ARALIN 3 and 5: Ang Pinagmulan ng Tao at ang Kabihasnang Mesopotamia sa Kanlurang Asya

   

Mesopotamia (Iraq) – mula sa salitang mesos (gitna) at potamos (ilog)na ang ibig sabihin ay nasa pagitan ng dalawang ilog.
-Matatagpuan sa kanlurang bahagi ng asya na karaniwang pinalilibutan ng lupain ng disyerto at kabundukan.
-Matatagpuan sa lupain ng Fertile Crescent sa pagitan ng Persian gulf at Mediterranean sea.

MGA KABIHASNANG UMUSBONG SA MESOPOTAMIA

BABYLONIAN o AMMORITES 2000 BCE
Hammurabi- namahala noong 1792-1750 BCE, tinaguriang pinakadakilang hari ng babylonia.
Kodigo ni Hammurabi- binubuo ng 282 batas na nagsisilbing pamantayan ng kabihasnang Babylonian.
-Sakop ng Kodigong ito ang mga itinuturing na paglabag sa karapatan ng mga mamamayan at mga ari-arian nito; usapin sa kalakal, lupa, butaw, serbisyong propesyunal; at pamilya.
-May prinsipyong mata sa mata at ngipin sa ngipin.
Marduk – ang kanilang pinakadakilang diyos na kinkilala.
1100 BCE- naabot nila ang kanilang tagumpay sa panitikan nang masisulat ang mga epikong Gilgamesh at Enuma Elish
Mga Ambag
• Nagsimula sa kanila ang mga kontaratang pangkalakalan, paggamit ng selyo bilang pagpatibay sa kontrata, palamuti sa katawan ng mamahaling bato at metal na kinkilala ngayon bilang alahas.
• Pinaunlad nila ang pakikipagkalakalan at negosyo.
Pagbagsak
Pagsakop ng ibang pangkat ng tao tulad ng Kassite, Hittite at mga Assyrian.

ASSYRIAN 900 BCE
Muling napag-isa ang Mesopotamia sa pamumuno ng mga Assyrian.
Sila ay mahusay sa pakikidigma at itinuring bilang pinakamalupit na tao sa sinaunang panahon.
Mga namuno
• Tiglath Pileser I- nagtatag ng imperyo
• Tiglath Pileser III- sumakop sa Syria at Armenia
• Sennacherib- sumakop ng 89 na lungsod at mahigit 200 daang pamayanan.
• Ashurbanipal- nagpagawa ng kaunaunahang silid aklatan sa daigdig na may 200,000 na tablaetang luwad.
Mga ambag
• Pinakaunang pangkat ng tao na nakabuo ng epektibong sistema ng pamumuno sa imperyo.
• Epektibong serbisyo postal
• Maayos at magandang kalsada.

Pagbagsak
Dahil sa kalupitan ng pamumuno nagkaisa ang mga Chaldean, Medes, at Persian noong 612 BCE upang pagtulungan itaboy ang mga Assyrian.
Ang paglusob ni Alexander the Great pagkalipas ng 300 taon at halos walang iniwang karangyaan ng Assyria.

CHALDEAN 612 BCE
Ikalawang Imperyong Babylonian.
Nabopolassar- siya ang nanguna at nagtatag ng imperyo chaldea, sila ang mga inapo ng mga Babylonian na ang naging kabisera ay Babylon.
Nebuchadnezzar II- pinakadakilang hari ng Chaldea na nagsimulang namuno noong 605 BCE hanggang 562 BCE, naging tanyag at maunlad ito sa kanyang pamumuno.
Mga Ambag
• Ang Hanging Gardens of Babylon ang isa sa pinakanakakahangang tanawin sa sinaunang panahon umabot sa 75 na talampakan ang taas, pinagawa ni Nebuchadnezzar para sa kanyang asawa na si Amytis.
• nalinang ng konsepto ng zodiac at horoscope.
• Nagpagawa ng Ziggurat na umabot sa halos 300 talampakan na pinangalanang etemenanki. Itinuring na ito ang tore ni Babel sa bibliya.
Pagbagsak
• Paghalili ng mag mahihinang hari dahil nakatuon lamang sila sa karangyaan, kasaganaan at kasayahan.
• Pananakop ng mga Persiano sa imperyo.

PERSIANO 612 BCE
Nagmula sa patulan ng kabundukan ng Caucasus sa pagitan ng Black Sea at Caspian Sea.
Nagtatag ng isa sa pinakamalawak na imperyo sa daigdig sa kanilang ginituang panahon.
Zoroastrianismo- tawag sa relihiyon ng mga persyano, itinatag at ipinalaganap ni Zoroaster ang kanyang mga turo, na naniniwalang may dalawang pwersang naglalaban sa upang makuha ang kaluluwa ng tao.ayon sa kanya huhusgahan ang tao batay sa kanyang ginawa at kung kaninong pangkat siya sumanib.
Ahura mazda- diyos ng kabutihan at katotohanan, ang lahat ng tagasunod ay dadalhin sa paraiso.
Ahriman- diyos ng kasamaan at kadiliman.
Mga Namuno
Cyrus the Great- nagsimula ang kanyang pamumuno noong 557 BCE,pinalawak niya ang imperyo sa pagsakop ng mga lupain, itinuring ang kanyang imperyo na pinakamalaki at pinakamakapangyarihan sa buong mundo sa panahong iyon.
Haring Darius I- namahala sa simula noong 521-486 BCE nagkamit ng kadakilaan ang kanyang imperyo, tinagurian niya ang kanyang sarili na hari ng mga hari.

ANG PINAGMULAN NG TAO

Ang ebolusyon ng tao ang proseso ng ebolusyon na tumungo sa paglitaw ng mga modernong tao. Ang proseso ng ebolusyon ng tao ay nagsimula pa sa huling pinakakaraniwang ninuno ng lahat ng buhay ngunit ang paksa ng ebolusyong pang-tao ay karaniwang sumasakop lamang sa kasaysayang pang-ebolusyon ng mga primado sa partikular na ang henus na Homo at sa paglitaw ng homo sapiens bilang natatanging species ng mga hominid(dakilang bakulaw). Ang pag-aaral nito ay kinabibilangan ng maraming mga disiplinang pang-agham kabilang ang pisikal na antropolohiya, primatolohiya, arkeolohiya, embryolohiya at henetika. Ang lahat ng mga kasalukuyang nabubuhay na tao ay nagmula sa Silangang Aprika kung saan ang modernong tao ay nagebolb.Ang mga primado ay humiwalay mula sa ibang mga mamalya noong mga 85 milyong taong nakakalipas. Ang pinakamaagang mga fossil nito ay mula 55 milyong taong nakakalipas. Ang Hominidae ay humiwalay sa Hylobatidae 15-20 milyong taong nakakalipas. AngPonginae ay humilaway mula sa Hominidae. Ang pinakamaagang hominin na bipedal angSahelanthropus o Orrorin. Ang Ardipithecus ang kalaunang unang buong bipedal na hominin. Ang gorilya at chimpanzee ay naghiwalay noong 4-6 milyong taong nakakalipas at ang Sahelanthropus o Orrorin ang pinagsasaluhang ninuno ng mga tao, gorilya at chimpanzee. Ang mga sinaunang bipedal ay nagebolb sa mga Australopithecines at kalaunan ay sa genus na Homo. Ang pinakamaagang kasapi ng Homo ang homo habilis na nagebolb noong mga 2.3 milyong taong nakakalipas. Ang homo hablis ang unang species na gumamit ng mga kasangkapang bato. Sa sumunod na mga milyong taon, ang proseso ng ensepalisasyon ay nagsimula sa paglitaw ng Homo erectus. Ang homo erectus at homo ergaster ang unang mga hominina na lumisan sa Aprika. Ang mga ito ay kumalat sa Aprika, Asya at Europa sa pagitan ng 1.3 hanggang 1.8 milyong taong nakakalipas. Ang mga ito ang pinaniniwalaang ang mga species na unang gumamit ng apoy at mga komplikadong kasangkapan. Ayon sa Recent African Ancestry theory, ang mga modernong tao ay nagebolb sa Aprika at posibleng mula sa Homo heidelbergensis at lumisan sa kontinenteng Aprika noong 50,000 hanggang 100,000 taong nakakalipas. Ang mga ito ang pumalit sa mga lokal na populasyon ng homo erectus at Homo neanderthalensis. Ang mga sinaunang homo sapiens na nauna sa mga modernong tao ay nagebolb sa pagitan ng 400,000 at 250,000 taong nakakalipas. Ang mga modernong tao ay nagebolb mula sa mga sinaunang tao mga 200,000 taong nakakalipas. Ang paglipat sa pag-aasal na pang-moderno at ang pag-unlad ng kultura, wika at lithic na teknolohiya ay nangyari noong 50,000 taong nakakalipas. Kabilang sa mga modernong pag-aasal na pang-tao ang paggamit ng mga kasangkapan, paggamit ng mga alahas at pagguhit sa kweba, pagsasaayos ng tirahan, mga ritwal gaya ng paglilibing ng mga tao kasama ang mga regalo, panganaso, eksplorasyon ng mga lugar pang-heograpiya, at barter. Ang pinakamaagang alam na paglibing ng isang shaman ay mula 30,000 BCE. Ang organisadong relihiyon ay inimbento noong 11,000 BCE sa Malapit na Silangan.Kalaunan, ang iba’t ibang mga relihiyon ay inimbento pa ng mga tao.

Ginawa ni :

Angelica C. Hernandez

Audrey F. Medina

Aside

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: