-asawa ng patrician at maglingkod sa mga pampublikong tanggapan. Pagsapit ng 287 BC, pantay na ang karapatang tinatamasa ng mga patrician at Plebeian. Ngunit, hindi maipagkakaila na ang kapangyarihang pulitikal ay nasa kamay pa rin ng mga patrician at ilang mayayamang plebeian. Patunay ito na ang republika at ang senado ay nasa kapangyarihan pa rin ng iilang mamamayan.

ANG ROME BILANG MAKAPANGYARIHAN SA MEDITERRANEAN

Habang patuloy na nagnanais ang mga Plebeian ng mas malakingkapangyarihan sa loob ng Republika, ang Roma ay patuloy na nagpalawak ng kaniyang nasasakupan. Pagsapit ng 265 BC nasa ilalim na ng kapangyarihan ng Roma ang kabuuan ng tangway ng Italya. Matutunghayan mo sa araling ito kung paano napalawak ng Roma ang kanyang imperyo.

Iginalang ng mga Romano ang mga lupaing kanilang nasakop. Nakipagkaibigansila sa mga mamamayan nito. Hinayaan nilang manatili ang kanilang kultura attradisyon, maging ang kani-kanilang mga batas. Ang tanging hiniling nila ay suportahan sila ng mga ito sa pamamagitan ng pagbubuwis at pagiging matapat na kaalyado ng Roma. Bilang kapalit, sila naman ay may proteksyon sa sandatahang

lakas ng Roma.

Dahilan sa ang mga mamamayang Romano at ang mga plebeian ay may bosessa pamahalaan, tapat sila rito. Ang mga matitipunong magsasaka ay mahuhusay nasundalo. Kaya nilang magmartsa ng 30 milya araw-araw at dala-dala ang 60 libra ng mga armas at iba pang suplay pandigma. Ang malakas na hukbong sandatahan ng Roma ang pangunahing dahilan ng pananagumpay nito sa Italya. Ang pagiging malakas ng sandatahan ay bunga ng pagkakaorganisa nito. Ang pangunahing yunit ay legions na binubuo ng mula 3,000 hanggang 6,000 sundalo na tinatawag na legionnaires. Sa pamamagitan ng mga legions, ang sandatahan ay mas malakas at mas mabilis makipaglaban. Kumpara sa mga Griyego kung saan ang mga phalanx ay kumikilos paurong lamang at pasulong, ang mga phalanx ng Romano ay mas magaling kumilos maging pakaliwa o pakanan sa mga labanan. Ang taktikang ito at ang labis na katapatan sa Roma ang pangunahing mga dahilan ng kanilang tagumpay. Sa loob ng isang siglo, may ilan din labanan na sila ay natalo ngunit sa lahat ng digmaan na kanilang sinalihan sila ay nanalo. Sila na marahil ang pinakamalakas na hukbong sandatahan na nakilala sa kasaysayan. Dahil dito, naging mabilis ang pagpapalawak ng Imperyong Romano.

Rome Laban sa Carthage

Ang unang Digmaang Punic (264-241 B.C.E)

Pagsapit ng 200 BC, isa na lamang ang kalaban ng Roma sa Mediterranean: ang Carthage na nasa hilagang Aprika. Ito ay dating kolonya ng mga Phoenician at naging kabisera ng isang malaking imperyong pangkalakalan na umaabot mula Espanya hanggang Sicily. Mula 264 hangang 241 BC, nagkaroon ng maraming digmaan sa pagitan ng Roma at Carthage upang makuha ang karapatan sa Sicily. Ang unang tatlong digmaan ay kinilala bilang Digmaang Punic. Ang ibig sabihin ng Punic ay Phoenician. Ang Carthage ay itinatag bilang sentro ng kalakalan ng Phoenician. Simple ang naging dahilan ng kanilang alitan: natakot ang Carthage na makuha ng Roma ang Sicily. Ang Roma naman ay natakot na baka harangan ng Carthage ang kalakalan sa pagitan ng Italya at Sicily. Sinimulan ng Roma ang Unang Digmaang Punic nang may mas pinalakas na hukbong sandatahan, ngunit may mahusay sa digmaang pandagat ang mga Carthaginian. Kayat ginamitan ito ng mga Romano ng taktika at dali-dali silang gumawa ng mga barkong halos katulad ng mga barkong pandigma ng Carthage. Gamit ang mga barkong ito, ang Roma ay nanalo sa ilang labanan nila sa Carthage. Ngunit tumagal ito ng halos 20 taon bago tuluyang napabagsak ng Roma ang Carthage at nasakop ang isla ng Sicily. Nagbayad ng indemnity o bayad pinsala ang mga Romano.

Ang Ikalawang Digmaang Punic (218-202 B.C.E)

Bumagsak nga ang Carthage ngunit hindi ito tuluyang nanahimik. Sa halip, ito ay nagpalawak pa ng kapangyarihan sa Espanya sa pamumuno ni Heneral Hamilcar Barca. Pagsapit ng 221 BC, ay nagkaroon ng mahusay na pinunong Carthaginian ang Espanya sa katauhan ni Hannibal, isa sa pinakamahusay na heneral ng hukbong Espanya sa kanyang kapanahunan. Noong 218 BC nilusob ni Hannibal ang Roma kasama ang sandatahang lakas na binubuo ng 4,000 sundalo at 50 elepante. Tinahak nila ang daan sa hilagang silangan ng Espanya at timog na bahagi ng Pransya at tinawid ang mayelong kabundukan ng Alps, kung saan maraming sundalo at elepante ang namatay dala sa napakalamig na klima. Bagamat mas kaunti, natalo nina Hannibal ang mga sundalong Romano na sumalubong sa kanila sa naganap na Labanan sa Cannae sa timog silangan ng Italya. Nakarating ang mga Espanyol sa bukana ng Roma ngunit hindi nila ito pinasok. Umasa si Hannibal na makikipagkasunduan ang Roma sa kanila ngunit hindi ito nangyari. Habang nasa Italya ang hukbo ni Hannibal, nagkaroon ng ibang kaganapan. Nilusob ng isang sundalong Romano na nagngagalang Hen. Publius Scipio ang mga Carthaginian sa Espanya. Kung kaya’t di sila nakapagpadala ng tulong kay Hannibal na noon ay nahaharap sa kabi-kabilang pakikipaglaban sa Italya. Noong 204 BC sinakop na rin ng mga Romano ang Hilagang Aprika.

Upang maipagtanggol ang kanilang lupain, bumalik si Hannibal sa Carthage ngunit siya ay natalo ni Scipio sa labanan sa Zama noong 202 BC. Ang pagkatalong ito ang nagwakas sa ikalawang Digmaang Punic. Nanatili ang kalayaan ng Carthage ngunit nawala na ang kapangyarihan nito.

Ang Ikatlong Digmaang Punic (149-146 B.C.E)

Makalipas ang 50 taon pagkatapos ng ikalawang Digmaang Punic nagkaroon ng kapayapaan sa pagitan ng Roma at Carthage. Sa mga panahong ito ay umunlad na muli ang Carthage. Bagamat wala ng pangambang maidudulot ang Carthage sa Roma, ang mga malalagim na alaala ng mga ginawa ni Hannibal ay patuloyn na nagsilbing bangungot para sa mga Romano. Ito ang naging dahilan upang naisin nila ang tuluyang pagkawasak ng Carthage. Kaya pagsapit ng 149 BC sinimulan nila ang ikatlong Digmaang Punic. Nagpadala sila ng mga sundalo sa Hilagang Aprika at nilusob ang Carthage. Sa loob ng tatlong taon, nagpatuloy sa pakikipaglaban ang Carthage bago tuluyang sumuko. Pagkatapos nito, sinunog ng mga Romano ang kabuuan ng Carthage at sinabuyan ng asin ang lupang sakahan nito upang tuluyan na itong mawalan ng pakinabang. Ang mga taong di namatay ay pinagbili bilang mga alipin. Napakalaking tagumpay ito sa Roma at nagkaroon sila ng ganap na kapangyarihan sa kanlurang Mediterrenean.

Tagumpay sa Silangan

Hindi lamang ang mga Digmaang Punic ang sumubok sa lakas ng Roma. Habang nakikipaglaban sila dito, sila rin ay may nakikipagtunggali sa Helenistikong Silangan. Matapos ang marami-raming labanan, natalo nila ang mga Macedonian at noong 146 BC, naging probinsya ng Roma ang Macedonia. Sumunod na nilusob ng Roma ay ang gitnang silangan. Noong 133 BC, napasailalim sa kapangyarihan ng mga Romano ang Kaharian ng Pergamum sa Asya. Bagamat nanatili ang kalayaan ng Ehipto at Syria, naging kaalyado ng Roma ang mga pamahalaang ito. Pagsapit ng 100 BC, nasakop na ng Roma ang halos lahat ng lupaing nakapaligid sa Mediterrenean.

ANG KRISIS SA REPUBLIKA

Habang lumalaki at yumayaman ang Republikang Romano, unti-unti rin itong nakaranas ng iba’t ibang panloob na suliranin na yumanig sa pinkapundasyon nito. Oo nga’t ang mga digmaang Roma ay nagbigay ng karagdagang lupain at kapangyarihan para sa Romano, nagdulot din ito ng maraming suliraning pulitikal at pangkabuhayan.

Ang Teritoryo

Bagamat hinayaan ng Roma ang mga lupaing nasakop nito na panatilihin ang kani-kanilang wika, relihiyon, batas, kultura at tradisyon, sila may tungkuling magbayad ng buwis at maging tapat sa kapangyarihang Romano. Ginawang probinsya ng Roma ang karamihan sa mga kolonya nito, Sa simula ay di naging maayos ang pamahalaan sa mga probinsyang ito. Upang mapadali ang pagsasaayos, humirang ng mga Gobernador o Proconsuls ang mga Romano upang mamuno dito. Ngunit imbis na mkatulong marami sa mga proconsul ay nagpabaya sa kanilang mga tungkulin at may iba na tumanggap din ng suhol sa mga transaksyon ng pamahalaan. Kasabay nito, hinirang din ng mga Romano ang mga publician upang mangolekta ng buwis mula sa mga probinsyang ito. Upang sila rin ay makinabang sa mga nakolektang buwis tinaasan ng mga publician ang kanilang sinisingil sa mga mamamayan. Naging dahilan ito upang magalit ang mga mamamayan sa pamahalaan ng Roma, ngunit dahilan sa malakas at matatag na sandatahang lakas, napigil ang ano mang banta ng pag-aalsa. Unti-unti natanggap ng mga kolonya ang uri ng pamamahala ng mga Romano.

Panlipunan at Pangkabuhayang Pagbabago

Halos nawasak ang ng Roma noong Ikalawang Digmaang Punic. Ang pananakop ni Hannibal sa Italya ay nagdulot ng malawakang pagkasira ng mga lupaing sakahan. Ang iba namang sakahan ay naiwanang nakatiwangwang habang nakikipaglaban sa digmaan ang mga may-ari nito. Nawalan ng mapagkakakitaan ang mga pamilya ng mga magsasaka kung kaya’t napilitan silang ibenta ang kani-kanilang mga lupang sakahan sa mga Romanong yumaman sa panahon ng pananakop.

Sa panahon din ng pananakop nagkaroon ng kapangyarihan sa mga lupa sa probinsya ang pamahalaang Romano at pinaupahan ito sa mga mayayamang Romano. Di naglaon nagkaroon sila ng malalawak na lupain na tinatawag na Latifundias kung saan sari-saring butil ang itnanim at ibenenta sa Italya. Naging napakadali rin para sa mga mayayamang ito na humanap ng magsasaka sa kanilang lupain dahilan sa napakaraming alipin ang handang magtrabaho sa murang sweldo lamang. Dahilan sa mababang, halaga ng produksyon mas mura nila naibebenta ang kanilang mga produkto. Ito ang naging dahilan kung bakit ang mga mahihirap na magsasaka sa Italya ay di makasabay sa kanilang pagbebenta sa murang halaga kung kaya’t napilitan ang mga ito na huminto sa pagsasaka, nagbenta ng lupa at lumipat sa mga lungsod. Sa paglipat ng mga magsasaka sa mga lungsod, lalong lumaki ang mga naging suliranin ng Republika. Naging masikip ang mga lungsod dahil sa paglaki ng populasyon doon. Maging sa Roma ay patuloy na nagdagsaan ang mga magsasaka na nagpalawig nang husto sa pagkakaiba ng uri ng pamumuhay ng mayayaman at mahihirap. Kasabay nito, lalong naging aktibo ang kalakalan sa mga probinsya na nagdulot ng lalong pagyaman sa mayayamanng Romano. Ang kapangyarihan sa ekonomiya ng Roma ay mapasakamay ng mga equites o grupo ng mga negosyante.

Maraming mga matatandang patrician at mayayamang plebeian ang naging abala sa pagpapayaman sa halip na isulong ang kapakanan ng Roma at ng mga karaniwang tao, kasama na ang mga libo-libong magsasaka at mga walang hanapbuhay na mga maralitang taga-lungsod.

Ang Repormista

Sa gitna ng krisis sa pamahalaan ng Roma noong panahon ng Republika, may mangilan-ngilan ding mayayamang Romano ang nabahala sa katayuan ng mga mahihirap. Para sa kanila, dapat na lunasan ang lumalalang sitwasyon bago pa man magbunga ito ng pag-aalsa. Para sa kanila ang pagpapahalaga sa disipilina, pagsasakripisyo at katapatan sa Republika ay dapat na ibalik upang makaiwas sa ano mang banta ng pag-aalsa. Isa sa mga repormistang ito ay si Tiberius Gracchus, isang repormista at tagapagsutlong ng mapayapang pagbabago. Naging tribuno siya noong 133 BC at ipinasa niya ang mga batas na tutulong sa mga mahihirap sa pamamagitan ng mga bagong batas nalimitahan ang lupain ng mga mayayamang may-ari. Hindi sinangayunan ng mga mayayamang senador ang kanyang ginawang pagbabago at nang muling tumakbo si Gracchus bilang tribune, nagkaroon ng madugong riot na ikinasawi niya at 300 pang kaalyado niya. Makalipas ang sampung taon ang nakababatang kapatid ni Tiberius na si Gaius Gracchus ay nahalal bilang Tribune. Tulad ng kapatid niya, isinulong nito ang reporma sa lupa at pinarami ang bilang ng maliliit na magsasaka. Naging maayos ito sa kanyang dalawang termino bilang Tribune, ngunit tulad ng kanyang kapatid siya rin ay pinaslang ng kanyang mga kaaway sa isang madugong riot.

Nagpatuloy din ang kaguluhan sa republika na dulot ng lumalaking populasyon ng mga alipin. Noong 73 si Spartacus, isang alipin, ay nagdeklara ng digmaan upang palayain ang mga alipin sa Italya. Sa loob ng dalawang taon nagpatuloy ang labanan ng mga hukbo ng mga alipin at hukbong sandatahan ng Roma. Natigil lamang ito nang mapatay si Spartacus at 6000 pang ibang alipin sa sumama sa kanya.

Pamumuno ng mga Heneral

Nabigo ang lahat ng pagtatangkang magkaroon reporma. Nawalan na rin ng tiwala ang mga mahihirap sa pamahalaan. Nagsunud-sunod ang pag-aalsa ng iba’t ibang grupo na labis na nagahina sa Republika. Sa panahon ng kaguluhan, nagkaroon ng pagkakataon ang mga heneral nang mamuno.

Noong 108 BC si Gaius Marius, isang tanyag na heneral, ay nagsimulang kumuha ng sundalong mula sa mga maralitang walang hanapbuhay. Kung noon, mga kalalakihan lamang na may-ari ng lupain at tapat sa Roma ang maaring maging sundalo sa sandatahang lakas, sa pagkakataong ito nagboluntaryo kay Marius ang mga mahihirap dahil pinangakuan niya sila ng pera at bahagi sa ano mang lupain na makukuha niya. Samakatuwid naging tapat sila kay Marius at hindi sa pamahalaan. Si Marius ay may mahigpit na katunggali sa posisyon: si Sulla. Sa loob ng anim na taon nagpalitan sila ni Marius sa pagiging heneral. Pagsapit ng 82 BC natapos na ang kanilang labanan kung saan si Sulla ang nagwagi. Di nagtagal itinanghal ni Sulla ang kanyang sarili bilang pang habambuhay na diktador ng Roma. Maaaring naitanghal ni Sulla ang kanyang sarili bilang diktador ngunit di ito nagtagal sa kanyang puwesto. Si Pompey isang heneral, at si Crassus, isang pulitiko, ang naipalit sa kanyang puwesto sa suporta ng batambatang si Julius Caesar. Noong 60 BC itinatag nina Pompey, Crassus, at Julius Caesar ang Triumvirate, isang pangkat na may talong pinuno na may magkakapantay na kapangyarihan. Sa paglipas ng panahon, di nagkaisa ang Triumvirate. Si Julius Caesar na may malaking ambisyong pulitikal, ay nagsarili. Pinalakas niya ang kanyang hukbo sa Gaul (France na ngayon) at sinakop ito. Di nagtagal maging Britanya ay sinakop rin niya, kayat nasakop na nang ganap ng Roma ang hilagang bahagi ng Europa. Noong 49 BC sa pagkamatay ni Crassus sa isang digmaan, tuluyan nang nabuwag ang Triumvirate. Naging mortal na magkaaway si Julius Caesar at Pompey.

Pumunta si Julius Caesar sa Gresya kung saan tinalo niya si Pompey. Tumakas si Pompey patungong Ehipto ngunit napaslang naman siya ng Hari ng Ehipto na galit sa mga Romano. Kasabay nito kinilala ni Caesar ang kapatid ng hari na si Cleopatra na noon ay namumuno sa Ehipto, bilang kaibigan ng Roma. Pagbalik ni Caesar sa Roma, itinanghal siya bilang pinakdakilang bayani ng Roma at namuno sa pamahalaan. Nakuha niya ang titulo bilang hari at consul nang sabay. Maraming pagbabago ang kanyang ipinatupad. Inayos niya ang pamahalaan at binabaan niya ang buwis. Upang matulungan ang mga mahihirap sa Roma, pinadala niya ang 100,000 sundalo at iba pang mga tao sa mga lupaing kanilang nasakop at doon sila ay binigyan ng lupaing sakahan. Nagbigay siya ng pagkamamamayan sa mas maraming tao sa labas ng italya. Nagpalabas din siya ng bagong kalindaryo na pinangalanan sa kanya: ang Julian Calendar. Pagsapit ng 44 BC ganap na siyang diktador na panghabambuhay, ngunit naging dahilan ito upang mangamba ang mga mayayaman. Natakot sila na kung magiging Hari si Caesar, mawawala na ang senado, at mawawasak nang tuluyan ang Republika. Kaya isang pangkat na binubuo nina Marcus Brutus at Gaius Cassius ang nagplanong paslangin si Caesar. Sinaksak nila si Julius Caesar sa Senado noong Ides of March (Marso 15) 44 BC.( Sa Julian Calendar ang Ides ay petsa kung saan ito ay kalagitnaan ng bawat buwan na sumasabay sa pagbilog ng buwan).

Ang Pagwawakas ng Republika

Sa pagkamatay ni Julius Caesar, nagkaroon ng panibagong tunggalian sa kapangyarihan sa pumumuno ng Roma. Ang ikalawang Triumvirate ay nabuo ng mga taga suporta niya, na sina Octavian, isang malapit na kamag-anak ni Caesar, Marc Anthony, isang heneral na kaalyado ni Caesar, at si Lepidus isang pangunahing pinuno ni Caesar. Ipinaghiganti nila ang naging kamatayan ni Caesar. Hinati nila ang mga lupain ng Roma sa kani-kanilang pangangasiwa. Kinuha ni Ocatavian ang kanluran, samantalang ang silangan ay kay Marc Anthony, at si Lepidus naman ang namuno sa hilagang Aprika. Silang tatlo naman ang namuno sa Italya. Tulad ng inaasahan, nagtalu-talo rin ang tatlong pinuno. Pinilit ni Octavian na umalis sa tungkulin si Lepidus upang siya na ang maghari sa Italya at hilagang Aprika. Samantala patuloy na namuno sa Silangan Si Marc Anthony. Namuno din siya sa Ehipto kasama ang reyna nitong si Cleopatra. Di ito nagustuhan ni Octavian kayat noong 31 BC sa isang bahagi ng karagatan naganap ang labanan sa Actium sa may kanlurang bahagi ng Gresya at tinalo niya ang magkasanib ng puwersa nina Cleopatra at Marc Anthony. Si Octavian na lamang ang mag-isang namuno sa Roma at mga lupain nito. Upang hindi magpatuloy ang kaguluhan sa Republika, kinailangang magtatag si Octavian ng bagong pamahalaan upang mapanatili ang kaayusan. Dito nagwakas ang Republika sa Roma.

ANG PAMUMUHAY SA IMPERYONG ROMANO

Si Augustus Ceasar

Sa pagkakaluklok ni Octavian sa kapangyarihan noong 31 BC, ninais niyang buhaying muli ang Republika. Ngunit dahil sa lawak ng nasasakupan nito at paglaganap ng korapsyon sa pamahalaan, naging imposible ang kanyang mithiin. Sa halip itinatag ni Octavian ang Imperyong Romano. Bilang pinakaunang emperador ng Roma, sinarili ni Octavian ang kapangyarihan. Nakuha niya ang suporta ng senado dahilan sa kinuha niya itong tagapayo at hinayaang pamunuan nila ang ilang probinsiya ng Roma at pinahintulutan silang magkaroon ng sariling kabang yaman o (treasury). Ginamit niya ang titulong Augustus, na nangangahulugang ang dakila, at magmula noon kinilala siya bilang Augustus Caesar .

Augustus Caesar

Si Augustus ay naging mabuti at malikhaing pinuno. Ginamit niya ang kanyang kapangyarihan upang magkaroon ng kaayusan at kabutihan sa Roma at sa mga probinsiya nito sa buong panahon ng kanyang pamumuno. Ang reporma sa sandatahang lakas ang inuna niya. Kinuha ni Augustus ang pamumuno sa sandatahang lakas at binigyan niya ang mga sundalo ng malalaking bonus at lupain. Upang mapalawak ang pagkakaisa sa imperyo, ginawa niyang sentro ng pamahalaan ang Roma. Isinulong din niya na ibalik ang mga ipinagmamalaking ugali ng mga Romano saya ng pagmamahal sa bayan, pagkakabigkis-bigkis ng pamilya, kasipagan, disiplina, at simpleng pamumuhay.

Ang mga Emperador na Julian

Namatay si Augustus noong 14 na taon sa panahon ni Kristo (AD). Sa sumunod na 54 na taon, ang imperyo ay pinamunuan ng mga emperador na Julian o emperador mula sa pamilya ni Julius Caesar. Mula AD 14 hanggang 37, si Tiberius, ampon ni Augustus, ang itinanghal na emperador. Ipinagpatuloy niya ang mga patakaran ni Augustus Caesar. Samantala hindi ganito ang ginawa ni Caligula ang sumusunod kay Tiberius. Bukod sa isa siyang malupit na pinuno maraming nagsasabi na siya ay baliw sapagkat hinirang niyang consul ang kanyang mga alagang kabayo. Pagkalipas ng apat na taon, pinatay siya ng mga sarili niyang sundalo sa kanyang palasyo. Ang mga sundalo ang pumili ng bagong emperador sa katauhan ni Claudius, tiyuhin ni Caligula. Tanyag na emperador si Claudius. Sa panahon ng kanyang pamumuno (AD 41-54), naglunsad siya ng ekspedisyon at naging bahagi ng imperyo ang Britanya. Pagkamatay niya noong 54 AD ang ampon niyang si Nero, ang humalili sa kanya. Di tulad ni Claudius, si Nero ay malupit at sinisabing baliw din. Hinihinala niya na lahat ng tao ay gusto siyang patayin maski na ang asawa niya at ina kayat ipinapatay niya ang mga ito pati na ang kanyang mga senador. Noong AD 64, nagkaroon ng malaking sunog sa Roma at siya ang pinaghinalaang gumawa nito. Pagkalipas ng apat na taon, nag-alsa laban sa kanya ang mga sundalo na naging dahilan upang magpakamatay siya.

Ang mga Mabubuting Emperador

Sa sumunod na 30 taon, napasailalim ang imperyo sa kamay ng mga emperador na sinusuportahan ng military tulad ni Vespian. Sa 10 taon (AD 69-79) ng kanyang pamumuno, naibalik niya ang disiplina sa sandatahang lakas at napigil niya ang mga pag-aalsa sa Gaul at Judea. Sa pagitan ng Ad 79-98, tatlo pang emperador ang sumunod kay Vespian. Dalawa dito ay mga anak niya, at ang ikatlo ay si Nerva na pinili ng senado, bilang kapalit niya. Inampon ni Nerva si Trajan isang kilalang Kastilang heneral, na naging tanyag dahilan sa kanyang mga naipanalong digmaan sa gitnang Silangan. Noong AD 117, si Hadrian na pinsan ni Trajan ang naging emperador. Para sa kanya, pinakamahalaga ang pagkakaroon ng mabuting pamahalaan kung kayat sinimulan niya ang sistema ng promosyon sa pamahalaan. Pinalakas rin niya ang mga pamahalaang lokal. Ang pinakahuli sa mabubuting emperador ay si Marcus Aurelius, na naglingkod mula AD 161-180. Siya ay matalinong tao at sumusunod sa pilosopiyang Stoicismo. Isinulat niya ang aklat na Meditation na naglalarawan ng pilosopiyang ito. Naging maunlad ang kanyang panunungkulan at lumaganap ang negosyo at kalakalan na nakarating hanggang India at Tsina. Sa pagkamatay ni Marcus Aurelius noong AD 180, natapos nang tuluyan ang mapayapang panahon sa Roma.

Ang Lipunang Romano sa Panahon ng Imperyo

Ang panahon ng kapayapaan na naranasan ng Roma mula 27 BC hanggang Ad 180 ay tinawa na Pax Romana o kapayapaang Romano. Sa panahon ng Pax Romana, ang Roma ay naging tahanan ng humigit kumulang isang milyong tao at naging sentro ng sibilisasyong kanluranin. Ang panahong ito ay di lamang panahon ng kapayapaan, panahon din ito ng kaunlaran para sa mga mamamayan. Bumuti ang mga daanan, naiayos ang mga daungan at ilan pang mga pangunahing daanan ng kalakalan, at naging masigla ang kabuhayan at kultura ng Roma.

Pangkat ng mga Mamamayan

Nagkaroong ng iba’t ibang bahagdan ng mga mamamayan sa panahong ito, Ang mga maykaya tulad ng mga may-ari ng lupa, mangangalakal, doktor, abogado at iba pang naglilingkod sa pamahalaan ang may pinakamabuting pamumuhay. Ang mga mahihirap naman ay umaasa lamang sa pagkain na rasyon ng pamahalaan, nasa mga lungsod at walang trabaho. Ang mga magsasaka ang may pinakamalaking populasyon. Mahabang oras silang nagtatrabaho upang makapagbigay ng murang pagkain para sa mga mamamayan. At ang mga alipin ay karaniwang mga Italyanong magsasaka na nawalan ng kalayaan dahil sa hindi nakapagbayad ng utang.

Uri ng Libangan

Ang mga Romano, mayayaman o mahihirap man ay mahilig sa mga labanang marahas at nakakamatay bilang libangan. Ang mga malalawak na arena ay lugar para sa mga libangang ito. Ang circus maximus ang pinakamatandang arena sa Roma ay may upuan para sa 300,000 na katao samantalang ang Coloseum na mas maliit ay kaya namang maglaman ng 50,000 katao. Ang pinakapopular na libangan ay mga Circus Festival, Chariot Racing at labanan ng mga gladiators o mga alipin at naparusahang kriminal. Ang mga gladiator ay inilalaban sa iba pang gladiator, kung minsan naman ay sa mabangis na hayop. Karamihan sa mga hayop na ginagamit dito ay inaangkat pa ng Roma sa Aprika.

Mga Natatanging Kontribusyon ng Imperyong Romano

Matapos masakop ng Roma ang Silangang Meditteranean noong ikalawang siglo, naragdagan ang kulturang Romano ng kulturang Griyego. Dinala ng mga Romanong heneral ang ilang mga aklat at gawaing sining mula sa Gresya patungong Roma. Ilang griyegong guro, manunula, at pilosopo ang nagtungo at nagtrabaho sa Roma, samantala ang ibang Romano naman ay ipinadala sa Athens ng kanilang mga magulang upang mag-aral. Nagsanib nang husto ang mga kulturang Griyego at Romano at nabuo ang tinatawag na kulturang Greco- Romano.

Mga Batas

Ang sistema ng hustisya at pagbabatas ang pinakamalaking naging kontribusyon ng mga Romano sa kanluraning sibilisasyon. Ang mga batas ng ilang pangunahing bansa sa kasalukuyan tulad ng Italya, Espanya, Pransiya at Latin Amerika ay hinango sa Batas ng Romano. Naniniwala ang mga Romano na ang batas ay dapat na hinango batay sa prinsipyo ng katwiran at hustisya at dapat na mangalaga sa mga mamamayan at sa kanilang ari-arian.

Ang Batas ng mga Nasyon (Law of Nations) ay isang sangay ng Batas ng Romano na ipinairal sa lahat ng probinsiya ng imperyo. Sa ilalim ng batas na ito, walang Briton, Kastila, Italyano o Griyego, bagkus lahat sila ay itinuring na Romano. Ang batas ay para sa lahat maging ano man ang nasyonalidad. Ito ang pangunahing kontribusyon sa sibilisasyon ng Imperyong Romano.

Literatura

Ang ilan pang kontribusyon ng sibilisasyong Romano ay sa larangan ng literatura. Sa panahon ni Augustus, namulaklak ang Greco-Romanong literatura. Sa hiling na rin ng ni Augustus, isinulat ni Virgil ang epikong patula na Aeneid na siya niyang obra maestra. Hango ito sa kwento ni Aeneas sinasabing nagtatag ng Roma. Isa pang historyador si Livy ang nagsulat tungkol kay Aenas sa aklat niyang

Kasaysayan ng Roma. Si Horace na kaibigan nina Virgil at Augustus ay sumulat naman tungkol sa pagiging sakim ng tao na nagiging sanhi ng tunggalian. Tinuligsa rin niya ang masaganang pamumuhay ng ilang mayayaman at pinayuhan ang mga itong mamuhay ng simple at naaayon lamang sa kinakailangan. Samantala si Ovid ang manunulat na nagbigay diin sa Romansa, yaman at masarap na pamumuhay ng mga mayayaman.

Sa panahon ng Pax Romana, korapsyon at kasakiman naman ang tema ng mga akda nina Martial at Juvenal. Sa aklat naming Historics, ang pagiging malupit ng mga emperador at bisyo ng mga mayayaman ang tema ni Tacitus.

Agham

Dalawa sa mga natatanging siyentipiko sa panahon ng kulturang Greco-Romano ay sina Galen at Ptolemy. Pareho silang nabuhay noong ikalawang siglo AD. Si Galen ay isang Griyego, ngunit ang mga teorya niya ay hango sa medisinang Romano. Upang mapag-aralan ang katawan ng mga tao, pinag-aralan at sinuri niya ang katawan ng mga hayop. Bagamat hindi naging perpekto ang kaniyang mga nakita, naging basehan ito ng mga makabagong kaalaman sa medisina sa kanluran. Si Ptolemy ay isang mahusay na matematisyan, heograper at astronomer na nagtrabaho sa Alexandria, Ehipto noong AD 150. Ang aklat niyang Algamest na may 13 volume ay buod ng sinaunang kaalaman ng tao tungkol sa astronomiya at heograpiya. Maraming naging katanungan si Ptolemy sa mga batayan ng mga astronomo upang mahulaan ang kilos nang mga planeta ng mas may katiyakan.

Arkitektura

Mahuhusay na inhinyero ng mga Romano. Ang mga lungsod, patubig, mga tulay at aqueduct (istruktura na nagdadala ng tubig sa malalayong lugar), ay kamanghamanghang nagawa. Ang Appian Way, ang kauna-unahang daanan ng nag-ugnay sa Roma at Timog Silangang Italya, ay ginawa noong 300 BC. Naitayo din ang mga gusaling pampubliko, templo, palasyo, arena, at mga pulungang pang-asembliya na tinatawag na basilica. Karamihan sa mga gusaling ito ay ginawa para sa mga gawaing pampulitika ngunit may iba din na ginawa para sa mga gawaing panrelihiyon.

      Blog by: Mah. Daphne Louise A. Santos

             III-Meyer

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Follow

Get every new post delivered to your Inbox.

%d bloggers like this: