Aralin 13: Ang Republic ng Rome at ang Imperyong Roman

romeAng Republic ng Rome at ang Imperyong Roman

Ang Rome ay itinatag sa kalagitnaan ng ikawalong siglo B.C.E. ng mga unang Roman na nagsasalita ng Latin, isang sangay ng wikang nabibilang sa Indo-Europeo. Sila ay lumipat sa gitnang Italy at nagtayo ng mga sakahang pamayanan sa Lithium Plain sa Timog ng Tiber River. Ang lugar na napili nila ay ang Palatine, isa sa pitong burol malapit sa Tiber River.

Nagsimula ang lahat kay Remus at Romulus na sinasabing nag tatag ng Sibilisasyon ng Romano sa tabi ng Ilog Tiber sa Tangway ng Italya. Ayon kay Plutarch at Livy si Romulus ang nag silbing kauna-unahang hari nito.
Sinakop nila ang kaharian ng Etruscans, Gauls, Greyego at nabuo ang Repulika ng Romano. lahat na nasakop na lupain ay ginawang pagaari at ang mga mamamayan roon ay ginawang mga kasapi ng pamahalaan.
Binubuo ang pamahalaan ng Senate, Consuls, at Praetors. Sila ay itinalaga ng mga tao upang mamahala sa Republika. Sa panahon ng problemang Militar, namimili sila ng isang diktador na mamumuno sa loob ng anim na buwan.
Pagkalipas ng anim na buwan at natapos na rin ang problema ay ibabalik ang constitutional government ng Roma.
Masasabing isang aksidente ang pagiging Emperyo ang Republika nang tulungan nila ng Sicily laban sa Chartage na Tinawag na Mga Digmaag Punic. Ito ay nag simula nuong 264 hangang146 BK at masasabing ang pinaka mahapabang digmaan sa kasaysayan ng Matandang Panahon.
Pag katapos ng mga digmaang Punic ay napalitan ng Militar na pamamahala ang dating Republikang pamahalaan. Naging maluho at iniwan ang dating simpleng buhay na nagsasaka lang sa sakahan.
Dahil sa pag aaway ng Senado ay nabuo at naitatag ang Unang Triumvitrate na kinabibilangan ng Julius Ceazar, Pomey the Great at Marcus Crasus. Ngunit sila mismo ay hindi nag kasundo-sundo at ang patayan din.
Nang mabuwang ang Unag Triamvirate ay nabuo ang ikalawa nakinabibilangan nina Octavian (Augstus Ceasar), Marcus Lepidus at Anthony. Sumama si Mark Anthony ka Cleopatra VII at nag karoon ng anak. Datapwat, si Anthony ay kasal sa kapatid ni Octavius kaya pinaslang nito ang buhay ni Anthony at sumunod namang nag pakamatay si Cleopatra. At Sumiklab ang digmaan ng Senado.
Nag retiro si Marcus Lepidus sa Katungkulan at naiwan si Octavian na iprinoklama ang sarili na kauna-unahang Emperador ng Emperyong Romano, at tinawag siyang Augusts Ceasar.
Konklusyon: Kung hindi tinulung ng Republika ang Sicily laban sa mga Charthaginian marahil sila ay nanatiling simple, malayo sa karangyaan at simpleng magsasaka.

Pagtatatag ng Republic

  Natamo ng mga Romano ang kasanayan sa pamamahala sa ilalim ng mga Etruscan. Ang Rome ay nagsimula bilang isang siyudad-estado na pinamumunuan ng isang hari. Noong 509 B.C.E, inalis sa pwesto ng mga Romano si Tarquinius Superbus,ang hari ng Etruscan, at nagtatag sila ng isang Republika, ang pamahalaan. Naghalal sila ng dalawang konsul na puno ng hukbo upang magsilbi bilang punong mahistrado sa loob ng isang taon, ang bawat isa ay nagsilbing tagasubaybay ng bawat isa. Sa mga panahon ng kagipitan, ang senado na binubuo ng mga patrician na nanunungkulan habang buhay, ay patuloy na humahawak ng iba’t-ibang pwesto. Sila’y nagpatibay ng mga batas at Humirang ng mga kandidato para sa mga katungkulan. Ang kapangyarihan sa pagpapataw ng buwis, ang deklarasyon ng patakarang panlabas at iba pang pakikipag-ugnayan ay kasama rito. Sa kabilang panig, ang Asemblea na binubuo ng lahat ng mamamayan ay may maliliit lamang na kapangyarihan. Bagamat sila’y nakaboto, ang bilang ng kanilang boto ay hindi gaanong pinahahalagahan kaysa sa mga patrician. Sa paglipas ng panahon maraming tanggapan ang nalikha. Gayunman, ang mga plebeian ay Hindi parin gaanong nakalalahok sa pamumuhay pulitikal at sosyal sa Rome. Sila’y humihingi ng mga pagbabago. Noong 500 B.C.E. ang mga plebeian ay umalis sa syudad at nagtungo sa Mons Sacer at sila’y tumatangging bumalik hanggat hindi ibinibigay ang kanilang mga kahilingan. Ang mga patrician, sa wakas, ay sumuko at kanilang pinahintulutan ang mga plebeian na maghalal ng dalawang tribune.

Pakikibaka ng mga Plebian para sa Pantay na Karapatan

    Isang assembly na nilikha upang kumatawan sa mga karaniwang tao. Nilikha upang pangalagaan ang karapatan ng mga plebeian laban sa mga mapang-abusong opisyal. Maaari nilang ipawalang-bisa ang anumang batas na mapang-api sa mahihirap. Hanggang Ten Tribune ang ihalal ng mga tao.

Ang mga Plebeian at Patrician

Di tulad ng Athens na isang demokratiko, sa Republikang Romano ang namuno

ay mga aristokrata. Lahat sila ay nagmula sa mga mayayamang may-ari ng mga lupa na tinatawag na patrician. Bagamat sampung porsiyento lamang ng kabuuang

populasyon ang mga patrician, nasa kamay nila ang halos lahat ng pangunahing

posisyon sa pamahalaan at nagtamasa sila ng mas maraming karapatan. Karamihan naman sa mga Romano ay mga plebeians. Sila ay mga karaniwang tao na angmula sa mayamang mamamayan, negosyante, artisano, magsasaka hanggang sa mga manggagagawa. Bilang mamamayan sila ay nagbabayad ng buwis at naglilingkod sa sandatahan ngunit hindi kapantay ng mga tinamasang karapatan ng mga patrician ang kanilang tinaasang karapatan.

May maayos na takbo ng pamamahala ang pamahalaang Romano. May

tagapagpaganap (Executive) at tagapagbatas (Legislative). May dalawang patrician na tumatayong tagapagpaganap. Sila ang nagangasiwa sa pamahalaan at sa hukbong sandatahan. Sila ay inihalal sa tungkulin at may terminong isang taon upang makapaglingkod. Sa mga kamay nila nakasalalay ang kapangyarihan ng buong Roma. Maaari rin nilang i-veto o di tanggapin ang desisyon ng bawat isa. Kinakailangang magkasundo sila sa mga pangunahin at kritikal na desisyon. Sa panahon ng krisis, maaari silang pumili ng diktador mula sa mga pinagkakatiwalaang opisyal ng pamahalaan. May anim na buwan lamang na termino ang mga diktador o hanggang di natatapos ang krisis. Sa ganitong pamamaraan, napipigilan ang ganap na kapangyarihan ng mga diktador at napangangalagaan ang demokrasya. Ang tagapagbatas ay bumubuo ng 300 kinatawan. Ang pinakamakapangyarihan ay ang senado. Ang 300 kinatawan ay mula sa mga patrician. Sila ay inihalal at may terminong panghabambuhay. Tinatawag silang senador. Ang pangunahing gawain nila ay ang magbigay ng payo sa consul, maghain ng batas, at magtalakay ng mga patakarang panlabas.

Hindi lahat ay sumang-ayon sa ganitong pamamahala. Noong 471 BC, ang mga

Plebeians ay nagdesisyon na hindi na sila maglilingkod sa hukbong sandatahan ng

Roma, bagkus ay magtatatag ng sarili nilang lungsod-estado. Ito ay upang maiwasan ang digmaang sibil at mapanatili ang kapayapaan. Sumang-ayon ang mga patrician sa ilang nais ng mga Plebeian. Isa na rito ay karapatang pumili ng sampung pinuno nila sa kanilang hanay na tatawaging tribunes na siyang magsusulong ng kanilang interes sa pamahalaan. Ang mga tribunes ay maaaring mag-veto ng ano mang desisyon ng consul o ng iba pang namumuno. Dahilan sa karapatang mag-veto, napangangalagaan ng mga Plebeian ang kanilang sariling interes laban sa mga patrician. Nagkaroon din ang mga Plebeian ng kanilang sariling asembleya na kinilala bilang Assembly of Tribes. Pagsapit ng 287 BC, isa na itong pangunahing tagapagbatas sa Roma.

Sa simula ng Republika, ang mga batas ng Roma ay di nakasulat. Ang mgapatrician ang may kontrol sa batas at ipinaalam lamang ito sa mga Plebeians. Pagsapit ng 451 BC, pinagbigyan ng mga patrician ang kanilang hiling. Ang mga batas ng Roma ay inukit sa mga tabletang tanso at inilagay sa forum upang mabasa ng lahat. Ito ay tinawag na Twelve Tables na siyang naging batayan ng iba pang batas sa Roma noong mga sumunod na panahon. Kasabay nito, bumuti rin ang katayuan ng mga plebeian. Pinayagan na silang makapag-asawa ng patrician at maglingkod sa mga pampublikong tanggapan. Pagsapit ng 287 BC, pantay na ang karapatang tinatamasa ng mga patrician at Plebeian. Ngunit, hindi maipagkakaila na ang kapangyarihang pulitikal ay nasa kamay pa rin ng mga patrician at ilang mayayamang plebeian. Patunay ito na ang republika at ang senado ay nasa kapangyarihan pa rin ng iilang mamamayan.

ANG ROME BILANG MAKAPANGYARIHAN SA MEDITERRANEAN

Habang patuloy na nagnanais ang mga Plebeian ng mas malakingkapangyarihan sa loob ng Republika, ang Roma ay patuloy na nagpalawak ng kaniyang nasasakupan. Pagsapit ng 265 BC nasa ilalim na ng kapangyarihan ng Roma ang kabuuan ng tangway ng Italya. Matutunghayan mo sa araling ito kung paano napalawak ng Roma ang kanyang imperyo.

Iginalang ng mga Romano ang mga lupaing kanilang nasakop. Nakipagkaibigansila sa mga mamamayan nito. Hinayaan nilang manatili ang kanilang kultura attradisyon, maging ang kani-kanilang mga batas. Ang tanging hiniling nila ay suportahan sila ng mga ito sa pamamagitan ng pagbubuwis at pagiging matapat na kaalyado ng Roma. Bilang kapalit, sila naman ay may proteksyon sa sandatahang

lakas ng Roma.

Dahilan sa ang mga mamamayang Romano at ang mga plebeian ay may bosessa pamahalaan, tapat sila rito. Ang mga matitipunong magsasaka ay mahuhusay nasundalo. Kaya nilang magmartsa ng 30 milya araw-araw at dala-dala ang 60 libra ng mga armas at iba pang suplay pandigma. Ang malakas na hukbong sandatahan ng Roma ang pangunahing dahilan ng pananagumpay nito sa Italya. Ang pagiging malakas ng sandatahan ay bunga ng pagkakaorganisa nito. Ang pangunahing yunit ay legions na binubuo ng mula 3,000 hanggang 6,000 sundalo na tinatawag na legionnaires. Sa pamamagitan ng mga legions, ang sandatahan ay mas malakas at mas mabilis makipaglaban. Kumpara sa mga Griyego kung saan ang mga phalanx ay kumikilos paurong lamang at pasulong, ang mga phalanx ng Romano ay mas magaling kumilos maging pakaliwa o pakanan sa mga labanan. Ang taktikang ito at ang labis na katapatan sa Roma ang pangunahing mga dahilan ng kanilang tagumpay. Sa loob ng isang siglo, may ilan din labanan na sila ay natalo ngunit sa lahat ng digmaan na kanilang sinalihan sila ay nanalo. Sila na marahil ang pinakamalakas na hukbong sandatahan na nakilala sa kasaysayan. Dahil dito, naging mabilis ang pagpapalawak ng Imperyong Romano.

Rome Laban sa Carthage

Ang unang Digmaang Punic (264-241 B.C.E)

Pagsapit ng 200 BC, isa na lamang ang kalaban ng Roma sa Mediterranean: ang Carthage na nasa hilagang Aprika. Ito ay dating kolonya ng mga Phoenician at naging kabisera ng isang malaking imperyong pangkalakalan na umaabot mula Espanya hanggang Sicily. Mula 264 hangang 241 BC, nagkaroon ng maraming digmaan sa pagitan ng Roma at Carthage upang makuha ang karapatan sa Sicily. Ang unang tatlong digmaan ay kinilala bilang Digmaang Punic. Ang ibig sabihin ng Punic ay Phoenician. Ang Carthage ay itinatag bilang sentro ng kalakalan ng Phoenician. Simple ang naging dahilan ng kanilang alitan: natakot ang Carthage na makuha ng Roma ang Sicily. Ang Roma naman ay natakot na baka harangan ng Carthage ang kalakalan sa pagitan ng Italya at Sicily. Sinimulan ng Roma ang Unang Digmaang Punic nang may mas pinalakas na hukbong sandatahan, ngunit may mahusay sa digmaang pandagat ang mga Carthaginian. Kayat ginamitan ito ng mga Romano ng taktika at dali-dali silang gumawa ng mga barkong halos katulad ng mga barkong pandigma ng Carthage. Gamit ang mga barkong ito, ang Roma ay nanalo sa ilang labanan nila sa Carthage. Ngunit tumagal ito ng halos 20 taon bago tuluyang napabagsak ng Roma ang Carthage at nasakop ang isla ng Sicily. Nagbayad ng indemnity o bayad pinsala ang mga Romano.

Ang Ikalawang Digmaang Punic (218-202 B.C.E)

Bumagsak nga ang Carthage ngunit hindi ito tuluyang nanahimik. Sa halip, ito ay nagpalawak pa ng kapangyarihan sa Espanya sa pamumuno ni Heneral Hamilcar Barca. Pagsapit ng 221 BC, ay nagkaroon ng mahusay na pinunong Carthaginian ang Espanya sa katauhan ni Hannibal, isa sa pinakamahusay na heneral ng hukbong Espanya sa kanyang kapanahunan. Noong 218 BC nilusob ni Hannibal ang Roma kasama ang sandatahang lakas na binubuo ng 4,000 sundalo at 50 elepante. Tinahak nila ang daan sa hilagang silangan ng Espanya at timog na bahagi ng Pransya at tinawid ang mayelong kabundukan ng Alps, kung saan maraming sundalo at elepante ang namatay dala sa napakalamig na klima. Bagamat mas kaunti, natalo nina Hannibal ang mga sundalong Romano na sumalubong sa kanila sa naganap na Labanan sa Cannae sa timog silangan ng Italya. Nakarating ang mga Espanyol sa bukana ng Roma ngunit hindi nila ito pinasok. Umasa si Hannibal na makikipagkasunduan ang Roma sa kanila ngunit hindi ito nangyari. Habang nasa Italya ang hukbo ni Hannibal, nagkaroon ng ibang kaganapan. Nilusob ng isang sundalong Romano na nagngagalang Hen. Publius Scipio ang mga Carthaginian sa Espanya. Kung kaya’t di sila nakapagpadala ng tulong kay Hannibal na noon ay nahaharap sa kabi-kabilang pakikipaglaban sa Italya. Noong 204 BC sinakop na rin ng mga Romano ang Hilagang Aprika.

Upang maipagtanggol ang kanilang lupain, bumalik si Hannibal sa Carthage ngunit siya ay natalo ni Scipio sa labanan sa Zama noong 202 BC. Ang pagkatalong ito ang nagwakas sa ikalawang Digmaang Punic. Nanatili ang kalayaan ng Carthage ngunit nawala na ang kapangyarihan nito.

Ang Ikatlong Digmaang Punic (149-146 B.C.E)

Makalipas ang 50 taon pagkatapos ng ikalawang Digmaang Punic nagkaroon ng kapayapaan sa pagitan ng Roma at Carthage. Sa mga panahong ito ay umunlad na muli ang Carthage. Bagamat wala ng pangambang maidudulot ang Carthage sa Roma, ang mga malalagim na alaala ng mga ginawa ni Hannibal ay patuloyn na nagsilbing bangungot para sa mga Romano. Ito ang naging dahilan upang naisin nila ang tuluyang pagkawasak ng Carthage. Kaya pagsapit ng 149 BC sinimulan nila ang ikatlong Digmaang Punic. Nagpadala sila ng mga sundalo sa Hilagang Aprika at nilusob ang Carthage. Sa loob ng tatlong taon, nagpatuloy sa pakikipaglaban ang Carthage bago tuluyang sumuko. Pagkatapos nito, sinunog ng mga Romano ang kabuuan ng Carthage at sinabuyan ng asin ang lupang sakahan nito upang tuluyan na itong mawalan ng pakinabang. Ang mga taong di namatay ay pinagbili bilang mga alipin. Napakalaking tagumpay ito sa Roma at nagkaroon sila ng ganap na kapangyarihan sa kanlurang Mediterrenean.

Tagumpay sa Silangan

Hindi lamang ang mga Digmaang Punic ang sumubok sa lakas ng Roma. Habang nakikipaglaban sila dito, sila rin ay may nakikipagtunggali sa Helenistikong Silangan. Matapos ang marami-raming labanan, natalo nila ang mga Macedonian at noong 146 BC, naging probinsya ng Roma ang Macedonia. Sumunod na nilusob ng Roma ay ang gitnang silangan. Noong 133 BC, napasailalim sa kapangyarihan ng mga Romano ang Kaharian ng Pergamum sa Asya. Bagamat nanatili ang kalayaan ng Ehipto at Syria, naging kaalyado ng Roma ang mga pamahalaang ito. Pagsapit ng 100 BC, nasakop na ng Roma ang halos lahat ng lupaing nakapaligid sa Mediterrenean.

ANG KRISIS SA REPUBLIKA

Habang lumalaki at yumayaman ang Republikang Romano, unti-unti rin itong nakaranas ng iba’t ibang panloob na suliranin na yumanig sa pinkapundasyon nito. Oo nga’t ang mga digmaang Roma ay nagbigay ng karagdagang lupain at kapangyarihan para sa Romano, nagdulot din ito ng maraming suliraning pulitikal at pangkabuhayan.

Ang Teritoryo

Bagamat hinayaan ng Roma ang mga lupaing nasakop nito na panatilihin ang kani-kanilang wika, relihiyon, batas, kultura at tradisyon, sila may tungkuling magbayad ng buwis at maging tapat sa kapangyarihang Romano. Ginawang probinsya ng Roma ang karamihan sa mga kolonya nito, Sa simula ay di naging maayos ang pamahalaan sa mga probinsyang ito. Upang mapadali ang pagsasaayos, humirang ng mga Gobernador o Proconsuls ang mga Romano upang mamuno dito. Ngunit imbis na mkatulong marami sa mga proconsul ay nagpabaya sa kanilang mga tungkulin at may iba na tumanggap din ng suhol sa mga transaksyon ng pamahalaan. Kasabay nito, hinirang din ng mga Romano ang mga publician upang mangolekta ng buwis mula sa mga probinsyang ito. Upang sila rin ay makinabang sa mga nakolektang buwis tinaasan ng mga publician ang kanilang sinisingil sa mga mamamayan. Naging dahilan ito upang magalit ang mga mamamayan sa pamahalaan ng Roma, ngunit dahilan sa malakas at matatag na sandatahang lakas, napigil ang ano mang banta ng pag-aalsa. Unti-unti natanggap ng mga kolonya ang uri ng pamamahala ng mga Romano.

Panlipunan at Pangkabuhayang Pagbabago

Halos nawasak ang ng Roma noong Ikalawang Digmaang Punic. Ang pananakop ni Hannibal sa Italya ay nagdulot ng malawakang pagkasira ng mga lupaing sakahan. Ang iba namang sakahan ay naiwanang nakatiwangwang habang nakikipaglaban sa digmaan ang mga may-ari nito. Nawalan ng mapagkakakitaan ang mga pamilya ng mga magsasaka kung kaya’t napilitan silang ibenta ang kani-kanilang mga lupang sakahan sa mga Romanong yumaman sa panahon ng pananakop.

Sa panahon din ng pananakop nagkaroon ng kapangyarihan sa mga lupa sa probinsya ang pamahalaang Romano at pinaupahan ito sa mga mayayamang Romano. Di naglaon nagkaroon sila ng malalawak na lupain na tinatawag na Latifundias kung saan sari-saring butil ang itnanim at ibenenta sa Italya. Naging napakadali rin para sa mga mayayamang ito na humanap ng magsasaka sa kanilang lupain dahilan sa napakaraming alipin ang handang magtrabaho sa murang sweldo lamang. Dahilan sa mababang, halaga ng produksyon mas mura nila naibebenta ang kanilang mga produkto. Ito ang naging dahilan kung bakit ang mga mahihirap na magsasaka sa Italya ay di makasabay sa kanilang pagbebenta sa murang halaga kung kaya’t napilitan ang mga ito na huminto sa pagsasaka, nagbenta ng lupa at lumipat sa mga lungsod. Sa paglipat ng mga magsasaka sa mga lungsod, lalong lumaki ang mga naging suliranin ng Republika. Naging masikip ang mga lungsod dahil sa paglaki ng populasyon doon. Maging sa Roma ay patuloy na nagdagsaan ang mga magsasaka na nagpalawig nang husto sa pagkakaiba ng uri ng pamumuhay ng mayayaman at mahihirap. Kasabay nito, lalong naging aktibo ang kalakalan sa mga probinsya na nagdulot ng lalong pagyaman sa mayayamanng Romano. Ang kapangyarihan sa ekonomiya ng Roma ay mapasakamay ng mga equites o grupo ng mga negosyante.

Maraming mga matatandang patrician at mayayamang plebeian ang naging abala sa pagpapayaman sa halip na isulong ang kapakanan ng Roma at ng mga karaniwang tao, kasama na ang mga libo-libong magsasaka at mga walang hanapbuhay na mga maralitang taga-lungsod.

Ang Repormista

Sa gitna ng krisis sa pamahalaan ng Roma noong panahon ng Republika, may mangilan-ngilan ding mayayamang Romano ang nabahala sa katayuan ng mga mahihirap. Para sa kanila, dapat na lunasan ang lumalalang sitwasyon bago pa man magbunga ito ng pag-aalsa. Para sa kanila ang pagpapahalaga sa disipilina, pagsasakripisyo at katapatan sa Republika ay dapat na ibalik upang makaiwas sa ano mang banta ng pag-aalsa. Isa sa mga repormistang ito ay si Tiberius Gracchus, isang repormista at tagapagsutlong ng mapayapang pagbabago. Naging tribuno siya noong 133 BC at ipinasa niya ang mga batas na tutulong sa mga mahihirap sa pamamagitan ng mga bagong batas nalimitahan ang lupain ng mga mayayamang may-ari. Hindi sinangayunan ng mga mayayamang senador ang kanyang ginawang pagbabago at nang muling tumakbo si Gracchus bilang tribune, nagkaroon ng madugong riot na ikinasawi niya at 300 pang kaalyado niya. Makalipas ang sampung taon ang nakababatang kapatid ni Tiberius na si Gaius Gracchus ay nahalal bilang Tribune. Tulad ng kapatid niya, isinulong nito ang reporma sa lupa at pinarami ang bilang ng maliliit na magsasaka. Naging maayos ito sa kanyang dalawang termino bilang Tribune, ngunit tulad ng kanyang kapatid siya rin ay pinaslang ng kanyang mga kaaway sa isang madugong riot.

Nagpatuloy din ang kaguluhan sa republika na dulot ng lumalaking populasyon ng mga alipin. Noong 73 si Spartacus, isang alipin, ay nagdeklara ng digmaan upang palayain ang mga alipin sa Italya. Sa loob ng dalawang taon nagpatuloy ang labanan ng mga hukbo ng mga alipin at hukbong sandatahan ng Roma. Natigil lamang ito nang mapatay si Spartacus at 6000 pang ibang alipin sa sumama sa kanya.

Pamumuno ng mga Heneral

Nabigo ang lahat ng pagtatangkang magkaroon reporma. Nawalan na rin ng tiwala ang mga mahihirap sa pamahalaan. Nagsunud-sunod ang pag-aalsa ng iba’t ibang grupo na labis na nagahina sa Republika. Sa panahon ng kaguluhan, nagkaroon ng pagkakataon ang mga heneral nang mamuno.

Noong 108 BC si Gaius Marius, isang tanyag na heneral, ay nagsimulang kumuha ng sundalong mula sa mga maralitang walang hanapbuhay. Kung noon, mga kalalakihan lamang na may-ari ng lupain at tapat sa Roma ang maaring maging sundalo sa sandatahang lakas, sa pagkakataong ito nagboluntaryo kay Marius ang mga mahihirap dahil pinangakuan niya sila ng pera at bahagi sa ano mang lupain na makukuha niya. Samakatuwid naging tapat sila kay Marius at hindi sa pamahalaan. Si Marius ay may mahigpit na katunggali sa posisyon: si Sulla. Sa loob ng anim na taon nagpalitan sila ni Marius sa pagiging heneral. Pagsapit ng 82 BC natapos na ang kanilang labanan kung saan si Sulla ang nagwagi. Di nagtagal itinanghal ni Sulla ang kanyang sarili bilang pang habambuhay na diktador ng Roma. Maaaring naitanghal ni Sulla ang kanyang sarili bilang diktador ngunit di ito nagtagal sa kanyang puwesto. Si Pompey isang heneral, at si Crassus, isang pulitiko, ang naipalit sa kanyang puwesto sa suporta ng batambatang si Julius Caesar. Noong 60 BC itinatag nina Pompey, Crassus, at Julius Caesar ang Triumvirate, isang pangkat na may talong pinuno na may magkakapantay na kapangyarihan. Sa paglipas ng panahon, di nagkaisa ang Triumvirate. Si Julius Caesar na may malaking ambisyong pulitikal, ay nagsarili. Pinalakas niya ang kanyang hukbo sa Gaul (France na ngayon) at sinakop ito. Di nagtagal maging Britanya ay sinakop rin niya, kayat nasakop na nang ganap ng Roma ang hilagang bahagi ng Europa. Noong 49 BC sa pagkamatay ni Crassus sa isang digmaan, tuluyan nang nabuwag ang Triumvirate. Naging mortal na magkaaway si Julius Caesar at Pompey.

Pumunta si Julius Caesar sa Gresya kung saan tinalo niya si Pompey. Tumakas si Pompey patungong Ehipto ngunit napaslang naman siya ng Hari ng Ehipto na galit sa mga Romano. Kasabay nito kinilala ni Caesar ang kapatid ng hari na si Cleopatra na noon ay namumuno sa Ehipto, bilang kaibigan ng Roma. Pagbalik ni Caesar sa Roma, itinanghal siya bilang pinakdakilang bayani ng Roma at namuno sa pamahalaan. Nakuha niya ang titulo bilang hari at consul nang sabay. Maraming pagbabago ang kanyang ipinatupad. Inayos niya ang pamahalaan at binabaan niya ang buwis. Upang matulungan ang mga mahihirap sa Roma, pinadala niya ang 100,000 sundalo at iba pang mga tao sa mga lupaing kanilang nasakop at doon sila ay binigyan ng lupaing sakahan. Nagbigay siya ng pagkamamamayan sa mas maraming tao sa labas ng italya. Nagpalabas din siya ng bagong kalindaryo na pinangalanan sa kanya: ang Julian Calendar. Pagsapit ng 44 BC ganap na siyang diktador na panghabambuhay, ngunit naging dahilan ito upang mangamba ang mga mayayaman. Natakot sila na kung magiging Hari si Caesar, mawawala na ang senado, at mawawasak nang tuluyan ang Republika. Kaya isang pangkat na binubuo nina Marcus Brutus at Gaius Cassius ang nagplanong paslangin si Caesar. Sinaksak nila si Julius Caesar sa Senado noong Ides of March (Marso 15) 44 BC.( Sa Julian Calendar ang Ides ay petsa kung saan ito ay kalagitnaan ng bawat buwan na sumasabay sa pagbilog ng buwan).

Ang Pagwawakas ng Republika

Sa pagkamatay ni Julius Caesar, nagkaroon ng panibagong tunggalian sa kapangyarihan sa pumumuno ng Roma. Ang ikalawang Triumvirate ay nabuo ng mga taga suporta niya, na sina Octavian, isang malapit na kamag-anak ni Caesar, Marc Anthony, isang heneral na kaalyado ni Caesar, at si Lepidus isang pangunahing pinuno ni Caesar. Ipinaghiganti nila ang naging kamatayan ni Caesar. Hinati nila ang mga lupain ng Roma sa kani-kanilang pangangasiwa. Kinuha ni Ocatavian ang kanluran, samantalang ang silangan ay kay Marc Anthony, at si Lepidus naman ang namuno sa hilagang Aprika. Silang tatlo naman ang namuno sa Italya. Tulad ng inaasahan, nagtalu-talo rin ang tatlong pinuno. Pinilit ni Octavian na umalis sa tungkulin si Lepidus upang siya na ang maghari sa Italya at hilagang Aprika. Samantala patuloy na namuno sa Silangan Si Marc Anthony. Namuno din siya sa Ehipto kasama ang reyna nitong si Cleopatra. Di ito nagustuhan ni Octavian kayat noong 31 BC sa isang bahagi ng karagatan naganap ang labanan sa Actium sa may kanlurang bahagi ng Gresya at tinalo niya ang magkasanib ng puwersa nina Cleopatra at Marc Anthony. Si Octavian na lamang ang mag-isang namuno sa Roma at mga lupain nito. Upang hindi magpatuloy ang kaguluhan sa Republika, kinailangang magtatag si Octavian ng bagong pamahalaan upang mapanatili ang kaayusan. Dito nagwakas ang Republika sa Roma.

ANG PAMUMUHAY SA IMPERYONG ROMANO

Si Augustus Ceasar

Sa pagkakaluklok ni Octavian sa kapangyarihan noong 31 BC, ninais niyang buhaying muli ang Republika. Ngunit dahil sa lawak ng nasasakupan nito at paglaganap ng korapsyon sa pamahalaan, naging imposible ang kanyang mithiin. Sa halip itinatag ni Octavian ang Imperyong Romano. Bilang pinakaunang emperador ng Roma, sinarili ni Octavian ang kapangyarihan. Nakuha niya ang suporta ng senado dahilan sa kinuha niya itong tagapayo at hinayaang pamunuan nila ang ilang probinsiya ng Roma at pinahintulutan silang magkaroon ng sariling kabang yaman o (treasury). Ginamit niya ang titulong Augustus, na nangangahulugang ang dakila, at magmula noon kinilala siya bilang Augustus Caesar .

Augustus Caesar

Si Augustus ay naging mabuti at malikhaing pinuno. Ginamit niya ang kanyang kapangyarihan upang magkaroon ng kaayusan at kabutihan sa Roma at sa mga probinsiya nito sa buong panahon ng kanyang pamumuno. Ang reporma sa sandatahang lakas ang inuna niya. Kinuha ni Augustus ang pamumuno sa sandatahang lakas at binigyan niya ang mga sundalo ng malalaking bonus at lupain. Upang mapalawak ang pagkakaisa sa imperyo, ginawa niyang sentro ng pamahalaan ang Roma. Isinulong din niya na ibalik ang mga ipinagmamalaking ugali ng mga Romano saya ng pagmamahal sa bayan, pagkakabigkis-bigkis ng pamilya, kasipagan, disiplina, at simpleng pamumuhay.

Ang mga Emperador na Julian

Namatay si Augustus noong 14 na taon sa panahon ni Kristo (AD). Sa sumunod na 54 na taon, ang imperyo ay pinamunuan ng mga emperador na Julian o emperador mula sa pamilya ni Julius Caesar. Mula AD 14 hanggang 37, si Tiberius, ampon ni Augustus, ang itinanghal na emperador. Ipinagpatuloy niya ang mga patakaran ni Augustus Caesar. Samantala hindi ganito ang ginawa ni Caligula ang sumusunod kay Tiberius. Bukod sa isa siyang malupit na pinuno maraming nagsasabi na siya ay baliw sapagkat hinirang niyang consul ang kanyang mga alagang kabayo. Pagkalipas ng apat na taon, pinatay siya ng mga sarili niyang sundalo sa kanyang palasyo. Ang mga sundalo ang pumili ng bagong emperador sa katauhan ni Claudius, tiyuhin ni Caligula. Tanyag na emperador si Claudius. Sa panahon ng kanyang pamumuno (AD 41-54), naglunsad siya ng ekspedisyon at naging bahagi ng imperyo ang Britanya. Pagkamatay niya noong 54 AD ang ampon niyang si Nero, ang humalili sa kanya. Di tulad ni Claudius, si Nero ay malupit at sinisabing baliw din. Hinihinala niya na lahat ng tao ay gusto siyang patayin maski na ang asawa niya at ina kayat ipinapatay niya ang mga ito pati na ang kanyang mga senador. Noong AD 64, nagkaroon ng malaking sunog sa Roma at siya ang pinaghinalaang gumawa nito. Pagkalipas ng apat na taon, nag-alsa laban sa kanya ang mga sundalo na naging dahilan upang magpakamatay siya.

Ang mga Mabubuting Emperador

Sa sumunod na 30 taon, napasailalim ang imperyo sa kamay ng mga emperador na sinusuportahan ng military tulad ni Vespian. Sa 10 taon (AD 69-79) ng kanyang pamumuno, naibalik niya ang disiplina sa sandatahang lakas at napigil niya ang mga pag-aalsa sa Gaul at Judea. Sa pagitan ng Ad 79-98, tatlo pang emperador ang sumunod kay Vespian. Dalawa dito ay mga anak niya, at ang ikatlo ay si Nerva na pinili ng senado, bilang kapalit niya. Inampon ni Nerva si Trajan isang kilalang Kastilang heneral, na naging tanyag dahilan sa kanyang mga naipanalong digmaan sa gitnang Silangan. Noong AD 117, si Hadrian na pinsan ni Trajan ang naging emperador. Para sa kanya, pinakamahalaga ang pagkakaroon ng mabuting pamahalaan kung kayat sinimulan niya ang sistema ng promosyon sa pamahalaan. Pinalakas rin niya ang mga pamahalaang lokal. Ang pinakahuli sa mabubuting emperador ay si Marcus Aurelius, na naglingkod mula AD 161-180. Siya ay matalinong tao at sumusunod sa pilosopiyang Stoicismo. Isinulat niya ang aklat na Meditation na naglalarawan ng pilosopiyang ito. Naging maunlad ang kanyang panunungkulan at lumaganap ang negosyo at kalakalan na nakarating hanggang India at Tsina. Sa pagkamatay ni Marcus Aurelius noong AD 180, natapos nang tuluyan ang mapayapang panahon sa Roma.

Ang Lipunang Romano sa Panahon ng Imperyo

Ang panahon ng kapayapaan na naranasan ng Roma mula 27 BC hanggang Ad 180 ay tinawa na Pax Romana o kapayapaang Romano. Sa panahon ng Pax Romana, ang Roma ay naging tahanan ng humigit kumulang isang milyong tao at naging sentro ng sibilisasyong kanluranin. Ang panahong ito ay di lamang panahon ng kapayapaan, panahon din ito ng kaunlaran para sa mga mamamayan. Bumuti ang mga daanan, naiayos ang mga daungan at ilan pang mga pangunahing daanan ng kalakalan, at naging masigla ang kabuhayan at kultura ng Roma.

Pangkat ng mga Mamamayan

Nagkaroong ng iba’t ibang bahagdan ng mga mamamayan sa panahong ito, Ang mga maykaya tulad ng mga may-ari ng lupa, mangangalakal, doktor, abogado at iba pang naglilingkod sa pamahalaan ang may pinakamabuting pamumuhay. Ang mga mahihirap naman ay umaasa lamang sa pagkain na rasyon ng pamahalaan, nasa mga lungsod at walang trabaho. Ang mga magsasaka ang may pinakamalaking populasyon. Mahabang oras silang nagtatrabaho upang makapagbigay ng murang pagkain para sa mga mamamayan. At ang mga alipin ay karaniwang mga Italyanong magsasaka na nawalan ng kalayaan dahil sa hindi nakapagbayad ng utang.

Uri ng Libangan

Ang mga Romano, mayayaman o mahihirap man ay mahilig sa mga labanang marahas at nakakamatay bilang libangan. Ang mga malalawak na arena ay lugar para sa mga libangang ito. Ang circus maximus ang pinakamatandang arena sa Roma ay may upuan para sa 300,000 na katao samantalang ang Coloseum na mas maliit ay kaya namang maglaman ng 50,000 katao. Ang pinakapopular na libangan ay mga Circus Festival, Chariot Racing at labanan ng mga gladiators o mga alipin at naparusahang kriminal. Ang mga gladiator ay inilalaban sa iba pang gladiator, kung minsan naman ay sa mabangis na hayop. Karamihan sa mga hayop na ginagamit dito ay inaangkat pa ng Roma sa Aprika.

Mga Natatanging Kontribusyon ng Imperyong Romano

Matapos masakop ng Roma ang Silangang Meditteranean noong ikalawang siglo, naragdagan ang kulturang Romano ng kulturang Griyego. Dinala ng mga Romanong heneral ang ilang mga aklat at gawaing sining mula sa Gresya patungong Roma. Ilang griyegong guro, manunula, at pilosopo ang nagtungo at nagtrabaho sa Roma, samantala ang ibang Romano naman ay ipinadala sa Athens ng kanilang mga magulang upang mag-aral. Nagsanib nang husto ang mga kulturang Griyego at Romano at nabuo ang tinatawag na kulturang Greco- Romano.

Mga Batas

Ang sistema ng hustisya at pagbabatas ang pinakamalaking naging kontribusyon ng mga Romano sa kanluraning sibilisasyon. Ang mga batas ng ilang pangunahing bansa sa kasalukuyan tulad ng Italya, Espanya, Pransiya at Latin Amerika ay hinango sa Batas ng Romano. Naniniwala ang mga Romano na ang batas ay dapat na hinango batay sa prinsipyo ng katwiran at hustisya at dapat na mangalaga sa mga mamamayan at sa kanilang ari-arian.

Ang Batas ng mga Nasyon (Law of Nations) ay isang sangay ng Batas ng Romano na ipinairal sa lahat ng probinsiya ng imperyo. Sa ilalim ng batas na ito, walang Briton, Kastila, Italyano o Griyego, bagkus lahat sila ay itinuring na Romano. Ang batas ay para sa lahat maging ano man ang nasyonalidad. Ito ang pangunahing kontribusyon sa sibilisasyon ng Imperyong Romano.

Literatura

Ang ilan pang kontribusyon ng sibilisasyong Romano ay sa larangan ng literatura. Sa panahon ni Augustus, namulaklak ang Greco-Romanong literatura. Sa hiling na rin ng ni Augustus, isinulat ni Virgil ang epikong patula na Aeneid na siya niyang obra maestra. Hango ito sa kwento ni Aeneas sinasabing nagtatag ng Roma. Isa pang historyador si Livy ang nagsulat tungkol kay Aenas sa aklat niyang

Kasaysayan ng Roma. Si Horace na kaibigan nina Virgil at Augustus ay sumulat naman tungkol sa pagiging sakim ng tao na nagiging sanhi ng tunggalian. Tinuligsa rin niya ang masaganang pamumuhay ng ilang mayayaman at pinayuhan ang mga itong mamuhay ng simple at naaayon lamang sa kinakailangan. Samantala si Ovid ang manunulat na nagbigay diin sa Romansa, yaman at masarap na pamumuhay ng mga mayayaman.

Sa panahon ng Pax Romana, korapsyon at kasakiman naman ang tema ng mga akda nina Martial at Juvenal. Sa aklat naming Historics, ang pagiging malupit ng mga emperador at bisyo ng mga mayayaman ang tema ni Tacitus.

Agham

Dalawa sa mga natatanging siyentipiko sa panahon ng kulturang Greco-Romano ay sina Galen at Ptolemy. Pareho silang nabuhay noong ikalawang siglo AD. Si Galen ay isang Griyego, ngunit ang mga teorya niya ay hango sa medisinang Romano. Upang mapag-aralan ang katawan ng mga tao, pinag-aralan at sinuri niya ang katawan ng mga hayop. Bagamat hindi naging perpekto ang kaniyang mga nakita, naging basehan ito ng mga makabagong kaalaman sa medisina sa kanluran. Si Ptolemy ay isang mahusay na matematisyan, heograper at astronomer na nagtrabaho sa Alexandria, Ehipto noong AD 150. Ang aklat niyang Algamest na may 13 volume ay buod ng sinaunang kaalaman ng tao tungkol sa astronomiya at heograpiya. Maraming naging katanungan si Ptolemy sa mga batayan ng mga astronomo upang mahulaan ang kilos nang mga planeta ng mas may katiyakan.

Arkitektura

Mahuhusay na inhinyero ng mga Romano. Ang mga lungsod, patubig, mga tulay at aqueduct (istruktura na nagdadala ng tubig sa malalayong lugar), ay kamanghamanghang nagawa. Ang Appian Way, ang kauna-unahang daanan ng nag-ugnay sa Roma at Timog Silangang Italya, ay ginawa noong 300 BC. Naitayo din ang mga gusaling pampubliko, templo, palasyo, arena, at mga pulungang pang-asembliya na tinatawag na basilica. Karamihan sa mga gusaling ito ay ginawa para sa mga gawaing pampulitika ngunit may iba din na ginawa para sa mga gawaing panrelihiyon.

      Blog by: Mah. Daphne Louise A. Santos

             III-Meyer

Aralin5: Panahong Neolitiko At Paleolitiko

Pag aaral ng Prehistory

Image

Ang katagang bago ang kasaysayan o prehistorya ay ang kasaysayan o historya ng sangkatauhan bago natutong makapagsulat ang mga tao ng kasaysayan. Nilalarawan ng parirala o pamagat na ito ang kapanahunan bago ang nakatalang kasaysayan. Natutuklasan lamang ito sa pamamagitan ng larangan ng arkeolohiya. Orihinal na nilikha ni Paul Tournal ang katagang Pranses na pré-historique upang ilarawan ang mga natagpuan niya sa loob ng mga kuweba ng katimugang Pransya. Naging gamitin ito sa Pransya noong dekada ng 1830 upang ilarawan ang panahon bago ang pagsusulat, at ang salitang prehistoric o prehistoriko ay ipinakilala ni Daniel Wilson sa Ingles noong 1851.

Maaaring gamitin ang katawagang “prehistorya” o “bago ang kasaysayan” upang tukuyin ang lahat ng mga panahon magmula ang simula ng sanlibutan, bagaman mas madalas itong ginagamit para tukuyin ang saklaw ng panahon magmula noong lumitaw ang mga nilalang na wangis-tao. Sa paghahati ng prehistoryang pangtao, karaniwang ginagamit ng mga prehistoryano (mga arkeologo) ang sistema ng tatlong kapanahunan, habang ginagamit naman ng mga dalubhasa ng mga kapanahunan bago magkaroon ng mga tao ang talagang matukoy o tunay na malarawang (kronostratigrapiya) tala ng bato at ang pandaigdigang nailarawang kalipunan ng istratum na nasa loob ng heolohikong sukatan ng panahon o era. Ang sistema ng tatlong panahon ay ang peryodisasyon o pagpapanahon-panahon ng prehistorya ng tao sa tatlong magkakasunod na mga saklaw ng panahon, na pinangalanan para sa kani-kanilang nangingibabaw na mga teknolohiya sa paggawa ng mga kagamitan o mga kasangkapan: ang Panahon ng Bato, ang Panahon ng Tanso (Panahon ng Tansong Kobre at Panahon ng Bronse), at ang Panahon ng Bakal.

Ang pagkakaroon ng nasusulat na mga materyal (na simula ng katutubong “mga panahong pangkasaysayan” o “mga panahong historiko”) ay pangkalahatang nagkakaiba-iba sa mga kalinangang ikinakategorya sa loob ng maaaring hulihan ng Panahon ng Tanso o sa loob ng Panahon ng Bakal. Lumalalong hindi nililimita ng mga manunulat ng kasaysayan o mga historyano ang kanilang mga sarili sa mga katibayang mula sa mga nasusulat na mga tala at nagsisimulang sumandig sa mga ebidensiyang buhat sa likas at panlipunang mga aghan, kaya’t lumalabo ang pagkakaiba sa pagitan ng mga salitang “kasaysayan” (hitorya) at “bago ang kasaysayan” (prehistorya). Ang ganitong pananaw ay ipinahayag na mga tagapagtangkilik ng malalim na kasaysayan.

1 Paglalarawan

2 Guhit ng panahon ng Daigdig

3 Guhit ng panahon ng mga tao

4 Tingnan din

5 Mga sanggunian

 

Panahong paleolitiko

Ang Panahong Paleolitiko (500,000-10,500 BK) ay ang panahon kung saan karamihan sa kasangkapan ng mga tao ay gawa sa kahoy at madaling masira. Ito ang panahon kung saan ginagamit ang bato bilang kasangkapan ng mga australopithecine. dito ay laganap ang pangangaso at pangongolekta ng mga halaman sa gubat.

Ang Panahon ng Bato o Stone Age] ay isang malawak na kapanahunang prehestoriko (bago sumapit ang nasusulat na kasaysayan) kung kailan at saan gumagamit ang mga tao ng mga bato para sa paggawa ng mga kagamitan o kasangkapan. Karamihan sa mga dalubhasa sa paksang ito ang naghahati sa Panahon ng Bato sa tatlong peryodo: Matandang Panahong Bato (Paleolitiko), Panggitna o Gitnang Panahon ng Bato (Mesolitiko), at Bagong Panahon ng Bato (Neolitiko). Nagmula ang lithic o litiko mula sa salitang Griyego na nangangahulugang “ng bato” at tumutukoy sa mga materyales na ginagamit sa paggawa ng mga kasangkapan at pagbubuo ng mga sandata. Kahit magpahanggang-ngayon mayroon pa ring mga mamamayang namumuhay sa loob ng kanilang kultura na may antas masasabing pagkakaroon pa rin ng “panahon ng bato”. Ilan sa mga halimbawa ang mga aborihines (aborigene) ng Australya at ang mga Taong-Palumpong (Bushmen, mga “tao ng palumpong”) ng Timog Aprika

Paleolitiko. Nanggaling ang mga pangalang ito sa Paleos (matanda), at Lithos (bato). Samakatuwid, ang Paleolitiko ay ang Lumang Bato (Old Stoneage). Ang Paleolitiko ay ang panahon kung saan ang pagbabagong-anyo ng tao ay nakita. Isa sa mga pinakamahalagang pangyayari dito ay ang pagdiskubre ng apoy. Ang mga tao sa Paleolitiko ay mga nomadiko, o walang permanenteng tirahan. Hinahati ang panahong Paleolitiko sa tatlong bahagi: Lower, Middle at Upper. Ang Lower Paleolithic Period ay sinasabing period ng pagbabago ng anyo ng tao. Dito nakita ang isa sa mga pinakamahalagang stage ng tao na tawag ay Australopithecine. Sinasabi ang nahukay na si Lucy ay isang Australopithecine. Ang Middle Paleolithic Period ay sinasabing period ng pagkontrol ng mga Hominid sa kanilang kapaligiran. Sa panahon ring ito nagsimula mag-express ang mga tao ng artistikong mga abilidad. Gumuguhit sila sa mga bato at pinipinta nila ang kanilang mga katawan. Ang Upper Paleolithic Period ay sinasabing period ng pagbuo ng kultura ng mga tao. Sa panahon ring ito umusbong ang mga Cro-Magnon. Sa panahong ito nagbago ang mga gawi, asal at pamumuhay ng mga tao.

ImageImage

 

Panahong Neolitiko

Image

Ito ay ang bahagdan ng ebolusyong kultural kung saan ang mga naiwan ng taong prehistoriko ay yaong mga kasangkapang bato na kininis bago sumapit ang panahong metal.Tatlong pamantayan ang kasama sa kahulugang ito-mga kininis na batong kasangkapan,palayok at agrikultura at domestikasyon ng nga hayop.

Mga Katangian:

  • Nagsimulang magtanim at magsaka ang mga tao.Bunga nito,naging permanente ang paninirahan ng mga tao.
  • Nagsimula ang pagpapalayok. Natutuhan ang paggawa ng mga bagay na gawa sa putik tulad ng bricks na ginagamit sa paggawa ng bahay.
  • Natutuhang pakinisin ang mga magagaspang na bato at ginawang iba’t ibang hugis at laki ayon sa kanilang gamit.
  • Natutuhang gamitin ang mga inaalagaang hayop tulad ng kabayo,baka at asno bilang sasakyan o tagahila ng parago o karuwahe.
  • Nag-iimbak ng maraming bagay hindi lamang para sa sariling gamit kundi upang makipagpalitan ng produkto. Dito nag simula ang sistemang Barter o ang pagpapalitan ng produkto ng mga pangkat ng tao.
  • Nagsimula ang konsepto ng palengke kung saan higit na maayos ang sistema ng palitan ng mga produkto ng mga tao.
  • Ginamit ng Mesopotamia ang buto ng cacao bilang pambayad o pamalit sa mga palengke.

 

ARALIN 18: PANAHON NG PANANAMPALATAYA

 

Early Medieval Cross Bow

 

Sa panahon ng walang katiyakan at pagbaba ng antas ng kaalaman at kabihasnan dulot ng pananalakay ng mga tribung Germanic, nagkaloob ang mga Kristyanismo ng pag-asa. Para sa mga taong naghahanap ng kabuluhan sa kanilang buhay, ang pangako ng Kristyanismo ng buhay na walang hanggan ay naging isang matibay na sandigan ng kanilang panananampalataya. Naging matatag na institusyong panlipunan ang Simbahan at malakas na puwersa sa pagpapanatili ng kaayusan at pag-unlad ng kabihasnan.

 

 

ANG PAGLAKAS NG KRISTYANISMO

Ang doktrina ng Kristyanismo na pagmamahal sa kapwa ay simple ngunit makabuluhang kautusan. Nagbigay ito ng malalim na pananampalataya at pananalig sa pagkakaroon ng isang makapangyarihang Diyos. Samantala, pinasigla ng paniniwala sa buhay na walang hanggan ang mga taong naghahanap ng kabuluhan sa kanilang buhay.

 

Ang mga Unang Simbahan

Ang mga unang simbahan ay payak na samahan. Ito ay binubuo ng mga maliliit na grupo. Ang bawat isa sa mga ito ay tinatawag na ecclesia, na salitang Greek na ibig sabihin ay pagpupulong. Noong wala pang gusali para sa mga unang Kristyano ay nagkikita-kita sa mga tahanan.

                Ang mga unang simbahan ay itinatag sa Jerusalem, Rome, Alexandria, Anitoch, Constantinople at Corinth.

                Ang simbahan sa Rome ay may mahalagang papel sa paglago ng Kristiyanismo. Ito ay itinatag ni Pedro, ang pangunahing apostol ni Hesus. Sinasabi ng tradisyon na si Pedro ay namatay sa Rome bilang martir. Ang paniniwala na ang mga Obispo ng Rome ang mga kahalili ni Pedro ang dahilan kung bakit ang Rome ang naging sentro ng Simbahang Kristiyano.

                Nagsimula ang katawagang Simbahang Katoliko upang tukuyin ang Simbahang Kristiyano sa Kanluran. Ang katagang Katoliko ay nangangahulugang universal o pangkalahatan. Ibig sabihin, si Hesus ay nasa Simbahang Katoliko at ang simbahang ito ay inatasan ni Hesus ng misyon para sa buong sangkatauhan.

 

Isang Panlahat na Pananampalataya

                Ang opisyal na aklat ng mga banal na kasulatan ng Kristiyanismo ay ang Old Testament o Lumang Tipan ng mga Jew at ang 27 na aklat na isinulat nina Mateo (Matthew), Marcos (Mark), Lucas (Luke) at Juan (John) ang bumubuo ng New Testament o Bagong Tipan.

                Sa kanyang paglalakbay sa iba’t-ibang lugar, nakipag-ugnayan si Pablo sa iba pang mga Kristiyano sa pamamagitan ng mga sulat na nagtataglay ng mensahe ng pag-asa at payo. Ang tawag sa mga sulat na ito ay epistle.

 

                Ang opisyal na doktrina o theology ng Simbahang Katoliko ay inilagay sa maayos na panuntunan ng apat na dalubhasang pari – sina Ambrose, Jerome, Augustine, at Gregory.

                Sumulat si Ambrose (circa 333-397) ng mga himno na inaawit sa iba’t-ibang seremonyang Kristiyano. Isinalin ni Jerome (circa 340-420) ang Bibliya sa Latin mula sa orihinal na Greek at Hebrew. Ang kanyang Bibliya ay tinataawag na Vulgate (natapos circa 383) sapagkat ito ay nakasulat sa pang-araw-araw na uri ng wikang Latin. Dahil sa mataas na antas ng pagkakagawa nito, ito ay ginamit nang mahabang panahon sa Europe at nanatiling opisyal na salin ng Bibliya ng Simbahang Katoliko.

                Si Augustine (354-430) na isang dating pagano, ay sumisimbolo ng taimtim na debosyon sa Diyos. Sinulat nya ang tatlo sa pinakamahalagang aklat tungkol sa Kristyanismo – Confessions (circa 397), De Trinitate (399-419), at De Civitate Dei (413-426). Samantala, hinikayat ni Gregory (circa 329-389) ang mga tao na manalig sa kapangyarihan at pagpapala ng Diyos, sa mga biyayang ipinagkaloob ng pagpapakasakit ni Kristo, at kakayahan ng mga sakramento upang iligtas ang taong nagsisisi sa kanyang mga kasalanan.

 

Ang Organisasyon ng Simbahan

                Bagama’t malawak ang lugar na sinakop ng Kristyanismo, mula Jerusalem hanggang Great Britain, ang Simbahang Katoliko ay may organisasyon upang mamahala sa lahat ng usapin nito. Mayroon itong hierarchy o sistema ng pagkakasunod-sunod ng awtoridad o kapangyarihan kung saan ang opisyal ng bawat baiting ay may katapat na tungkulin.

                Ang parokya ang pinakamahabang baiting sa herarkiyang ito. Ang mga pangangailangang pananampalataya ng parokya ay ginagampanan ng pari. Ang mga parokya ay pinagsama-sama upang bumuo ng diocese. Ito ay pinamamahalaan ng Obispo na kadalasan ay nakatira sa malaking bayan sa diocese. Ang Obispo ay may sariling simbahan na tinatawag na cathedral sapagkat naroroon ang kanyang cathedra o trono. Ang kanyang espesyal na tungkuling ay mag-ordina ng mga bagong pari at magkumpil ng mga bagong kasapi ng Simbahan. Ang pinakamahalagan Obispo ay nagiging mas makapangyarihan kaysa sa iba pang Obispo. Ito ang dahilan kung bakit naging kaugalian na gawing metropolis ng isang rehiyon ang lungsod kung saan matatagpuan ang cathedral. Ang Obispo ng ganitong lungsod ay tinatawag na metropolitan o arsobispo. Sila ang namamahala sa iba pang Obispo ng archdiocese.

 

Ang Mga Batas ng Simbahan

                Ang Simbahan ay may mga hukuman upang ipagtanggol ang mahihina at parusahan ang mga nagkakasala. Isinasakdal nito ang mga pari kapag sila ay nagkasala; hinahatulan sila batay sa Canon Law o batas ng simbahan. Ang Canon Law ay hinango sa banal na kasulatan, sa mga sinulat at batas ng mga Papa, at mga alintuntuning gawa ng mga Obispo sa pagpupulong ng Simbahan.

                Sa panahong ito, ang heresy ang pinakamasama sa lahat ng krimen. Ito ay itinuturing na pagkakasala laban sa Diyos at hindi sa lipunan sapagkat ito ay lumalabag sa mga aral ng Simbahan. Ang tawag sa hukuman na itnatag upang hanapin at parusahan ang mga heretic o erehe ay Inquisition. Tinawag na erehe ang mga hindi sumusunod o naniniwala sa mga doktrina at katuruan ng Simbahan.

                Itinatag ang mga unang korte ng Inquisition noong 1231 sa Germany at Aragon, Spain. Ganumpaman, ang Spanish Inquisition ay itinatag lamang noong 1478. Umabot ang Inquisition hangggang Netherlands noong 1522 at maging sa mga kolonya ng Spain sa Mexico at Peru noong ika-16 na siglo. Samantala, ang Roman Inquisition ay itnatag noong 1542.

                Ang mga sandata na ginamit ng Simbahan laban sa mga lumalabag sa mga batas nito ay excommunication o ekskomulgasyon, interdict, at deposition. Sa pamamagitan ng mga ito, lalong lumakas ang kapangyarihan ng Simbahan sapagkat maaaring gamitin ang mga ito laban sa mga sumasalungat o kumakalaban dito at sa mga turo nito.

                Ipinagkakait ng ekskomulgasyon ang mga serbisyo ng Simbahan, kasama ang mga sakramento, sa isang nagkasala. Ipinagbabawal din ng ekskomulagsyon ang pakikihalubilo sa iba pang mga Kristiyano. Kung tumangging talikuran ng isang erehe ang kanyang maling paniniwala, siya ay ibinibigay sa pamahalaang sibil at sinusunog.

                Ang interdict ay pagkakait ng serbisyo ng Simbahan sa lahat ng mamamayan ng isang kahit na isa lamang ang nagkasala. Ito ay ginagawa ng Simbahan upang pilitin ang isang nagkasala na sumuko sa kagustuhan ng Simbahan sa halip na maparusahan ang buong bayan.

                Ang pangatlong sandata ng Simbahan ay ang deposition o pagpapatalsik sa mga hari upang ipawalang-bisa ang pangako ng katapatan sa kanya.

 

Pagtatatag ng Samahang Pransiskano at Dominiko

                Noong ika-13 siglo, dalawang samahan ng mga pari ang itnatag. Sa halip na manirahan sa mga monasteryo, sila ay lumabas sa mundo bilang mga miyonero.

                Ang unang samahang misyonero ay itinatag noong 1210 ni Francis, anak ng isang mayamang mangangalakal. Pinili niyang manirahan sa mga burol sa gitna ng kagandahan ng kalikasan. Ang samahang itinatag niya ay ang Order of Friars Minors (O.F.M). Ang mga kasapi ng samahan ay itinatag na Pransiskano (Franciscan). Sila ay hindi maaaring mag-asawa at magkaroon ng ari-arian. Ang mga Pransiskano ay pagala-gala sa iba’t-ibang lugar habang nananawagan sa mga tao na iwaksi ang kamunduhan.

                Ang pangalawang pangkat ng mga misyonero ay itnatag noong 1216 ni Dominic, isang paring Español. Ang pangalan ng samahahan na itinatag niya ay Order of Preachers (O.P) at ang mga kasapi rito ay tinawag na Dominiko (Dominican). Inilalaan ng mga kasapi nito ang kanilang sarili sa pagtuturo.

 

 

 

Pagtatanggol sa banal na lupain

                Sa loob ng maraming daang taon, ang mga Kristiyano ay malayang pumupunta sa Jerusalem, ang tinaguriang Holy Land o Banal na Lupain. Ito ay upang dalawin ang mga banal na lugar na may kaugnayan sa buhay at kamatayan ni Hesus. Noong 1089 C.E., ito ay sinakop ng mga Seljuk Turk. Dahil dito, mahigpit na ipinagbawal ang pagpasok ng mga debotong Kristiyano sa Simbahan ng Holy Sepulchre kung saan inilibing si Hesus. Binihag din nila ang lungsod ng Antioch sa Syria. Ang Antioch ay isa sa mga una at pinakamalaking sentro Kristiyanismo.

 

Panawagan para sa Krusada

                Humingi ng tulong si Emperador Alexius I (1048-1118) kay Papa Urban II upang sagipin ang Imperyong Byzantine at panatilihin ang Kristiyanismo sa Silangan. Sa pagsakop ng Jerusalem, ang mga Seljuk ay nagkaroon ng pagkakataon na sakupin ang Constantinople. Sa maraming taon, ang lungsod ay nagsilbi bilang tanggulan laban sa mga hamon sa pamamayani ng Kristiyanismo sa Kanlurang Europe.

                Tumawag si Papa Urban II ng koseho noong 1095 sa Clermont upang hikayatin ang libo-libong kabalyero na “kunin ang krus” at maging isang crusader na ang ibig sabihin ay “markado ng krus”. Bilang kanilang gantimpala sa pagpapalayas ng mga Seljuk Turk sa Jerusalem, ipinangako ng Papa ang pagpapatawad sa lahat ng kanilang mga kasalanan, pagkakaroon ng mga lupain sa mga lugar na kanilang sasaqkupin at kalayaan mula sa kanilang pagkakautang.

                Ang panawagan ng Papa ay masiglang tinanggap ng maraming kabalyero sa iba’t-ibang dahilan. Ang iba ay may taimtim na hangad na ipagtanggol ang mga Kristiyanong deboto na nagpupunta sa Jerusalem. Ang iba ay naghahanap ng mapanganib na pakikipagsapalaran. Ang iba naman ay nais takasan ang pagkakautang o ang kanilang kasalanan sa batas. Mayroon ding iba na ang nais ay yumaman.

                Masiglang tinanggap din ng mga mangangalakal ang pagbibigay ng tulong laban sa mga Seljuk Turk. Ang pangamba nila ay ang pagsasara ng kalakalan sa Silangang Mediterranean kung mananatili ang kapangyarihan ng mga Seljuk Turk.

                Sp Papa Urban II ay handa ring tumugon sa hiniling na tulong ng Imperyong Byzantine laban sa mga Seljuk Turk. Siya ay naniniwala sa pangangailangang muling pag-isahin ang Simbahang Roman at ang Simbahang Orthodox. Kung magagawa niya ito, maaari niyang palawigin ang kanyang kapangyarihan sa buong kahariang Kristiyano, palawakin ang mga hangganan nito, at ibalik ang Rome bilang pangunahing lungsod at kabisera ng buong daigdig.

 

Ang Unang Krusada (1096-1099)

                Ang Unang Krusada ay nilahukan ng mahigit 10,000 magbubukid na walng nalalaman at pagsasanay sa pakikidigma. Sila ang unang umalis patungong Jerusalem. Nag-away-away sila nang dumating sila sa Asia Minor. Ang karamihan sa kanila ay madaling tinalo ng mga Seljuk Turk.

                Kabilang din sa Unang Krusada ang 20,000 kabalyero. Karamihan sa kanila ay mga French. Noong 1097, nilusob nila ang Asia Minor. Sa loob ng dalawang taon, kumilos sila patungong timog at silangan hanggang sa makuha ang Antioch. Matagumpay nilang pinasok ang Jerusalem noong Hulyo 15, 1099.

                Sa pagkakapanalo ng mga Kristiyano sa Krusada, nasakop nila ang teritoryo mula sa lambak ng Tigris River hanggang sa mga hangganan ng Egypt. Apat na Crusader States ang itinatag sa lugar na ito. Ang pinakamalaki at pinakamahalaga ay ang Latin Kingdom of Jerusalem. Ang hinirang na pinuno nito ay si Godfrey ng Bouillon na binigyan ng titulo bilang “Tagapagtanggol ng Banal na Sepulkro”. Ang tatlo pang estado ay Edessa, Antioch at Tripoli.

                Dulot ng pagtatatag Crusader States, nanumbalik ang pagdalaw ng mga Europeo sa Holy Land. Nagkaroon muli ng himpilan ang Kristiyanismo rito. Dumagsa rito ang mga debotong Kristiyano. Pabalik-balik dito ang mga barko ng mga mangangalakal na Italian, lulan ang mga mamahalin at piling produkto ng Asya.

                Hindi nagkasundo ang mga pinuno ng Crusader States. Ginawa ng bawat isa na maging malaya sila sa isa’t-isa. Madalas silang nag-away-away at pinagtalunan ang mga lupain na kanilang sinakop.

 

Ang Ikalawang Krusada (1147-1149)

                Noong 1144, ang Edessa ay napasakamay muli ng mga Seljuk Turk. Ang tatlong Crusader States ay nalagay sa malaking panganib sa muling paglakas ng kapangyarihang Muslim. Noong mabalitaan niya ang pagbagsak ng Edessa, tumawag ng isa pang Krusada si Bernard ng Clairvaux noong 1147. Marami ang tumugon sa kanyang paanyaya. Subalit ang mga panginoong may lupa na French at mga German ay hindi nagtiwala sa isa’t-isa. Hiwalay silang umalis ng Europe. Habang patungong Jerusalem, ninakawan nila ang lungsod ng Byzantine. Gumanti ang mga taga-Byzantine sa pamamagitan ng paghahalo ng tisa sa baon nilang harina para hindi na sila makagawa ng kanilang pagkaing tinapay. Isinabak din sila ng mga Byzantine sa mga labanan nang walang paghahanda. Dahil dito, madali silang natalo ng mga Muslim.

 

Ang Ikatlong Krusada (1189-1192)

                Ang Ikatlong Krusada ay nagsimula noong 1189 pagkatapos sakupin ng mga Seljuk Turk ang lahat ng mga Crusader State, maliban sa lungsod ng Tyre. Dalawang taon bago nito, sinalakay at sinakop ang Jerusalem. Nanumbalik ang kapangyarihan ng mga Muslim sa ilalim ng kanilang pinunong si Saladin. Sa loob lamang ng dalawang taon, sinira at pinabagsak ni Saladin ang mga Kristiyanong hukbo sa Jerusalem.

                Tatlo sa pinakadakilang hari ng Europe ang nanguna sa Ikatlong Krusada. Sila ay sina Frederick Barbarossa ng Holy Roman Empire, si Richard the Lionhearted ng England at si Philip Augustus ng France. Tanging si Richardlamang ang humarap kay Saladin sa labanan. Si Frederick Barbarossa ay nalunod habang tumatawid sa isang ilog sa Asia Minor. Si Philip ay bumalik ng France pagkatapos salakayin ang lungsod ng Acre. Sa loob ng dalawang taon, kapwa ipinagtanggol nina Richard at Saladin ang kapakanan ng kani-kanilang pananampalataya. Maramin g ulit na tinagnka no Richard na agawin ang Jerusalem ngunit hindi siya nagtagumpay. Noong 1192, lumagda sa isang kasunduan ang dalawa kung saan ang Jerusalem ay mananatili sa kamay ng mga Muslim. Gayunpaman, binigyan ang mga debotong Kristiyano ng karapatang pumunta sa Jerusalem at manatili sa ilang bayan ng baybay-dagat.

 

Ang Ikaapat na Krusada (1202-1204)

                Noong 1198, tumawag ng Krusada si Papa Innocent III upang ibalik ang dating dakilang karangalan ng Jerusalem. Sa halip na tumungo sa Jerusalem at labanan ang mga Muslim, sinalakay ng mga crusader ang Constantinople. Ito ay dahil na rin sa panghihikayat ng mga mangangalakal ng Venice na kailangang ibalik sa pananampalatayang Katoliko ang mga Kristiyanong Orthodox. Ang tunay na pakay ng mga mangangalakal ng Venice ay gawing mahina ang Constantinople upang maghari ang Venice sa kalakalan sa Silangang Mediterranean. Sinakop ng mga crusader ang Constatinople noong 1203 at naglagay ng sarili nilang emperador sa trono. Sinira nila ang altar ng Hagia Sophia at kinuha ang mga ginto at alahas nito. Hinalughog din nila ang mga aklatan at museo at ninakaw ang mararangyang yaman sinig ng Byzantine. Sinakop naman ng Venice ang pulo sa Aegean Sea.

 

Resulta ng mga Krusada

                Nabigo ang mga Krusada na makamit ang pangunahing layuni nito na baqiin ang Jerusalem at sirain o talunin ang Islam.

                Lubos na nanghina ang Imperyong Byzantine. Ang dating sigla at sigasig ng Byzantine ay sinira ng pakikipaglaban sa mga Seljuk Turk at pagtatanggol ng kayamanan ng imperyo sa kasakiman ng mga crusader.

                Noong una, pinalaki ng mga Krusada ang kapangyarihan at impluwensya ng mga Papa. Subalit pagkatapos ng trahedya ng Ikaapat na Krusada, ang Simbahan ay tumanggap ng maraming puna at pintas. Marami sa buwis na tinipon ng Simbahan para tustusan ang mga Krusada ay hindi ginamit ng wasto. Sa katapusan, tumulong ang Krusada sa pagpapahina ng kapangyarihan ng mga sumunod na Papa.

                Tinulungan ng mga Krusada ang mga hari upang palawigin ang kanilang kapangyarihan sa iba’t-ibang naghaharing lord o panginoon ng malalaking lupain. Marami sa mga panginoong ito ay namatay sa pakikipaglaban sa mga Muslim. Ang iba ay namulubi sa pagbabayad ng mga pangangailangan sa pagpunta sa Jerusalem. Ginamit din ng mga hari ang Krusada bilang dahilan upang magpataw ng bagong buwis. Ito ang nagbigay sa kanila ng karagdagang salapi upang sugpuin ang kanilang mga suwail na vassal. Ang vassal ay isang taong tumatanggap ng lupa mula sa  lord  kapalit ng pagkakaloob ng serbisyong militar dito.

                Pinaunlad ng mga Krusada ang agham ng pakikidigma. Natutuhan ng mga Europeo ang paggawa ng mga mabigat na armor at mga bagong sandata tulad ng cross bow. Natutong gamitin ng mga Europeo ang armas pandigma mula sa mga panday na Muslim.

                Pinabilis ng mga Krusada ang pag-unlad ng kalakalan sa pagitan ng Silangan at ng Kanluran. Noong una, ang seda, pampalasa o rekado at asukal na dinala ng mga crusader pabalik sa Europe ay itinuturing na luho na angkop lamang para sa mayayaman. Subalit pagkatapos ng mga Krusada, kinilala ng mga Europeo ang gamit ng mga ito sa pang-araw-araw na buhay ng mga karaniwang tao.

                Ang mga Krusada ay nagdulot ng panibagong sigla sa paghahanap ng mga bagong ruta ng kalakalan at pag-usbong ng mga baying pangkomersiyo. Ang Venice ay isa sa mga lungsod na nakinabang sa mga Krusada. Ang malaking bahagi ng salapi na itinustos ng Venice sa Renaissance ay galling sa pag-unlad ng kalakalan nito sa Silang Mediterranean noong panahon ng Krusada.

                Tumulong ang mga Krusada sa pagtuklas ng mga Europeo sa Asya. May ilang crusader na naglakbay pasilangan at narrating ang Persia. Sa pagbabalik nila sa Europe, gumawa sila ng mga mapa at sumulat ng mga aklat na patnubay tungkol sa mga lugar na narrating nila. Ang mga aklat at mga mapang ito ay naghikayat sa iba upang sundan ang kanilan mga yapak.

 

PAG-USBONG NG KULTURANG KRISTIYANO

Sa panahon ng Middle Ages, umusbong ang isang bagong kabihasnan – ang kabihasnag Europeo. Nabuo ito dahil sa tatlong salik – ang pamana ng kabihasnang Roman; ang kultura ng tribong Germanic na lumusob sa Kanlurang Europe; at ang kultura ng Simbahang Katoliko.

                Mahalaga ang papel ng Simbahan noong Middle Ages. Sinikap ng Simbahan na panatilihin at palaganapin ang kabihasnang Kanluranin. Ito ang dahilan kung bakit umikot sa Simbahan ang buhay ng mga tao noong Middle Ages.

 

Ang kaayusang Panlipunan

                Ang institusyong panlipunan noong Middle Ages ay ang Simbahan. Laganap ang Kristiyanismo sa Kanluran at Gitnang Europe. Samakatuwid, ang mga mamamayan dito ay mga kasapi  ng Simbahan.

                Ang kapangyarihan ng Simbahan ay napanatili sa pamamagitan ng isang organisadong sistemang administratibo. Ang impluwensyang ito ay umabot sa lahat ng parokya. Marami sa mga gusali sa mga bayan ay pag-aari ng Simbahan. Ang mga katedral, monasteryo, ospital at kolehiyo ay bahagi ng malawak na organisasyon ng Simbahan.

                Responsibilidad ng Simbahan na subaybayan at alalayan ang mga kilos at pag-uugali ng mga tao. Ang mga pang-araw-araw na gawain ng mga paaralan at ospital ay pinangangasiwaan ng Simbahan. Pinamahalaan din ng Simbahan ang pagpapagawa ng mga tulay, lansangan at iba pang imprastraktura.

 

Ang Simbahan Bilang Tagapagtanggol ng Kabihasnan

          Sa panahon ng pananalakay ng mga tribung Germanic, tinupad ng Simbahan ang tungkuling ipagtanggol ang mahihina at parusahan ang mga nagkakasala. Ang sinumang tumatakas upang ipagtanggol ang kanyang buhay ay nakahahanap ng kanlungan (right of sanctuary) sa anumang simbahan.

                Ginampanan ng mga Papa ang ilan sa mga kapangyarihan ng mga dating emperador ng Imperyong Roman. Nagtatag ang Simbahan ng mga hukuman. Pinahintulutan nito ang paniningil ng buwis. Nang maging Papa si Gregory the Great mula 590 hanggang 604 C.E., pinamahalaan niya ang pulisya, nagpagawa siya ng pera, at pinaayos niya an gang mga aqueduct o sistema ng mga tubo na naghahatid ng tubig sa kabahayan.

 

Edukasyon

                Lahat ng karunungan sa panahong ito ay amy kaugnayan sa Simbahan. Ang sentro ng karunungan ay mga monasteryo at katedral. Ang edukasyon ay bukas lamang para sa mga nagbabalak maging pari. Halos hindi binigyan ng pansin ng Simbahan ang kakulangan ng karunungan ng marami. Sa takot na maging daan ng maling paninniwala ang edukasyon, hinahadlangan ng Simbahan ang pagkakaroon ng karunungan ng pangkaraniwang tao.

                Grammar School. Pagkatapos matutuhan kung paano bumasa at sumulat sa sariling wika, ang unang hakbang patungo sa pagiging pari ay ang pag-aaral ng wikang Latin. Kailangan ang pagsasanay sa Latin sapagkat ito ang wika ng Simbahan at ng lahat ng karunungan. Kasunod na pinag-aaralan ang pitong liberal arts: grammar, rhetoric, at logic sa mababang antas; at arithmetic, geometry, music at astronomy sa mataas na antas.

                Unibersidad. Ang unibersidad ay isang samahan ng mga maestro o dalubhasa sa sining. Ang pag-aaral dito ay tumatagal ng pitong taon. Pagkatapos kunin ang ilan sa mga kinakailangang paksa, ang mga mag-aaral ay kumukuha ng isang pagsusulit. Kung sila ay pumasa, sila ay ginagawaran ng titulong Bachelor of Arts. Ang susunod na antas ay ang paggawa ng isang masterpiece sa anyo ng isang aralin o panukalang pang-akademya na kailangan nilang ipagtanggol. Kung matagumpay nilang magawa ito, sila ay maaaring tanggapin sa samahan at maging ganap na maestro ng sining.

                Ang bawat maestro ay may sariling lupon ng mga mag-aaral. Sa kanya nagbabayad ang mga mag-aaral. Noong una, ang mga mag-aaral ay tumitira sa mga paupahang silid. Nang lumaon, naging kaugalian ng mga mag-aaral na manirahan sa mga pribadong dormitoryo.

 

Pilosopiya

                Noong Middle Ages, ang malaking bahagdan ng karunungan ay nakatuon sa teolohiya (theology) o ang pag-aaral tungkol sa Diyos at sa mga doktrina ng pananampalataya. Nilikha sa panahong ito ang pilosopiyang pananampalataya na tinatawag na scholasticism. Ito ay isang teolohikal at pilosopikal na pamamaraan kung saan pinagsanib ang turo ng Kristiyanismo at ang mga pilosopiya nina Aristotle at Plato. Ito ay nangangahulugang susuriin ang iba’t-ibang opinyon at kadahilanan at hahanap ng angkop na solusyon gamit ang lohika. Ilan sa mga kilalang pangalan sa panahon ng scholasticism ay sina Bernard ng Clairvaux, Peter Abelard, Albertus Magnus at Thomas Aquinas.]

                Bernard ng Clairvaux (1090-1153). Ayon kay Bernard, ang mundo ay isang patibong at panlilinlang samantalang ang tao ay mahihina at hindi kayang iwaksi ang tukso. Ang payo niya ay itakwil ang mudo at sa halip ay manalig sa Diyos at tanggapin nang walang alinlangan ang kanyang salita at pagmamahal.

                Peter Abelard (1079-1142). Si Abelard ay naniniwala na katuwiran at hindi pananampalataya ang dapat maging gabay ng tao sa paghahanap ng karunungan.

                Albertus Magnus (circa 1200-1280). Ang pilosopiya ni Albertus Magnus ay hinubog ng pag-aaral kay Aristotle. Naniniwala siya na ang pinakakahanga-hangang karunungan ay sumibol sa Greece. Katulad ni Aristotle, sinubaybayan ng mga Greek ang kaganapan sa daigdig at tinangka nilang ilagay ang mga ito sa isang makatuwirang paraan. Nakilala ng mga Greek ang Diyos hindi sa pamamagitan ng Bibliya kung hindi sa karunungan na dulot ng pangangatuwiran o reasoning. Bagama’t may mga misteryo ang pananampalatayang Kristiyano batay sa salita ng Diyos, may naipaliliwanag din naman gamit ang katuwiran.

                Thomas Aquinas (1225-1274). Sinabi ni Aquinas sa kanyang aklat na Summa Theologica (1266-1273) na may dalawang uri ng karunungan. Ang una ay nagmumula sa revelation o salita ng Diyos at ito ay nalalaman sa pamamagitan ng Bibliya, tradisyon, at ng Simbahan. Ang pangalawa ay nagmumula sa katuwiran. Ang dalawa ay maaaring pagsamahin sapagkat maaaring gamitin ang katuwiran upang ipaliwanag at ipaalam ang mga turo ng Diyos.

 

Panitikan

                Ang unang panitikan ng Middle Ages ay ang panitikan ng Kristiyanismo. Isang halimbawa nito ay ang Vulgate, ang salin ni Jerome ng Bibliya sa Latin.

                Ang The Divine Comedy (circa 1307) ni Dante ay kuwento ng isang likhang-isip na paglalakbay sa impiyerno,purgatory at langit. Sa katapusan, pumasok si Dante sa paraiso kung saan nalaman niya ang mga nakatagong katotohanan tungkol sa teolohiyang Kristiyano.

                Ang The Canterbury Tales ni Geoffrey Chaucer, na isinulat noong ika-14 na siglo, ay isang pasalaysay na tula na naglalarawan sa banal na paglalakbay ng isang grupo ng peregrine o peregrine sa damban ni St. Thomas Becket sa Canterbury Cathedral.

 

Dula

                Ang tampok na uri ng palabas noong Middle Ages ay ang mystery play. Ang paksa nito ay mga kuwento sa Bibliya o buhay ng mga santo na ginaganap sa labas ng simbahan o sa bukas na teatro. Ang mga nagsisiganap dito ay kasapi ng parokya.

                Ang isa pang uri ng palabas ay morality play. Ang mga actor dito ay kumakatawan sa mga birtud ng kabutihan at kasamaan. Ang paksa ng palabas ay ang hidwaan ng dalawang magkaibang puwersa.

 pisaplan

Arkitektura

                Ang karamihan sa mga bagong gusali ng panahong ito ay mga simbahan. Ang ginamit na modelo para sa mga simbahan ay ang mga silid-hukuman sa Rome na kung tawagin ay basilica. Ang hugis ng mga simbahang ito ay rektanggulo na may mataas na kisame. Ang pahabang gitnang bahagi ng Simbahan mula sa pintuan hanggang sa harapan kung saan nakaupo ang mga mananampalataya ay tinatawag na nave. Sa isang dulo ng nave matatagpuan ang medyo pabilog na bahagi na tinatawag na apse kung saan matatagpuan ang altar.

                Mula sa payak na struktura, ang mga simbahan sa mga sumunod na taon ay naging higit na detalyado. Ang mga bubong na yari sa kahoy ay ginawang yari sa tisa.

                Ang isa pang estilo ng mga simbahan at katedral noong Middle Ages ay Gothic. Ang pangunahing katangian ng estilong Gothic ay ang mataas at patusok na arch para sa bubong. Ang bigat ng bubong ay sinasalo ng mga batong tukod o buttress sa labas ng gusali. Ang pader ay hindi gaanong makapal. May mga bintana sa ibang bahagi ng pader. Ang mga bintana ay napapalamutian ng mga salaaming may iba’t-ibang kulay. Sa tulong ng mga bintana, ang loob ng simbahan ay maliwanag at maaliwalas.

                Ipinakita ng arkitektura ng Middle Ages na ang simbahan ay ang tahanan ng Diyos at pintuan ng langit. Ito ang dahilan kung bakit matatagpuan sa lahat ng sulok ng Europe ang mga naglalakihang simbahan at katedral. Ito rin ang dahilan kung bakit madaling magbigay ng salapi, kasanayan at panahon ang mga tao para sa pagpapatayo ng mga simbahan at katedral.

 

Sining

                Ang loob ng basilica ay puno ng mga ukit at mosaic. Ang pagpapaganda sa basilica ay binibigyan ng di-pangkaraniwang pagsisikap at pagpupunyagi ng mga tao. Ito ay kinakailangang napapalamutian sa paraang angkop sa pinakadakila sa lahat ng mga hari.

                Malaking bahagi rin ng sining ng panahong ito ang paggamit ng simbolo. Halimbawa, ang ulo ng santo ay napalilibutan ng ginto upang ipahiwatig ang kabanalan nito. Ang simbahan ay inihahambing sa isang barko na nagdadala sa mga nananalig patungo sa kaligtasan. Si Hesus ay kadalasang inilalarawan bilang pastol samantalang ang mga tupa ay ang kanyang mga tagasunod.

 

 

 

Pagbubuod

ü  Ang mga unang Simbahang Kristiyano ay binubuo ng maliliit na pangkat na tinatawag na ecclesia na ang ibig sabihin ay pagpupulong.

ü  Ang mga unang simbahan kung saan nagpupulong at nagkikita-kita ang mga unang Kristiyano ay itinatag sa Jerusalem, Romw, Alexandria, Antioch, at Corinth.

ü  Naging mahalagang salik sa pag-unlad ng Kristiyanismo ang pagiging mga ritwal, pagdiriwang, sakramento, awit, at dasal.

ü  Mahalaga ang Krusada sa kasaysayan ng ugnayang Kristiyano at Muslim.

ü  Ang kultura noong panahon ng Middle Ages ay hinubog ng Kristiyanismo; ang mga aspekto ng edukasyon, wika, panitikan, arkitektura, pilosopiya, dula, at sining ay umikot sa pananampalatayang Kristiyano.

 

 

 

 

Submitted by:       Shane Morla

Leslie Jane Enoc

ARALIN 6: ANG KABIHASNANG INDUS SA TIMOG ASYA

ANG KABIHASNANG INDUS SA TIMOG ASYA

 Ang Timog Asya ay isang malawak na tangway na hugis tatsulok. Sa sinaunang panahon, ang Timog Asya ay tumutukoy sa subkontinente ng India.
Sa ngayon, binubuo ito ng maraming bansa, kabilang ang
·       India
·       Pakistan
·       Bangladesh
·       Afghanistan
·       Bhutan
·       Sri Lanka
·       Nepal at
·       Maldives
Ang rehiyong ito ay kakaiba sa aspetong heograpikal at kultural kung ihahambing sa ibang panig ng Asya. Dahil dito, madalas ding tawagin ang lugar na ito bilang subkontinente ng India. Kahit pa ang rehiyong ito ay nahihiwalay sa Silangang Asya dahil sa Himalayas.
   Sinasabing mahirap lubusang mabatid ang matandang kasaysayan ng India lalo pa’t ang malaking bahagi nito ay hindi itinala ng mga sinaunang Indian. Maaaring makahukay ang mga arkeologo ng mga kasangkapang ginamit ng mga sinaunang Indian subalit hanggang sa kasalukuyan ay hindi pa rin nauunawaan ng mga iskolar ang mga naiwang sistema ng pagsulat ng matandang kabihasnan ng India.

HEOGRAPIYA NG LAMBAK NG INDUS

  Ang mga lungsod sa lambak ng Indus ang pinakabagong tuklas na mga sinaunang sentrong kabihasnan sa kasalukuyang panahon. Ang mga labi ng dalawang lungsod sa Indus River ay natagpuan ng mga arkeologo noong dekada 1920, ang lungsod na Mohenjo-Daro at Harappa. Ang mga lugar na ito, gayundin ang lipunang nabuo rito, ay kasabay halos ng pag-usbong ng Sumer noong 3000 B.C.E.
   Ang lupain sa Indus ay mas malawak kung ihahambing sa sinaunang Egypt at Mesopotamia sapagkat sakop nito ang malaking bahagi ng hilagang-kanluran ng dating India at ang lupain kung saan matatagpuan ang Pakistan sa kasalukuyan. Sa kasalukuyan, tinatayang mahigit sa 1000 lungsod at pamayanan ang natatagpuan dito, particular sa rehiyon ngIndus River sa Pakistan.
Indus River – sa baybayin na ito umusbong ang kabihasnan sa
India.
   Ang tubig ng ilog dito ay nagmumula sa malayelong kabundukan ng Himalayas sa katimugang Tibet. Ito ay may habang 1000 milya na bumabagtas sa Kashmir patungong kapatagan ng Pakistan.
   Katulad sa Mesopotamia, ang pagkakaroon ng matabang lupa ay nagging mahalaga sa pagsisimula ng mga lipunan at estado sa sinaunang India. Sa pagitan ng Hunyo at Setyembre bawat taon, ang pag-apaw ng ilog ay nagdudulot ng pataba sa lupa at nagbibigay-daan upang malinang ang lupain.
   Daang-daang pamayanan ang matatagpuan sa lambak-kapatagan ng Indus sa pagsapit ng 3000 B.C.E. ang karamihan sa mga ito ay maliliit na pamayanang may tanggulan at may maayos na mga kalsada. Sa sumunod na limang siglo, nagkaroon din ng mga kanal pang-irigasyon at mgaistrukturang pumipigil sa mga pagbaha.
Pari – ang mga pangunahing namumuno sa lipunan at
nagsisilbing tagapamagitan sa tao at kanilang mga diyos.
   Kapuna-punang wala ni isa mang pinuno mula sa sinaunang kabihasnang Indus ang kilala sa kasalukuyan. Ito ay dahil sa wala itong iniwang mga tala at larawan at tila hindi nangailangang ipagmalaki ang kanilang mga ginawa. Isa pang katakataka ay ang kawalan ng mga naiwang monument o istruktura mula sa sinaunang India na maaaring maihalintulad sa zigurrat ng Mesopotamia at pyramid ng Egypt.
   Sa kasalukuyan, ang India ay isa lamang sa mga bansa sa Timog Asya. Subalit kung susuriin, ang buong tangway ay tahanan at pinag-usbungan ng sinaunang kabihasnang namumukod-tangi sa iba.

ANG KABIHASNANG INDUS


   Ang mga lungsod sa lambak ng Indus ang pinakabagong tuklas na mga sinaunang sentrong kabihasnan sa kasalukuyang panahon. Ang mga labi ng dalawang lungsod sa Indus River ay natagpuan ng mga arkeologo noong dekada 1920, ang lungsod na Mohenjo-Daro at Harappa. Ang mga lugar na ito, gayundin ang lipunang nabuo rito, ay kasabay halos ng pag-usbong ng Sumer noong 3000 B.C.E.
   Ang lupain sa Indus ay mas malawak kung ihahambing sa sinaunang Egypt at Mesopotamia sapagkat sakop nito ang malaking bahagi ng hilagang-kanluran ng dating India at ang lupain kung saan matatagpuan ang Pakistan sa kasalukuyan. Sa kasalukuyan, tinatayang mahigit sa 1000 lungsod at pamayanan ang natatagpuan dito, particular sa rehiyon ngIndus River sa Pakistan.
Indus River – sa baybayin na ito umusbong ang kabihasnan sa
India.
   Ang tubig ng ilog dito ay nagmumula sa malayelong kabundukan ng Himalayas sa katimugang Tibet. Ito ay may habang 1000 milya na bumabagtas sa Kashmir patungong kapatagan ng Pakistan.
   Katulad sa Mesopotamia, ang pagkakaroon ng matabang lupa ay nagging mahalaga sa pagsisimula ng mga lipunan at estado sa sinaunang India. Sa pagitan ng Hunyo at Setyembre bawat taon, ang pag-apaw ng ilog ay nagdudulot ng pataba sa lupa at nagbibigay-daan upang malinang ang lupain.
   Daang-daang pamayanan ang matatagpuan sa lambak-kapatagan ng Indus sa pagsapit ng 3000 B.C.E. ang karamihan sa mga ito ay maliliit na pamayanang may tanggulan at may maayos na mga kalsada. Sa sumunod na limang siglo, nagkaroon din ng mga kanal pang-irigasyon at mgaistrukturang pumipigil sa mga pagbaha.
Pari – ang mga pangunahing namumuno sa lipunan at
nagsisilbing tagapamagitan sa tao at kanilang mga diyos.
   Kapuna-punang wala ni isa mang pinuno mula sa sinaunang kabihasnang Indus ang kilala sa kasalukuyan. Ito ay dahil sa wala itong iniwang mga tala at larawan at tila hindi nangailangang ipagmalaki ang kanilang mga ginawa. Isa pang katakataka ay ang kawalan ng mga naiwang monument o istruktura mula sa sinaunang India na maaaring maihalintulad sa zigurrat ng Mesopotamia at pyramid ng Egypt.
   Sa kasalukuyan, ang India ay isa lamang sa mga bansa sa Timog Asya. Subalit kung susuriin, ang buong tangway ay tahanan at pinag-usbungan ng sinaunang kabihasnang namumukod-tangi sa iba.

ANG PANAHON VEDIC

Ang mga Aryan ay nagtungo pakanluran sa Europa at patimog-silangan sa Persia at India. Sa mga rehiyong ito nila dinala ang wikang ngayon ay tinatawag na
Indo-European – ang makabagong wika tulad ng Hindi at
Bengali ay nag-ugat dito.
Samantala, dinala nila sa India ang
Sanskrit – ang wikang klasikal ng panitikang Indian.
Arya – ang salitang ito ay isang terminong linguistic.
              Sa kalaunan, ang katagang ito ay ginamit upang
tukuyin ang mga pangkat ng tao o lahi.
           – ay nangangahulugang “marangal” o “puro” sa wikang
              Sanskrit.
   Ang kaalaman ukol sa unang milenyong pamamalagi at pamamayani ng mga Aryan sa hilaga at hilagang-kanlurang India ay hango sa apat na sagradong aklat na tinatawag naVedas.
Vedas – ay isang tinipong akda ng mga himnong pandigma,
mga sagradong ritwal, mga sawikain at salaysay.
   Masasaksihan sa Vedas kung paano namuhay ang mga Aryan mula sa pagitan ng 1500 B.C.E. hanggang 500 B.C.E.. Ang mga panahong ito ay tinatawag din bilang Panahong Vedic.
   Dinala ng mga Aryan ang kanilang mga diyos (na kadalasa’y mga lalaki at mapandigma) at kulturang pinangingibawan ng mga lalaki. Ang kanilang kaparaanan ay unti-unting umangkop sa mga diyosa at kultura ng sinaunang India. Sa pagsapit ng1100 B.C.E., tuluyang nasakop ng mga Aryan ang hilagang bahagi ng India.
   Ang lipunan ng mga sinaunang Aryan ay mayroon lamang tatlong antas;
·       ang mga maharlikang mandirigma
·       mga pari; at
·       mga pangkaraniwang mamamayan
   Kapansin-pansing ang bawat kasapi ay maaaring makalipat patungo sa ibang antas ng lipunan. Ang isang mandirigma ay pinipili upang pamunuan at pangasiwaan ang pang-araw-araw na pamumuhay ng mga tao.
   Subalit ang kanilang pagsakop sa lambak ng Indus ay nagdulot ng malaking pagbabago sa kanilang pamumuhay. Ang kanilang lipunan ay naging mahigpit at masalimuot nang lumaon. Nagkaroon ng pagtatatag ng maliliit na imperyo samantalang ang pagiging pinuno ay nagsimulang mamana.
   Sa pagtatapos ng Panahong Vedic, naging mas makapangyarihan din ang mga kaparian kung ihahambing sa mga mandirigma. Ito ay dahil sa naging mahalaga ang kaayusang itinuturo ng kanilang paniniwala ukol sa mga tao at mga diyos. Mahalaga ang mga ritwal at sakripisyo upang hindi mawasak ang kaayusan sa kalawakan.
   Nang lumaon, nabuo ang tinatawag na sistemang caste sa India. Ang katagang ito ay unang ginamit ng mga Portuguese na nakarating sa India noong ika-16 na siglo.
Caste – ang terminong ito ay hango sa salitang casta na
                nangangahulugang “angkan”.
Antas ng tao sa lipunan
1.    Brahmin (brak’-min) – mga kaparian
2.    Kshatriya (ksha-tri-yaz) – mga mandirigma
3.    Vaisya (vi-shyas) – ang mga pangkaraniwang mamamayan na
                                      maaaring mga mangangalakal, artisano,
                                        magsasaka  at iba pa;
4.    Sudra (shoo’-draz) – pinakamababang uri sa lipunan na
                                        maaaring ang mga nasakop na mga
Indian at maging ang mga inanak o
inapo ng Aryan na nakapag-asawa ng
hindi Aryan.
   Maliban pa rito, meron din isang antas na tinatawag na
outcaste o mga untouchable – isang malaking pangkat ng mga
tao na tinuturing  nilang hindi
kabilang sa lipunan.
                                                     – Sila ang pinakamababa sa mga
      antas ng tao.
–         Ilan sa mga Gawain ng mga taong kasapi rito ay angpaglilinis ng kalsada, pagsusunog ng mga patay at pagbitay sa mga kriminal.
–         Ang mga trabahong ito ay itinuturing nilang pinakamababa sa lipunan.
 

 

 

 

 

 

ARALIN 16

 

KABIHASNAN SA AFRICA AT MGA PULO SA PACIFICImage

 

  • Ø HEOGRAPIYA NG AFRICA

 

         Mahalaga ang papel ng heograpiya kung bakit ang Africa ay huling pinasok at huling nahati-hati ng mga Kanlurang bansa. Tinawag ito ng mga Kanuranin na “dark continent” dahil hindi nila ito nagalugad kaagad.

           Ang pinakamainit at pinakamaulang  bahagi ng Africa ay yaong malapit sa equator . Matatagpuan dito ang rainforest o isang uri ng kagubatan kung saan sagana ang ulan at ang mga puno ay malalaki, matataas, at may mayayabong na dahon. Sa hangganan ng rainforest ay ang savanna, isang bukas at malawak na grassland o damuhan na may puno. Sa grassland sa hilaga ng equator matatagpuan ang rehiyon ng Sudan. Sa bandang hilaga naman ng rehiyon ng Sudan makikita ang Sahara, ang pinakamalaki at pinakamalawak na disyerto sa buong daigdig. Ang Sahara na malaki pa sa Europe ay hindi natitirhan maliban sa mga oasis nito. Ang oasis ay lugar sa disyerto kung saan may matabang lupa at tubig na kayang bumuhay ng halaman at hayop. Tanging sa oasis lamang may mga maliit na pamayanan sa Sahara.

  • Ø ANG KALAKALANG TRANS-SAHARA

 

           Ang mga mangangalakal mula sa Carthage ay pumunta sa Sahara upang mamili ng mga hayop tulad ng unggoy, leon, elepante, at mga mamahaling hiyas. Iba’t-ibang grupo ng mga tao ang nagtayo ng mga pamayanan sa mga lugar na dinaraanan ng kalakalan.

 

  • Ø  ANG PAGPASOK NG ISLAM SA KANLURANG AFRICA

 

           Ang Islam ay ipinalaganap ng mga Berber, mga mangangalakal sa Hilagang Africa. Pumupunta sila sa Kanlurang Africa upang bumili ng ginto  kapalit ng mga aklat, tanso, espada, seda, kaldero, at iba pa.

Image

 

  • Ø KABIHASNAN SA AFRICA

 

           Ang Kanlurang Africa ay naging tahanan din ng mga unang kabihasnan. Dito umusbong ang imperyo ng Ghana, Mali, at Songhai.

 

 

 

  • Ø  ANG AXUM BILANG SENTRO NG KALAKALAN

 

           Ang kaharian ng Axum ay sentro ng kalakalan noong 50 C.E. Malawak ang pakikipagkalakalan nito at sa katunayan, ito ay may pormal na kasunduan ng kalakalan sa mga Greek.

Isang resulta ng malawakang kalakalan ng Axum ay ang pagtanggap nito ng Kristyanismo. Naging opisyal na relihiyon ng kaharian ang Kristyanismo noong 395 C.E.Image

 

  • Ø ANG IMPERYONG GHANA

 

           Ang Ghana ang unang estadong naitatag sa Kanlurang Africa. Sumisimbolo ang isang malakas na estado sa rehiyong ito dulot ng lokasyon nito sa timog na dulo ng kalakalang Trans-Sahar. Nagkaroon sa Ghana ng malaking pamilihan ng iba’t-ibang produkto tulad ng ivory, ostrich, feather, ebony, at ginto.Image

 

               

  • Ø  IMPERYONG MALI

 

           Ang Mali ang tagapagmana ng Ghana. Nagsimula ang Mali sa estado ng Kangaba, isa sa mahalagang outpost ng Imperyong Ghana.

Katulad ng Ghana, ang imperyong Mali ay yumaman sa pamamagitan ng kalakalan.

  • Ø  ANG IMPERYONG SONGHAI

 

           Simula pa noong unang ikawalong siglo ang Songhai ay nakikipagkalakalan na sa mga Berber na taon-taon ay dumarating sa mga ruta ng kalakalan sa Niger River.

           Sa pamamagitan ng Gao at ng Timbuktu, nakipagkalakalan ang Songhai sa Algeria. Dahil dito, nakapagtatag ng ugnayan ang Songhai sa iba pang bahagi ng Imperyong Islam.

 

 

  • Ø  MIGRASYONG AUSTRONESIAN

 

           Magkaugnay ang sinaunang kasaysayan at kultura ng mga pulo ng Pacific at Timog Silangang Asya. Ito ay dahil ang nandayuhan at nanahanan. Sa dalawang rehiyong ito ay mga Austronesian. Ang Austronesian ay tumutukoy sa nga taong nasasalita ng wikang nabibilang sa Austronesian o Malayo-Polynesian. Ito ang pinakamalaking pamilya ng wika sa daigdig.

 

 

 

 

 

 

 

  • Ø  MGA PULO SA PACIFIC

 

           Ang mga pulo sa Pacific o  Pacific Island  ay nahahati sa tatlong malalaking pangkat- ang Polynesia, Micronesia, at Mealnisia. Ang mga katawagang ito ay iginawad ng mga Kanluranin matapos nilang makita ang kaayusan ng mga pulo at ang anyo ng mga katutubo nito.

 

v       POLYNESIA

 

           Ang Polynesia ay matatagpuan sa gitna at timog na bahagi ng Pacific Ocean na nasa Silangan ng        Melanesia. Ang Polynesia ay higit na malaki kaysa pinagsamang lupain ng Melanesia at Micronesia.

Ang Polynesia ay binubuo ng New Zealand, Easter Island, Hawaii, Tuvalu, Wallis and Futuna, Tonga, Tokelau, Samoa, American Samoa, Niue, Cook Island, French Polynesia, Austral Islands, Society Islands, Tuamotu, Marquesas, at Pitcairn.

 

v       MICRONESIA

 

           Ang mga maliliit na pulo at attol ng Micronesia ay matatagpuan sa hilaga ng Melanesia at Silangang Asya. Ang Micronesia ay binubuo ng Caroline Islands, Marianas Islands, Marshall Islands, Gilbert Island (ngayon  ay Kiribati), at Nauru.

 

v       MELANESIA

 

Ang Melanesia ay matatagpuan sa hilaga at silangana bayabay-dagat ng Australia. Ito ay kasalukuyang binubuo ng New Guinea, Bismarck Archipelago, Papua New Guinea, Solomon Islands, Vanuatu (dating New Hebrides), New Caledonia, at Fiji Islands.

Ang mga sinaunang pamayanan dito ay maaaring nasa bayabaying-dagat o sa dakong loob pa. Pinamumunuan ito ng mga mandirigma.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Prepared by: Gienette D. Ramirez

                                                                                            (III-ESEP MEYER)

Aside

ARALIN 5: ANG KABIHASNANG MESOPOTAMIA SA KANLURANG ASYA

HEOGRAPIYA NG MESOPOTAMIA

Ang Mesopotamya , isinalin mula sa Sinaunang Persiko na Miyanrudan “ang Lupain sa pagitan ng mga Ilog”; sa pangalang Aramaic na Beth-Nahrain “Bahay sa Dalawang Ilog”), ay isang lugar sa Timog-kanlurang Asya.Ito ang Iraq at kanlurang Syria sa kasalukuyan. Sa isang mahigpit na pananalita, ito ang kapatagang alluvial na matatagpuan sa pagitan ng mga ilog ng Tigris atEuphrates, binubuo ng mga bahagi ng Iraq at Syria. Sa mas pangkaraniwang gamit, kabilang sa termino ang mga ilog kapatagan nito sa kabuuan at kasama din ang mga napapaligirang teritoryo ng Disyerto ng Arabia sa kanluran at timog, ang Gulpo Persiko sa timog-silangan, ang mga Bundok ng Zagros sa silangan at mga bundok ng Caucasus sa hilaga. Kilala ang Mesopotamya bilang ang lugar ng ilang sa mga pinakamakasaysayang kabihasnan o sibilisasyon sa daigdig.

ANG MGA SUMERIAN

Unang nanirahan sa kapatagan ng Tigris-Euphrates ang mga Sumerians. Ang kanilang pangunahing produkto ay trigo at barley. Maunlad ang kanilang pamumuhay. Ziggurat kung tawagin ang kanilang templo. Sila ay pinamumunuan ng paring-hari o patesi. Cuneiform ang tawag sa sistema ng kanilang pagsulat. Ang ginagamit naman nilang panulat ay ang stylus. Ang mahalagang bagay naman na naiambag nila sa ating kasaysayan ay ang mga gulong.

Ang sumerian ay isang grupo ng tao na tumira sa mesopotamia. Ang mga Sumerian ang pinakaunang mayoryang pangkat na nandayuhan sa Mesopotamia. Nagsimula sila sa mga burol sa silangan. Nakihalubilo sila sa mga orihinal na pangkat ng unang taong nakatira roon hanggang sa nakilinang ng kultura na tinatawag na Sumerian. Maraming mananalaysay ang naniniwala rito sapagkat marami silang mga naimbento na naging kapaki-pakinabang sa kabihasnan.

 

Kontribusyon ng Sumerian:

Unang nakaimbento ng gulong at karwahe na hila ng asno
Paggatas ng baka, paghabi ng mga mamahaling lana at lino bilang kalakal
Nakaimbento ng unang paraan ng pagpapalitan — ang paggamit ng cacao bilang pamalit ng kalakal
Nakaimbento ng unang unang sistema ng panukat ng timbang o haba
Unang lungsod-estado
Paggamit ng prinsipyo ng algebra at ang sistema ng pagbilang na nakabatay sa 60
Kalendaryong lunar na may 12 buwan
Paggamit ng cuneiform at pagsulat sa luwad
Paggamit ng laryo na yari sa luwad (clay tablet)
Dome at vault sa arkitektura at inhenyeriya
Ziggurat
(templo para sa mga diyos), rampa, paggawa ng dike
Pag-oopera
Pugon
Fraction at square root
Prinsipyo ng calculator
Unang organisadong pwersang paggawa
Unang gumamit ng hayop(toro) sa pag-araro

ANG MGA AKKADIAN

Ang Akkad (Sumeryo: Agade; Bibliya: Accad) ay isang dating lungsod at ang rehiyong nakapalibot nito sa gitnang Mesopotamia. Kilala ang mga mamamayan ng Akkad bilang mga Akkadiano. Naging kabisera din ang Akkad ng Imperyong Akkadiano at sumunod ng hilagang bahagi ng sinaunang Imperyong Babilonyo.]Ang lungsod ay maaring matatagpuan sa kanlurang pampang ng Eufrates, sa pagitan ng Sippar at Kish (sa kasalukuyang Irak, mga 50 km sa timong-kanluran ng gitnang Baghdad). Sa kabila ng malawakang paghahanap, hindi pa rin matagpuan ang tiyak na kinaroroonan nito.
Kasaysayan
Ito ang kauna-unahang imperyo naitatag sa buong Asya. itinatag ito ni Haring Sargon noong sirka 2350 BKE. Ang imperyo ay isang malaking estado na binubuo ng mga kaharian at pinamumunuan ng isang tao na karaniwang tinatawag na emperador. Pinag-isa ni Haring Sargon ang mga dating naglalabanang lungsod-estado at pinamahalaan niya nang buong husay ang mga mamamayan nito bilang isang imperyo.[1] Nang mamatay si Sargon, pinalitan siya ng mga mahihinang pinuno (katulad ni Haring Sargon II) na nagbigay-daan sa pagbagsak ng imperyong Akkad.
Mga pamana at imbensyon
Sa ilalim ng mga naging kapalit ng unang Haring Sargon, napaunlad ng mga Akkadiano ang sining ng pagsulat, at nagdisenyo sila ng unang mga pandigmang helmet na yari sa tanso at katad.

– Ang lupain ng Mesopotamia ay karaniwang nakalantad sa pananalakay ng mga nomad at iba pang barbaro mula sa disyerto. Ang mga pangkat na ito, na nagtagumpay sa kanilang pananalakay ay nagtatag din ng mga estado sa lupain.

– Ang mga Akkadian ay pangkat ng mga taong Semitic na pinamunuan ni Sargon I. Si Sargon I ang kinikilalang kauna- unahang imperyo sa daigdig. pinuksa ni Sargon I ang kapangyarihan ng mga Sumerian sa ilalim ni Lugal-zaggisi at pinag isa ang buong Sumeria sa ilalim ng kanyang pamumuno. sakop ng kanyang imperyo ang Fertile Crescent mula Elam, isang sinaunang kaharian sa silangan ng Tigris. Ang Elam sa ngayon ay ang kasalukuyang timog kanlurang Iran. Nang namatay si Sargon I, siya ay pinalitan ng kanyang apo na si Naram-sin (2270-2233 B.C.E.) Ang kaharian ay higit pang pinalawak ni NMaram-sin hanggang sa masakop nito ang hilangang Assyria. Bunga nito, siya ay itinanghal bilang “Hari ng Ika-apat na Bahagi ng Daigdig”.

PINAGMULAN NG SALITANG MESPOTAMIA

Ang mga kasulatan mula sa Mesopotamya (Uruk, makabagong Warka) ay ilan sa mga kilalang pinakaunang kasulatan sa daigidig, nagbibigay sa Mesopotomya ng isang reputasyon sa pagiging “Duyan ng Sibilisasyon“. Kapantay ng mga kasulatang Sumeryong ito angmga hieroglyph ng Ehipto, at ilan sa mga mas matandang kilalang sulat, marahil itinituring bilang pagsusulat na proto (Porma ng sulat ng Sinaunang Europeo), Naqada. Nasasakop ang Mesopotamya ng malawak ng Fertile Crescent – isang rehiyon sa kanlurang asya na may matabang lupain at angkop sa pagsasaka. Ito ay may hugis crescent ng buwan.

GINAWA NINA:

ELLALENE G. LAGOS

MA. CARLA D. GETA

ARALIN 2: ANG KATANGIANG PISIKAL NG DAIGDIG

ISTRUKTURA NG DAIGDIG

Ang diagdig ay binubuo ng crust, ang matigas at mabatong bahagi ng planetang ito. Umaabot ang kapal nito mula 30-65 kilometro (km) palalim sa mga kontinente. Subalit sa mga karagatan, ito ay may kapal lamang na 5-7 km. Sa ilalim ng crust ay ang mantle, isang patong ng mga batong napakainit kung kaya malambot at natutunaw ang ilang bahagi nito. Ang kaloob-loobang bahagi ng daigdig ay tinatawag na core na binubuo ng mga metal tulad ng iron at nickel.

Ang daigdig ay may tinatawag na mga plate o mga malaking masa ng solidong bato. Hindi nananatili ang mga plate sa posisyon nito. Sa halip, ang mga ito ay gumagalaw na tila mga balsang inaanod sa mantle. Ang nangyayaring paggalaw ng mga plate ay napakabagal, it ay umaabot lamang 5 sentimetro (2 pulgada) bawat taon.

HEOGRAPIYA NG DAIGDIG

Ang heograpiya ay isang paksang may napakalawak na saklaw. Ang katagang “heograpiya” ay hango sa salitang greek na geographia. Ang geo ay nangangahulugang “lupa” samantalang ang graphein ay “sumulat”. Samaktuwid, ang heograpiya ay nangangahulugang pagsusulat ukol sa lupa o paglalarawan sa daigdig

Ang heograpiya ay ang pag-aaral tungkol sa mga katangiang pisikal ng daigdig
meron ding halimbawa katulad ng pisikal na kapaligiran,tubig,klima,pag ulan,kagubatan,pangisdaan,minahan,asinan,abakahan,asukalan,niyugan,at pastulan.

Ang heograpiya ay ang aral tungkol sa mundo:
Ang tawag sa agham ng mga lokasyon ng mundo. Nakapokus ita sa distribusyon ng likas na yaman at mga tao sa ibawbaw ng lupa.
Ang heograpiya ay ang pag-aaral sa mundo at lahat ng mga nangyayari dito.
ang heograpiya ng daigdig ay binubuo ng 1/4 na anyong lupa at 3/4 na anyong tubig ng mundo.

LONGHITUD AT LATITUD

 

Ang longhitud ay ang mga pababang linya sa mapa o globo. Ito ang nagbibigay direksyon sa silangan o kanluran. Ang mga longhitud ang ginagamit upang tukuyin ang oras sa bawat bahagi ng mundo. Ang bawat longhitud na isang digri ang layo ay may distansiyang 111.32 km. Sa mga polo nagtatagpo ang mga meridian. Bawat digri ng longhitud ay nahahati sa 60 minuto.
Ang latitude ay ang mga pahalang na linya sa mapa o globo. Ang latitud ang nagbibigay ng lokasyong hilaga o timog ng ekwador. Ito rin ang mga linyang ginagamit upang tukuyin ang klima sa isang bahagi ng mundo. Mayroong 3 pangunahing latitud ang globo:
Ekwador (0)
Tropiko ng Kanser (23.5)
Tropiko ng Kaprikorn (23.5)

ANG KLIMA

Ang daigdig ang tanging planeta sa solar system na kayang makapagpanatili ng buhay. Ang malaking bahagi n gating planeta ay may kaaya-ayang atmospera at sapat na sinag ng araw, init, at tubig upang matustusan ang pangangailangan ng mga halaman at hayop sa balat ng lupa.

Mahalaga ang papel ng klima. Ang klima ay ang kalagayan o kundisyon ng atmospera na karaniwan sa mga malaking rehiyon o lugar sa matagal na panahon.
Pangunahing mga salik sa pagkakaiba-iba ng mga klima sa deaigdig ay ang natatanggap na sinag ng araw ng isang lugar depende sa latitude at panaho, distansya mula sa karagatan, at taas mula sa sea level.

ASYA

Ang Asya ang pinakamalaki Na kontinente at sumasaklaw sa humigit-kumulang na ikatlong bahagi ng mundo. May sukat itong 49,694,700 milya kuwadrado (mi2). Ito ay nahihiwalay sa Europa sa pamamagitan ng isang makinaryang libu-libong linya ang dumadaan buhat sa Bundok Ural patungong Dagat Caspian, Bulubundukin ng Caucasus at sa Dagat Itim (Black Sea). Ang hangganang naghahati sa Africa at Asya ay ang Suez Canal at ang hangganan sa pagitan ng Hilagang Amerika At Asya ay ang Bering Strait. SA hilaga ng Asya ay ang Karagatang Artiko at sa timog nito, ang Karagatang Indian. Ang Karagatang Pasipiko ang nasa silangan ng Asya at sa kanluran nito matatagpuan ang Bundok Ural, Dagat CaspianDagat Itim at Dagat Egeo.

Ang kontinenteng ito ay ang pinakamalaking lupalop sa buong mundo at tinaguriang isa sa pinagsibulan ng mga dakilang Kabihasnan na nagpabago at humubog sa kaisipan at paniniwala ng mga tao sa daigdig nating ito.Ilan sa mga kilalang kabihasnan na nagmula dito sa Asya ay ang kabihasnang TsinaIndia,Mesopotamia, Persia at kabihasnang Armaiko na may dalawang sangay-ang Israel at arabo. Sa Asya rin matatagpuan ang Karagatang IndianDagat Timog Tsina (ang pinakamalaking dagat sa mundo), Karagatang Pasipiko at Karagatang Artiko. Ang Europa ang kadikit nitong continente na pinaghiwalay lang ng mga hangganan ng kabundukan ng URAL, Dagat ng caspian,Itim na dagat at ng kabundukan ng Cawkasus. Ang Suez Canal naman ang siyang hangganan nito bago dumating sa bansang Ehipto ng kontinentengAprika. Sa dami ng mga pangkat ng lahi ng mga tao, ang Asya pa rin ang nangunguna at patuloy na yumayabong sa paglabas nito patungo sa iba pang mga bansa at pagdagsa din dito ng mga ibang lahi ng tao mula sa kontinente ng Europa, Amerika at Afrika.

 

EUROPA

Ang Europa ay isa sa mga pitong kontinente ng mundo. Matatagpuan sa silangan ng Europa ang mga Bulubunduking Ural at Kawkaso, ang Ilog Ural, ang Dagat Caspian, ang Dagat Itim, ng mga daluyan ng tubig na nag-uugnay sa Dagat Itim at Dagat Egeo. Sa hilaga naman, katabi ng Europa ang Karagatang Artiko at ng iba pang mga anyong-tubig. Ang Karagatang Atlantiko ay nasa kanluran naman ng Europa at ang Dagat Mediteraneo ay nasa timog ng kontinente na ito samantalang ang iba pang mga parte ng Dagat na Itim ay matatagpuan sa timog-silangan at ang iba pang daluyan ng tubig. Subalit, ang mga hangganan ng Europa ay na impluwensiyahan ng mga sanhing may kinalaman sa pulitika at kultura ng rehiyon.

Ang Europa, base ng laki at lawak ng lupain, ay ang pangalawang pinakamaliit na kontinente sa mundo na mayroong 10,180,000 kilometrong kuwadrado. Ang mga lupain ng Europa ay ang mga bumubuo ng mahigit 2% ng mundo at mahigit 6.8% ng mga lupain ng mundo. Ang Rusya ay ang pinamalaking bansa sa Europa kung pagbabasehan sa lawak at laki ng lupain at ang Banal na Lungsod ng Batikano ay ang pinakamaliit.

Ang Europa ay isa ring kontinente ng kasaysayan sapagkat ito ang itinuturing na ang lugar na kapangnangakan ng kulturang Kanluranin at dito rin lumaki at lumago ang mga makalumang sibilisasyon ng Sinaunang Roma at ng Sinaunang Gresya. May malaking ginanap na papel ang kontinente ng Europa sa kasaysayan na mapapatunayan sa mga pangyayari at mga naganap rito noong mga iba’t ibang panahon na nakalipas. Mapapatunayan ito sa mga ika-14 at ika-16 na siglo na ang Europa ay may malaking ginanap sa kolonyalismo ng mga iba’t ibang parte ng mundo. Ang Unang Digmaang Pandaigdig at ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig ay nakasentro rin sa Europa. Sa Digmaang Malamig naman, ang Europa ay hinati sa dalawang parte, ang isa na panig sa NATO at isa sa Unyong Sobyet. Sa taong 1991 naman nagawa ang organisasyong Unyong Europeo na naglalayong pagkaisahin ang buong kontinente.

 

Timog Amerika

Ang Timog ay isang kontinente na matatagpuan sa Kanlurang Hemispero sa pagitan ng mga karagatang Pasipiko at Atlantiko.

Kadalasang tinutukoy na kabilang sa Amerika, katulad ng Hilagang Amerika, pinangalan ang Timog Amerika kay Amerigo Vespucci, na ang unang Europeo na nagmungkahi na ang Amerika ay hindi ang Silangang Kaindiyahan, ngunit isang hindi pa natutuklasang Bagong Mundo.

May laki ang Timog Amerika ng of 17,840,000 kilometro kuadrado (6,890,000 milya kuadrado), o nasa 3.5% ng ibabaw ng Daigdig. Noong 2005, tinatayang nasa 371,000,000 ang populasyon nito. Pang-apat ang Timog Amerika sa laki (pagkatapos ng Asya,Aprika, at Hilagang Amerika) at panglima sa populasyon (pagkatapos ng Asya, Aprika, Europa, at Hilagang Amerika).

 

Hilagang Amerika

Ang Hilagang Amerika ay isang kontinente sa hilagang hemisperyo ng Daigdig at halos na nasa kanlurang hemisperyo. Napapaligiran ito ng Karagatang Artiko sa hilaga, Hilagang Karagatang Atlantiko sa silangan, Dagat Caribbean sa timog-silangan, at Hilagang Karagatang Pasipiko sa timog at kanluran. Nasa 24,500,000 km² (9,460,000 sq mi) ang sakop nito, o nasa 4.8% ng ibabaw na bahagi ng planeta. Noong Hulyo 2002, tinatayang mahigit sa 514,600,000 ang populasyon nito. Ang Hilagang Amerika ang ikatlo sa pinakamalaking kontinente ayon sa sakop, pagkatapos ng Asya at Aprika, at ika-apat na pinakamalaki ayon sa populasyon, pagkatapos ng Asya, Aprika at Europa.

 

AFRICA

Ang Aprikaang pangalawang pinakamalaking kontinente sa daigdig at pangalawa sa pinakamataong populasyon pagkatapos ng Asya. May sukat na mga 30,244,050 km² (11,677,240 mi²) kasama ang mga karatig na mga pulo. Sa pangkalahatan, tinatawag na mga Aprikano (lalaki) at Aprikana (babae) ang mga naninirahan sa kontinente ng Aprika.

 

Antartiko

Ang Antartiko ay isang kontinente na pinapalibutan ngKatimugang Dulo ng Daigdig. Ito ang pinakamalamig na lugar sa daigdig at halos natatakluban ng yelo ang kabuuan nito. Hindi dapat ipagkamali sa Artiko, na matatagpuan sa salungat na bahagi ng planeta na malapit sa Hilagang Dulo ng Mundo.

Bagaman mababakas noong unang panahon ang mga alamat at hinala tungkol sa isang Terra Australis (“Katimugang Lupain”), naganap noong 1820 ang unang karaniwang tinatanggap na pagkita ng kontinente at noong 1821 ang unang napatunayang paglapag ng isang Rusong ekspedisyon nina Mikhail Lazarev at Fabian Gottlieb von Bellingshausen. Gayon man, isang mapa ni Admiral Piri Reis noong 1513 ang naglalaman ng isang katimugang kontinente na mayroong posibleng pagkahawig sa pampang ng Antarctica. (Tingnan din Kasaysayan ng Antarctica.)

Sa lawak na 13,200,000 km², panglimang pinakamalaking kontinente ang Antartiko, pagkatapos ng EurasyaAprikaHilagang Amerika, at Timog Amerika. Gayon man, ito ang may pinakamaliit na populasyon: tunay nga, wala itong pampalagiang populasyon. Ito rin ang kontinente na may pinakamataas na karaniwang altitud, at ang may pinakamababang humedad sa mga kontinente ng Daigdig, gayon din ang pinakamababang karaniwang temperatura.

 

AUSTRALIA

Ang Oceania ay ang pangalan na ginagamit sa heograpiya para sa rehiyon na binubuo ng AustraliaNew ZealandNew Guinea, at iba pang mga islang bansa na paloob dito. Ang ibang tao ay tinatawag ang bahaging ito ng mundo bilang Australasia. Para sa iba, ito ay itunuturing kasama sa lupalop ng Australasia.

MGA URI NG ANYONG LUPA

  • Kapatagan — isang lugar kung saan walang pagtaas o pagbaba ng lupa, patag at pantay ang lupa rito. Maaaring itong taniman ng mga palay,mais,at gulay.
  • Bundok — isang pagtaas ng lupa sa daigdig, may matatarik na bahagi at hamak na mas mataas kaysa sa burol. hal.Bundok BanahawBundok Apo.
  • Bulkan — isang uri ng bundok sa daigdig na kung saan ang tunaw na bato ay maaaring lumabas dito mula sa kailaliman ng daigdig. May dalawang uri ng bulkan, una ang tinatawag na tahimik na kung saan matagal na hindi ito sumasabog, tulad ng Bulkang Makiling na matatagpuan sa lalawigan ng Laguna; at ang ikalawang uri naman ay aktibo na kung saan maaari itong sumabog anumang oras. Mapanganib ang ganitong bulkan. Maaari itong sumabog at magbuga ng kumukulong putik at abo. Halimbawa nito ay ang Bulkang Pinatubo.
  • Burol — higit na mas mababa ito kaysa sa bundok at ang halimbawa nito ay ang tanyag naChocolate Hills ng Bohol sa Pilipinas. Pabilog ang hugis nito at tinutubuan ng mga luntiang damo sa panahon ng tag-ulan at kung tag-araw ay nagiging kulay tsokolate.
  • Lambak — isang kapatagan ngunit napaliligiran ng mga bundok. Marami ring mga produkto tulad ng gulay, tabako, mani, mais, at palay ang maaaring itanim dito.
  • Talampas — patag na anyong lupa sa mataas na lugar. Maganda ring taniman
  • Baybayin — bahagi ng lupa na malapit sa tabing dagat
  • Bulubundukin — matataas at matatarik na bundok na magkakadikit at sunud-sunod.
  • Pulo — mga lupain na napalilibutan ng tubig.
  • Yungib — mga likas na butas na may sapat na laki at lawak na maaaring pasukin ng tao at hayop.
  • Tangway — pahaba at nakausling anyong lupa na naliligiran ng tubig.
  • Tangos — mas maliit sa tangway.
  • Disyerto — mainit na anyong lupa

 

MGA URI NG ANYONG TUBIG

  • Karagatan -Ang karagatan ay ang pinakamalawak at pinakamalalim na anyong-tubig. Maalat ang tubig nito. (Kabilang sa mga kilalang karagatan ay ang Karagatang Pasipiko, Karagatang Atlantiko, Karagatang Indian, Karagatang Artiko, at ang Karagatang Southern.)
  • Dagat – Ang dagat ay malawak na anyong-tubig na mas maliit lamang ang sukat sa karagatan. Maalat ang tubig ng dagat sapagkat nakadugtong ito sa karagatan. (Nabibilang sa mga dagat sa Pilipinas ang Dagat Timog Tsina, Dagat Pilipinas, Dagat Sulu, Dagat Celebes, Dagat Mindanao at Dagat llapitan.)
  • Ilog – isang mahaba at makipot na anyong tubig na umaagos patungong dagat. Nagmula ito sa maliit na sapa o itaas ng bundoko *burol.
  • Look – Ang look ay anyong-tubig na nagsisilbing daungan ng mga barko at iba pang sasakyang-pandagat. Maalat din ang tubig nito sapangkat nakadugtong ito sa dagat o sa karagatan. (Ang Look ng Maynila, Look ng Subic, Look ng Ormoc, Look ng Batangas, at Look ng Iligan ay halimbawa ng mga look sa Pilipinas.)Ito ay parte ng isang Golpo
  • Golpo – bahagi ito ng dagat.
  • Lawa – isang anyong tubig na napapaligiran ng lupa.
  • Bukal – tubig na nagmula sa ilalim ng lupa.
  • Kipot– makitid na daang-tubig na nag-uugnay sa dalawang malaking anyong tubig tulad ng dagat o karagatan. May kabuuang 200 ang kipot sa Pilipinas dahil sa pagiging arkipelago nito.
  • Talon – matarik na pagbaba ng tubig sa isang sapa
  • Batis – ilug-ilugan o saluysoy na patuloy na umaagos.
  • Sapa – anyong tubig na dumadaloy.

 GINAWA NINA:

ELLALENE G. LAGOS

MA. CARLA  D. GETA

 

 

 

 

 

Previous Older Entries